CHAPTER NINE

2024 Words
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin dalawin ng antok si Margaret. Nakatulala siya sa kawalan habang pinakikinggan ang nakakabinging katahimikan ng gabi. Ilang araw pa lang ay para bang napakarami ng nangyari. Sa loob din ng ilang araw na dumaan ay nasa hospital lang siya—natutulog, kumakain, at nagpapahinga. Ngunit pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. At lahat ng iyon ay nagsimula nang sirain ni Nico ang pangako nitong siya lang ang mamahalin. Nang mas pinili nito ang pangarap na kasikatan at si Katrina. Mariing ipinikit ni Margaret ang mga mata habang inaalala kung paano sila nagsimula ni Nico at kung paano sila umabot sa kasalukuyan. Graduating sila ni Nico Ronquillo sa high school nang niligawan siya nito. Hindi man mahigpit ang mga magulang nila ni Kimmy, masiyado namang maingat ang mga ito sa mga lalaking sumusubok pumasok sa buhay nila. At hindi niya magawang sagutin kaagad ang lalaki. Tipikal na habulin si Nico ng mga babae dahil sa taglay na karisma. Maporma rin ito na lalong nagpapalitaw ng kagwapuhang taglay nito. Literal na lapitin ito ng mga babae kaya naman nahirapan siyang pagkatiwalaan ito. Gayunman, pagkatapos ng ilang buwan na panliligaw nito at pagpapakita na seryoso sa kaniya, sinagot niya ito ng lingid sa kaalaman ng mga magulang. Tanging si Kimmy lang ang nakaalam ng tungkol sa kanila dahil bukod sa magkasama sila sa paaralan ay wala siyang maiitago rito. Sa loob lang ng ilang buwan na magkasintahan sila ay kinakitaan niya ito nang pagbabago. Hindi niya lubos akalaing tatagal sila ni Nico at magiging seryoso ito sa kaniya. Natuto itong umiwas sa mga babae, naging abala sa pag-aaral at sa kaniya, at nabawasan ang pagiging mayabang nito na madalas kinaiinisan ng kapwa lalaki. Ngunit kasabay din nang pagbabagong ito ay nagbukas ang oportunidad ng pagmomodelo dito. Nang dahil sa isang simpleng buyuan ng mga kaibigan, nadiskubre ito ng isang talent manager at binigyan ng pagkakataong magmodelo. Sinuportahan niya ang gusto nito kahit na nag-aalala siya dahil baka mas dumami ang tiyak na kaagaw niya. Mahal niya ito kaya naman mas mahalaga sa kaniya na suportahan ito sa mga pangarap nito. Isinantabi niya ang takot at sinikap na magtiwala dito. Hindi naman nasayang ang effort niya dahil naging tapat ito. Nang magdesisyon silang mag-college ay nagkasundo rin sila sa course na gusto. Kahit na modelo na si Nico ay pangarap din nitong magtayo ng sariling business kapag nakaipon na. Isang dahilan kaya pinili niya rin ang Business Administration sa halip na magkasama sila ni Kimmy na kukuha ng Engineering. Marami siyang gusto noon na tinalikuran niya para kay Nico. Hindi niya namamalayan ay kinakain na siya ng pagmamahal niya dito. Sa sobrang pagmamahal ni Margaret kay Nico at sa kagustuhan na suportahan ito ay hindi niya namamalayang nawawala na ang dating Nico. Habang kinakain siya ng pagmamahal dito, kinakain naman ito ng sariling mga kagustuhan at pangarap. Pangarap na sabay nilang hinabi at binuo noon. Pangarap na sa huli ay hindi na pala siya ang kasama. Sa loob ng dalawang taon na magkasintahan sila, masiyado siyang naging palagay ang loob na hanggang sa huli ay siya lang ang babaing mamahalin nito. Ngunit mali siya. Maling-mali! Dahil sa ikalawang taon ng anibersaryo nila ay doon pa niya malalaman na ginagag*go na pala siya ni Nico. Sa araw pang iyon niya malalaman na matagal na pala siya nitong niloloko. Nakuyom ni Margaret ang kamao nang maalala kung paano niya binalak surpresahin si Nico para sa huli ay siya lang ang masorpresa nang makita itong kahalikan si Katrina sa Music Room. Ang sabi ng mga kaklase nito ay may inaaral itong instruments doon pero ibang instrument pala ang pinag-aaralan nito. Pagkatapos niyang mahuli ito sa akto, buong akala niya ay susubukan nitong magpaliwanag, na sasabihin sa kaniyang inakit lang ito ni Katrina, which is madalas ginagawa ng huli dito. Lantaran at walang pakundangan kung manlandi si Katrina lalo na at natipuhan nito ngunit hindi niya akalaing magpapadala si Nico. Masakit na sa loob na makita silang naghahalikan pero mas masakit na marinig na matagal nang may unawaan silang dalawa. Na habang nakatalikod siya ay may ginagawa silang dalawa at pinagtatawanan siya dahil sa pagiging naïve niya. Hindi man lang niya napansin. Wala man lang mga senyales siyang nakita. Tinalikuran niya lahat—ang pangarap nila ni Kimmy, ang katapatan niya sa mga magulang, ang prinsipyo at dignidad niya para lang sa huli ay lokohin siya nito. Tinalikuran niya ang lahat dahil sa pagmamahal kay Nico. Kasabay nang pagpatak ng luha ay ang pagsalimbay ng alaala kung saan naabutan niyang magkahalikan sina Nico at Katrina sa Music Room. “Paano mo nagawa ito, Nico?” nag-aakusa ang mga matang tanong ni Margaret kay Nico. Ngunit pabalewalang sinulyapan lang siya ni Nico sabay hapit sa bewang ni Katrina palapit sa katawan nito. “Hindi pa ba obvious?” malamig nitong tanong. Hindi niya inaasahan ang sinabi nito kaya umiling-iling siya. “Stop this joke, Nico. Hindi ito nakakatuwa.” “Well, it is not a joke,” sabat ni Katrina sa maarteng tinig. “Kami na Nico...” “Shut it, Katrin—“ “It’s fine kung ayaw mong maniwala,” agaw pa ni Katrina sa mga sasabihin pa niya. “Ang mahalaga, nasabi na namin ang sides namin.” Sinikap ni Margaret na huwag pansinin ang mga sinasabi ni Katrina kaya nilingon niya si Nico. “Tell me, Nico. Hindi totoo ang mga sinasabi niya. She’s just lying! Prank lang ba itong ngayong 2nd anniversary natin?” “I’m sorry, Marj, but we’re done. Siguro hanggang dito na lang tayo.” Although Nico was asking for an apology, the way he stared at her and the way he spoke didn’t match his words. “Hindi nakakatuwa ito, Nico. Hindi mo ba natatandaan ang araw na ito?” tanong niya habang humahakbang palapit dito. Tiningnan siya nito pero wala nang emosyon na makikita sa mga mata nito. “We’re done, Margaret.” Nagawa niyang makalapit dito pero nang akmang hahawakan niya ito ay mabilis siyang nahawakan ni Katrina. “Oppss! Hindi ko ugaliing ipahawak ang pag-aari ko sa binasura na,” nakangising saad ni Katrina. “Labas ka dito, Katrina. Kailangan naming mag-usap ni Nico.” “Mag-usap? Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? You’re done!” Dala nang paghahalo ng emosiyon ay marahas niyang binalingan ito. “Manahimik ka! Ikaw pa talaga ang makapal ang mukha na makisabat dito!” Naningkit ang mga mata ni Katrina at walang salitang bumitaw kay Nico para maharap siya nang maayos. “Don’t you dare to speak at me like that!” “And why would I?” she asked sarcastic tone. “Sino ba dito ang nanlalandi ng boyfriend ng may boyfriend?” Tumaas ang isang kilay ng Katrina kasabay nang pagsilay ng mayabang na ngiti. “Hindi ko kasalanan kung mas magaling ako sa’yo pagdating sa…” Tumigil ito sa pagsasalita bago lumapit sa kaniya at bumulong. Inaasahan niya na ang sasabihin nito pero hindi niya mapigilan ang sakit na dulot ng mga salita nito. “Y-you’re g-gonna be kidding me…” nanggagalaiting saad niya. Hindi pa rin makapaniwala sa mga binitiwang salita ni Katrina. “Trust me, sweetcake…” nakakalokong dugtong pa ni Katrina at lumakad na palabas ng silid. Naiwan silang dalawa ni Nico. Nag-uunahan na ang mga luha niyang tinitigan ito. “Bab—“ “Cut it off, Margaret. We’re done,” malamig na saad ni Nico habang titig na titig sa kaniya. Dati-rati ay hindi nito magawang makita siyang umiiyak pero ngayon ay parang wala lang rito kung luhaan at halos magmakaawa siya sa harap nito. “G-ganoon mo na lang itatapon ang lahat?” may nginig ang tinig na tanong niya pero wala itong naging tugon. “L-lahat ginawa ko para sa’yo, Nico… Alam mo iyon… Ginawa ko lahat dahil mahal kita!” “No, Margaret… Maybe in the first place, it’s not really love. Nag-enjoy naman tayo sa larong ito ‘di ba?” Nico’s words fell on her like an atomic bomb fell on a large and beautiful city, leaving nothing but disaster. Hindi na niya nagawang magsalita hanggang sa makalabas ito. Marami siyang gustong sabihin, gawin at isigaw pero tila lahat ng lakas niya ay nilisan ang katawan niya. Hindi namalayan ni Margaret ang muling pag-agos ng masaganang luha habang binabalikan ang araw na nalaman niyang niloloko na siya ni Nico. Kahit anong gawin niya ay paulit-ulit bumabalik ng sakit. Umiyak man siya nang umiyak ay hindi maalis-alis ang sakit. Sa halip habang tumatagal ay lalo lang nadaragdagan ang sakit. Nagagawa man niyang ngumiti sa harap ng pamilya ay hindi maalis ang bigat at sakit ng pang-iiwan ni Nico sa kaniya at ng bagong rebelasyon sa buhay niya. Hindi niya alam kung paano pa kakayanin ang lahat, kung paano pa haharapin ang mga tao ng may pagmamalaki. Kung deserving pa ba siya sa paggalang ng mga tao o sa pagmamahal ng kapatid at magulang. O kaya'y kahit ng sarili niya… Tumayo siya mula sa pagkakahiga. Hilam ng luha ay tinuntun niya ang kinahihigaan ni Arielle. Ang taong tumayong kaibigan, bestfriend, at kapatid niya. Sa loob ng mahabang panahon, ito ang naging lakas niya. Ito ang naging sandalan niya, ang naging rason ng mga ngiti niya lalo nang iwan siya ng kaniyang mama. Si Kimmy ang tumayong kakampi niya sa lahat ng oras. Nang makalapit sa nahihimbing na kapatid ay hinaplos niya ang buhok nito. "Ate, best, Kimmy, kapatid ko... Kung anu-ano na tawag ko sa’yo, pero okay lang naman ‘di ba?" May mapaklang ngiting tanong niya. Pinalis niya ang mga luhang walang tigil sa pagpatak bago ginawaran ito halik sa noo. "Sorry, kung ang hina-hina ko... Sorry, kung madalas nagiging pabigat na ako sa'yo... Sorry kung minsan ang kulit ko. Sorry sa lahat... Alam ko... lahat na lang ginagawa mo para sa akin... Kaya ‘wag ka sanang magagalit sa gagawin ko. Nga pala, salamat sa lahat ha. Sa pagiging mabuting kaibigan at kapatid. Sa lahat-lahat na... Hindi ko alam kung paano pa ako babawi pero pwede bang salamat na lang..." Bahagya siyang napasigok dala ng pag-iyak. Sumisikip ang dibdib niya na para bang puputok na ito anumang oras. Inabot niya ang kamay nito at marahang ginagap iyon. "Ate, mahal na mahal kita, kayo nina mommy at daddy. Sana lagi mong tatandaan iyon. Walang sinuman ang papalit sa inyo dito sa puso ko. Kaya sorry, Kimmy. Pero ito ‘yung gusto ko. Ito lang ‘yung simulang alam ko. Ito lang ‘yung nakikita kong madaling paraan para makalimot, para mawala lahat ng sakit... Kaya sana ‘wag kang magagalit. P-please… f-forgive me…” Hindi na niya napigil pa ang sariling mapahagulhol. Hindi na niya kaya. Napaupo siya sa sahig, tutop ang bibig. Impit ang bawat pag-iyak sa takot na magising ang kapatid. Ayaw niyang magising ito at baka hindi na niya magawa pa ang balak kapag nakita ito na nag-aalala. Baka panghinaan na naman siya ng loob. Nakaupo siya sa sahig, nakasandal sa dingding habang pilit pinipigil ang pag-iyak. Tumingala siya sabay bulong, “Sorry, Kimmy, mommy, daddy... Mahal na mahal ko po kayo...” Batid niyang sa gagawin, mas mahihirapan siyang patawarin ang sarili pero ito lang ang nakikita niyang paraan upang lumaya mula sa sakit na nararamdaman. Dalangin niya lang ay mapatawad pa niya ang sarili pagkatapos ng lahat. At sana rin… ‘Mapatawad pa kaya niya ako kung nasaan man siya ngayon?’ Mapatawad pa kaya niya ang babaeng nagtanggal sa kaniya ng karapatang mabuhay? Ang babaeng sana'y magmamahal at kakalinga sa kanya? Ang babaing sa huli'y kumitil sa buhay niya... Nag-alis ng lahat-lahat sa kanya… At lahat ‘yun ay dahil sa inaakalang tunay na pagmamahal. Ang kaninang sakit ay lalong tumitindi habang inaalala niya lahat ng mga ginawa niya para kay Nico at para sa inakala niyang pangarap nila. Dahan-dahan ay ibinaba niya ang kamay sa tiyan. "Patawad... Patawarin mo ako... Hindi ko ginusto na mangyari ang lahat ng iyon... Patawad..." Huminga siya nang malalim at pilit pinakakalma ang sarili. ‘Mama, malapit na tayong magkita... At ikaw, munti ko anghel... Baby Mico, magkikita na kayo ni mama…’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD