
Hindi alam ni Leandro Chaze
Villamor kung ano ang gagawin sa
isang mapangahas na babaeng
pumasok sa kanyang nananahimik
na kaharian.
Mailap, misteryoso, at tahimik
na binata ang pagkakakilala sa kanya sa kanilang lugar.
Pero magugulo yata ang mundo
niyang itinago sa lahat dahil sa
pagpasok sa buhay niya ng isang
dalagang hindi sinasadyang
napadpad sa kanyang
iniingatang lugar.
Sino kaya ang mapangahas na babae at ano ang magiging papel
niya sa madilim na buhay ng binata?
