CHAP 9

1207 Words
"opo ka na hija, pagpasensyahan mo na ang hinain ko" paumanhin ng matanda sa akin habang ako ay nakaupo sa kanilang kahoy na upuan at nakaharap sa maliit nilang misa na parang isang sipa mulang mababali na agad dahil sa kalumaan. "okay lang po" nakangiti kong sagot rito. "oh apo, asikasuhin mo mona ang bisita mo at may gagawin pa ako sa labas" paalam ng matanda bago tuloyang lumabas. Hanggang sa kami nalang ni Jacob ang naiwan. "k-kain ka na" imik ni Jacob sa akin na kinatango ko. Umupo na rin ito sa upoan Kong kaya't magkaharap kami. Simple lang naman. ang hinanda nila kakanin at puto. Wala nanga akong hinintay pa at nagsimula nang kumain, si Jacob naman ay nag simula naring kumain "Jacob, kayo lang ba ni lola ang magkasama?" tanong ko rito habang ngumunguya ng puto. In fairness, ang sarap . Tumango naman ito sa akin bilang sagot. "Nasaan ba ang mama mo, o di kaya'y papa?" tanong ko ulit rito na kinatigil nito sa pagkain. Para atang bumibigat ang paghinga nito. "Wala na sila" sagot nito dahilan nang pagtingin ko rito nang seryoso. Para atang may sumakit sa dibdib ko dahil sa sinabi nito pareho pala kaming ulila. kaya alam ko na mahirap ang pinagdadaanan nito ang hirap kayang maulila. "Sorry" mahina kong usal rito. "okay lang matagal rin naman yon." aniya nito pero hindi ko magawang ngomiti Kahit sabehin pa nitong okay halata namang hindi "Namatay si mama noong bata pa ako dahil sa brain cancer. Si papa naman, iniwan kami ni mama noong malaman niyang may cancer si mama. Kaya simula nong mamatay si mama kinupkop na ako ni lola" mahabang litanya nito na kinalungkot ko. Mas masakit pala ang pinagdaanan nito kaysa sa akin. Bakit ba may ganoong klasing magulang? Imbis na tulungan o damayan ka, sila pa yung kusang umaalis. Wala naman palang kwenta ang ama nito. Ang lakas atang mangako ng ama nito sa simbahan na magsasama sa hirap at ginhawa. Pero ang totoo, sa ginhawa lang pala magkakasama at pagdating naman ng hirap, aalis na. "Wag mo kong kaawaan, Jissie" aniya nito na kinatigil ko , ngayon lang ata ako nito tinawag sa pangalan ko. Pakiramdam ko sa pagkakasambit nito sa pangalan ko parang may kakaiba. Parang ang sarap sa tenga. ngunit papano ko ba ito hindi kaawaan? ano bang gusto nitong dapat kong maramdaman? Dapat bang pagtawanan ko rin ito? "May girlfriend ka na ba, Jacob?" biglang tanong ko rito. ayaw ko na itong tanungin pa dahil halata namang nahihirapan pa itong magkwento. "W-wala" sagot nito na kinangiti ko. Mabuti naman kung ganon dahil para kasing hindi ko kayang isipin na magkakaroon ito ng girlfriend pag hindi ako. Sa totoo lang, kanina pa talaga iniisip ko kung gusto ko ba si Jacob o hindi. Magkaiba rin naman kasi yung gusto sa mahal. Kaya sa palagay ko, gusto ko ito. Kaya dapat ako lang ang palagi nitong kasama Kasi kung meron ay iwan ko na lang. At tiaka naninibago rin ako sa nararamdaman ko kay Jacob. Hindi ko kasi ma-explain ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko. "Mabuti naman kung ganon, ligawan mo na lang ako, Jacob" ani ko rito na parang isang simpleng sohisyon lang. Bigla naman akong nagulat nang bigla itong napaubo sa harapan ko ,para atang lahat ng kinain nito naibuga sa harapan ko. Sayang at hindi ko na-salo. Sarap siguro non. "Okay ka lang, Jacob?" nag-aalalang tanong ko rito. "N-nagbibiro ka lang, 'di ba?" nag-aalangan nitong tanong sakin. Saan ba ang biro doon? "Seryoso ako, Jacob. Kung wala kang girlfriend, ide-ligawan mo ako" sagot ko rito na kinaseryoso nito nang tingin sakin, parang ngayon lang ata ito naging seryoso. "Pero hindi kita gusto"deritsong sabi nito na kinakirot ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy tanggal lahat ng karisma ko sa sinabi nito. Medyo masakit yon ah. Bigla ata akong nainis rito, ano bang hindi ka gusto-gusto sa akin? Maganda naman ako, masarap ang katawan. Sa katunayan, maraming nagkakagusto sa akin pero hindi ko pinapansin dahil ayaw kong magka-boyfriend. Pero itong lalaking to, ang lakas atang sabihang hindi ako gusto samantalang gusto ko ito. Maghubad kaya ako sa harapan nito? Tingnan lang natin kung hindi ito mapapasigaw ng hallelujah. Inhale, exhale. Kalma lang, Jessie. Kumalma ka lang... Oh, kalma baby, kalma. "Okay then, ako na lang ang manliligaw sayo" deretso kong sabi rito dahil tulad nga ng sinabi nito, hindi ako nito liligawan kasi hindi naman ako gusto. At dahil gusto ko nga ito, ako na lang ang manliligaw dito. Wala rin namang masama diba?. Mas napa-ubo pa ata ito ng malakas dahil sa sinabi ko. Pakiramdam ko tuloy, pati baga nito matatanggal na sa lakas ng pagkakaubo with plima panga.. "J-Jessie, biro lang din yon, 'di ba?" nag-aalangan nanaman nitong tanong sakin muka ba akong Hindi seryoso "hindi ako nang bibiro jacob totoo yon mag sisimula nanga ako bukas" deritsong Saad ko rito mukang hindi na ata ito naka imik dahil sa mga sinasabe ko wala namang masama Kong liligawan ko ito ito naman Kasi ayaw akong ligawan kaya kasalanan nito alam konamang para na akong desperada pero Wala akong magagawa para kasing may sariling isip itong bibig ko at kusa nalang nag sasalita "wag monang pag isipan dahil hindi naman ikaw ang manliligaw" dugtong ko rito dahil ako naman dapat talaga ang mag isip Kong papaano ba ito liligawan "oh apo okay kalang ba?" bigla ata itong na balik galing sa pagkatulala nang biglang magsalita si Lola galing sa labas "o-okay lang ako, Lola" sagot nito bago tumayo sa pagkakaupo. Ako naman ay tumayo na rin dahil pagabe na at kailangan ko nang umuwi. Kaya kinuha Kuna ang dala kong bag kanina. "Oh, hija, aalis ka na ba?" tanong ni Lola sa akin. "Upo, Lola. Mag-gagabi na rin kasi," nakangiting sagot ko rito. "Ganon ba, oh apo pakihatid na lang ng bisita mo. Mahirap na marami panamang siraulo Jan salabas, maganda pa naman tong ka klase mo ," aniya ni Lola Kang Jacob. Plus points na naman to si Lola sakin dahil sinabihan na naman akong maganda. Hindi naman sumagot si Jacob at tumango lang ito. "Sige, Lola. Pupunta na po ako," huling paalam ko kay Lola bago tuluyang lumabas sa maliit nilang tahanan. Hindi pa rin umimik sa akin si Jacob hanggang sa makarating na kami sa may sakayan ng taxi. "Jacob, seryoso ako sa sinabi ko kanina. Simula bukas, liligawan na kita," aniya ko kay Jacob. Bago ako maka para ng taxi. Hindi pa rin ito nagsasalita hanggang sa makasakay na talaga ako. Tse, bahala ka nga jan... Hindi ko na hinintay kung iimik pa ba ito sa akin o hindi dahil pinatakbo na ni gagong manong ang sasakyan. Kahit hindi ko pa naman sinasabi. Paladisisyon yarn... Habang nagbababyahe ako papunta sa bahay, naisipan Konalang mag cellphone at pumonta sa Google para hindi naman ako mainip Kahit papaano. nag re-search lang ako kung papano ba manligaw. At ang lumalabas nga ay dapat bigyan daw ng bulaklak ang nililigawan mo. Aanhin ba 'yang bulaklak? Hindi naman yon makakain at malalanta pa. Kong hindi naman daw bulaklak, pwede raw stuffed toy. Isa pato eh Hindi naman naglalaro si Jacob ako na lang siguro mag-iisip bukas. Tutal, wala namang klase
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD