JACOB POV.
______________
"Apo, may bisita ka ata," bungad na aniya ni Lola sa akin habang ako ay nag-iigib ng tubig sa poso ng aming kapitbahay.
Nagtaka naman ako ng tumingin kay Lola dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon maliban kay Jessie, pero impossible namang na totoohanin nito ang sinabi nito kagabi.
Kaya naman talaga nasabi ko kay Jessie na hindi ko ito gusto dahil baka pinagtri-tripan lang ako nito. Bukod kasi sa isa akong nerd na lampa wala pang maipagmamalaki sa buhay, kaya impossible talagang magustuhan niya ang isang katulad ko. dahil wala namang kagusto gusto sakin .
Hindi ko man aminin, gusto ko talaga ito sa unang kita ko pa lang dito. nakuha ka agad nito ang atensyon ko. Hindi naman Kasi ito mahirap magustuhan, bukod sa sobrang ganda na, mabait pa at maslalong nagostohan ko ang pagiging palaban nito talo pa ata ako na hindi kayang ipagtanggol ang sarili, matagal naman akong binubully ni Nikolai sa katunayan ay hindi lang si Nikolai marami pang iba pero hindi ko nalang talaga pinapansin Kasi Kahit umapila pa ako sa huli ako parin ang magiging kawawa.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nilapitan at nakakausap ko ito. Sino nga bang gustong lumapit sa isang katulad kong lampa at palaging binubully Wala nga halos lumalapit sa akin na estudyante sa Universidad.
Kaya naman sobrang gulat ako nang ipagtanggol ako ni Jessie kina Nikolai. Hindi ko alam na ganoon pala ang ugali ni Jessie, ngunit hindi man lang ako nadismaya. Sa halip, mas lalong pa akong humanga rito.
Nang tumingin ako sa sinasabi ni Lolang bisita ko raw ,gayon nalang ang pagkagulat ko dahil si Jessie nga ang narito. pero kalaunan agad akong nagtaka nang may dala na itong bubong ng bahay, bahagya pa nitong pinasan sa ulo.
"J-Jessie, anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko rito. Hindi ko parin mapigilang mapatingin sa magandang mukha nito na kahit araw-araw ko pang titigan, hindi ako magsasawa.
"Manliligaw," simpleng sagot nito bago binaba ang pasan nitong bubong ng bahay. Gulat man ako sa sinabi nito, hindi ko pinahalata kahit pa hindi pa rin ako makapaniwala.
"Pero bakit may dala kang bubong ng bahay?" takang tanong ko rito. Mabuti nalang talaga at wala si Lola rito nagpaalam kasi kanina na manlalabada daw siya sa kapitbahay namin. Ayaw ko mang pagtrabahuin si Lola, ayaw ring paawat , nagtatrabaho rin naman ako pero pag-sasadeline lang.
"Kasi nga nanliligaw ako. Alangan naman bigyan kita ng bulaklak, malalanta lang naman yon. Kaya bubong nalang ang binili ko at tiyaka tumutulo na rin yung bubong niyo, 'di ba?" paliwanag nito na kinatamimi ko dahil hindi ko na alam kung ano panga ba ang isasagot ko rito.
"J-Jessie, diba s--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang umalis na ito sa harapan ko at pumasok na lang sa bahay namin na parang ito talaga ang may-ari.
Bahagya pa nitong tinignan ang aming bubong na halos konti na lang ay makikita na ang kalangitan. Minsan nga pag umuulan ay nababasa kami ni Lola . Gustohin ko mang ipaayos, ay hindi ko magawa dahil sa nagagamit ko ang aking Perang kinikita sa pag aaral at mas inuuna ko rin ang maintenance na gamot ni Lola. Kaya wala na akong panahon para ipaayos ang bubong namin.
Kung hindi lang sana kami iniwan ni Papa, hindi siguro kami magkakaganito.
Iniwan kami ni Papa nung nalaman niyang may brain cancer si Mama. Imbis na tulungan niya kami at ipagamot si Mama, hindi niya ginawa. Sa halip, umalis lang ito. kaya Hindi korin mapigilang mamuhi saaking ama
"Apo, kanino ba 'tong bubong rito?" nagtatakang tanong ni Lola na kakagaling pa sa kapitbahay namin. Kung pwede lang talagang hindi pagtrabahuin si Lola, sana ginawa ko na wala rin akong pag pipilian ang totoo pinatigil Kona talaga ito sa paglalabada pero sa huli nalalaman konalang na pasekrito itong nag lalabada sa kapitbahay .
"dala ko po 'yan, Lola," sabat ni Jessie na nakangiti. Kinindatan pa ako nito na kinapula ng aking mukha, Kaya bahagya akong yumuko para hindi makita ang muka Kong namumula. Ayaw ko kasing makita ako nitong na apektado sa mga ginagawa nitong kakaiba.
"aanhin moyan , hija?" tanong ni Lola. Ako naman ay nanatiling nakatayo sa harapan nila.
"Para sa bahay ninyo po 'yan, Lola. Nanliligaw po kasi ako sa apo ninyo," nakangiting sagot ni Jessie. Parabang sa pagkakasabi nito ay parang isang simpleng bagay lang. Wala naman masama kung babae ang manliligaw, pero sa itsura nito, hindi bagay ang manligaw. dapat ito ang nililigawan dahil sa ganda nito na halos mapapanganga ka na lang talaga. Ramdam ko ang pagkabigla ni Lola sa sinabi ni Jessie pero sa huli ay napangiwi narin .
"Ay nako, totoo ba 'yan, apo?" tanong ni Lola sa akin na kinangiti ko na lang ng piki dahil Hindi Kona alam Kong ano ba dapat Kong isagot
"Hi--" Hindi ko na matapos ang sasabihin ko nang sumabat nanaman si Jessie.
"Totoo po 'yan, Lola. Nililigawan ko po 'yang apo ninyo. Ayaw kasi akong ligawan," aniya ni Jessie na parang kasalanan ko talaga na Hindi ko ito niligawan .sa totoo lang ay Karapat-dapat naman talaga itong ligawan ng isang lalaking nababagay rito. Pero hindi ako 'yon gusto ko man ito, ngunit alam ko sa sarili kong hindi kami nababagay.
"Jusko, ang mga kabataan nga naman ," aniya ni Lola na napapailing pa bago umalis hindi korin alam kong saan nanaman ito pupunta.
"Halika na, Jacob. Ilagay na natin 'tong bubong sa itaas ng bahay ninyo!"sigaw ni Jessie sakin na kinatingin ko rito
"h-ha a-ako " turo ko sa sarili ko hindi ko alam Kong bakit ba sa tuwing nakakausap ko ito , nauutal ako para kasing sa tuwing nakikita ko ito ay lumalakas ang t***k nang puso ko diko malaman Kong normal paba ito o may sakit na talaga ako sa puso
"Oo ikaw alangan namang si Lola" aniya nito bago bumalik sa loob nang bahay ako naman ay natatarantang sumonod rito
pumasok nanga ako sa bahay naming Isang galaw molang ay parang lilindol na ang lahat dahil sa kalamuaan
"Jacob hawakan moto " tukoy nito sa bubung na dinala nito kanina ,ito naman may dala naring martilyo na hindi ko alam kong saan nang galing wala naman Kasi Kaming gamit na martilyo rito
"Anong gagawin mo?" takang tanong ko rito nang akma na sana itong aakyat pa taas.
"Aakyat malamang. Paano malalagay ang bubong kung hindi ako aakyat?" sagot nito sa akin na kinagulat ko. Kakaiba talaga ang babaeng ito , para kasing hindi nito kaya ang ganoong bagay dahil sa kainosentehan ng mukha .
"Teka, ikaw?" nagtatakang tanong ko rito.
"Ay hindi, si Lola ang paakyatin ko sa taas. Lola, halika rito. Syempre ako nga, 'di ba?" sarkastikong nitong sagot sakin ibig ko lang naman sanang sabihin dapat ako na lang ang umakyat dahil sa babae itong tao.
"H-Hindi, ang ibig kong sabihin ay ako na lang ang aakyat. Baka ma paano kapa" aniya ko rito na kinangiti nito. Hindi ko alam kung bakit ito ngumiti pero ang sarap rin nitong tingnan na ngumingiti parang nakakapawi nang pagod dahil maslalo itong gumanda .
"Nag-aalala ka sa akin, 'jacob." namumulang sabi nito sa akin na totoo naman. Sinong bang hindi mag-aalala rito? Hindi ko na lamang ito sinagot dahil binitawan ko na nga ang bubong at nagsimula nang umakyat patungo sa taas.