CHAPTER EIGHT

1238 Words
Si Arielle na ang nagbantay kay Marj hanggang gabi. Umuwi lang siya para makapaligo at kumuha ng ilang damit. Ang gusto sana ng kaniyang mga magulang ay ang yaya na ang bahalang magbantay kay Marj pero naging makulit lang siya. Gusto niyang personal na bantayan ito pagkatapos ng nangyari. Sumulyap si Arielle sa wall clock at napagtanto na alas-nuwebe na pala ng gabi. "Hindi ka pa ba matutulog, Kimmy?" dinig niyang tanong ni Margaret. Sinulyapan niya ang kapatid na kasalukuyang nakahiga sa hospital bed. "Tatapusin ko lang ito. Konti na lang naman,” tugon niya sabay taas ng notebook. "Huwag mo ng tapusin yan... It's no use." May pagtatakang tiningnan ni Arielle ito, hinihintay na sabihin nito na nagbibiro lang. “At anong drama yan?” tanong niya nang hindi nagsalita si Margaret. Nagkibit-balikat ito. "Oy, oy, bruha ka! Napapaano ka?" Umiling-iling ito. "Wala... Wala.." "Margaret…" may halong pagbabantang aniya. "Ate," bumaba na ang boses nito dahilan para bahagya siyang matigilan. "Akala ko ba nakapag-us—“ "Sorry at ng dahil sa akin napapa-away ka pa," mabilis na wika ni Margaret. Maang niyang tiningnan ito. ‘Alam ba niya? Pero paano?’ "Marj..." "Saab told me everything…" Napatungo siya. "Sorry, Marj… Galit ako ng mga time na ‘yun.. I know na naging unreasonable ako ng mga oras na ‘yun. But, I hate them both for hurting you." Ilang sandaling katahimikan ang dumaan. Sa bawat segundong pagtunog ng orasan, naghahalo ang emosyon ni Arielle. Akmang magsasalita na siya nang biglang humalakhak si Margaret. Napaharap siya dito, nakaawang ang mga labi at namimilog ang mga mata. Hindi niya inasahan ang reaksiyon ng kapatid. Ang inaasahan niya ay maiinis ito sa kaniya o kaya ay malulungkot pero hindi ang hahalakhak ng ganoon. “Marj…” "I know and I understand," Margaret said while chuckling. "Sayang nga, eh at wala ako noong time na bugbugin mo silang dalawa,” pagpapatuloy lang nito at muli na namang humalakhak na para bang may nakikita o naiisip itong nakakatawa na hindi niya alam. ‘Ano bang nangyayari rito sa kapatid niya? Nababaliw na ba ito?’ Oh God, ‘wag naman sana… Bumangon ito mula sa pagkakahiga kaya nagdesisyon siyang tuluyang tumayo. "Ano ba kasing nangyayari sa'yo?" Tumigil ito sa katatawa pero napaltan naman iyon ng malapad na ngiti. "Oh please, ‘wag ninyo naman po sanang ipahintulot na magkaroon ako ng baliw na kapatid," wala sa loob na nasabi niya. "Baliw! Hindi ako baliw, noh. Si Saab naman kasi.” Natatawa na naman ito. Hayy, sana nakakatawa nga kung anuman iyong iniisip ni Marj para naman mabaling sa iba ang atensiyon nito. Tumatakbo pa sa kung saan ang isip niya nang biglang may tumamang kung ano sa mukha niya. "Aray ko po! Ano ka ba naman, Marj?" bulalas niya bago napatingin sa unan na nasa paanan niya. "Mas baliw ka ata, Kimmy.. Pangiti-ngiti ka pa dyan. Uy! Naaalala niya si Keith..." "Ha?" gulat niyang bulalas. "Gwapo si Keith Balmaceda, noh? Tsaka ang bait pa, bagay kay—“ Hindi na niya ito pinatapos nang pagsasalita at ibinato ang kaninang unan na ibinato sa kaniya "Magtigil ka nga diyan, Margaret!" "Eh, bakit ka namumula?" "Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" "May naikwento kasi sa akin si Saab." Iningusan niya ito bago bumalik sa pagkakaupo at kunwa’y ibinalik ang tingin sa isinusulat. “Mabango ba ang panyo ni Keith, Kimmy?” pang-aasar pa ni Margaret. Hindi niya pinansin ito at nagsimula nang magsulat ulit. “Ang tangkad niya,’di ba, Kimmy?” Hindi pa rin siya nagsalita. Bahala itong umimik nang umimik. “Pero matangkad ka rin naman, Kimmy kaya bag—“ “Hoy, Margaret! Tantanan mo ako!” asik niya nang lingunin ito pero ang magaling niyang kapatid ay nasa huwisyo nang pang-aasar. Malapad ang ngiti nitong nagpatuloy sa pagsasalita. “Tahimik at medyo suplado lang si Keith pero gentleman talaga iyon.” “So?” Umayos ng upo si Margaret bago ikiniling ang ulo. “Para siyang ikaw. Akala ng iba ay suplada ka pero mabait at sweet ka talaga.” Nablangko ang utak niya dahil sa sinabi ng kapatid. “Akala nila ay wala kang pakialam sa paligid mo maliban sa pag-aaral mo pero ang hindi nila alam ay maalaga at maalalahanin ka talaga.” Wala pa rin siyang makapang salita kaya tinitigan na lang niya ang kapatid na may masuyong tingin at ngiti sa mukha. “Iyon ba ang tingin mo sa akin?” tanong niya pagkaraan. Tumango-tango si Margaret. "Hindi ka ba galit dahil sa ginawa ko kay Nico?" “Hindi. Hindi naman ako nasampal at nasuntok eh,” pagbibiro nito sa bahaw na tinig. Iniiwas nito ang tingin sa kaniya bago nagpakawala nang malalim na buntong hininga. “Mas nag-aalala ako kapag nakarating kina mommy at daddy ang nangyari.” Hindi niya masisisi ito dahil first time niyang napaaway ng ganoon. Ang masama pa, dumayo pa talaga siya sa BA Department para manggulo. Tiyak makakarating na sa daddy niya ang lahat. Tumayo siya para umupo sa paanan nito. Inabot niya ang unan na kanina lang ay pinagbabatuhan nilang dalawa at niyakap iyon sa kandungan. “Huwag mo nang isipin iyon. Ako nang bahalang magpaliwanag kina mommy at daddy. Ang inaalala ko lang, tiyak malalaman din nila ang tungkol sa inyo ni Nico.” “Hindi ko naiisip iyan ngayon. May mas importanteng bagay na mas inaalala ko.” “Gaya ng?” Hindi pinansin nito ang tanong niya. "Ate, naalala mo ba noong una tayong magkakilala? Hindi ninyo pa alam noon na nagbunga ang pakiki-pag-affair ni daddy kay mama? Hindi ba at nagalit si mommy noong mga panahon na ‘yun pero at the end napatawad din naman niya si daddy kasi mahal niya si dad?” Tumingala ito at humugot nang malalim na hininga. Ibinalik nito ang tingin sa kaniya at nagpatuloy. "Kaya sana ate, ‘wag ka sanang magagalit o magtatampo kung sasabihin kong napatawad ko na sina Nico at Katrina sa ginawa nila sa akin. Ayaw kong magtanim ng kahit na anong sama ng loob. Gaya nila, alam kong hindi man namin deserve ang kabutihan ninyo, tinanggap ninyo pa rin kami at itinuring ninyo akong pamilya. Alam kong magkaiba pero gusto ko ng kalimutan lahat ng sakit at magsimula uli sa paraang alam ko. Kaya sana, ate. Hayaan mo na lang sila... Tanggap ko nang hanggang dito na lang kami. Aaminin kong masakit pero ikaw ang nagturo sa akin na piliin kong mas maging masaya... At ito ‘yung simula para tuluyan na akong sumaya…" Hindi niya lubos akalaing mapapatawad kaagad ni Marj sina Nico at Katrina. Para sa kaniya ay hindi biro ang lokohin pero anong magagawa niya, nagdesisyon na ito. Nang wala siyang masabi, niyakap niya na lang ito. Labag man sa loob na palagpasin ang ginawa nina Nico at Katrina pero kung iyon ang gusto ni Margaret ay igagalang niya ang desisyon nito. “Kung iyan ang gusto mo…” Binigyan siya nito ng isang ngiti. "Mahal na mahal kita, Kimmy." "I do, too. At kung iyan ang gusto mo hindi ko na lang sila papansin. From now on, hindi ko na sila kilala, magbabagong-buhay na tayo... At kung kaya mong magpatawad, ako pa kaya.. Basta ‘wag mong kakalimutan, andito lang ako... Hindi kita iiwan... Hindi ka na mag-iisa muli." Muli, habang yakap ni Margaret ang kapatid, payapa man ang mga mukha niya, may lungkot naman ang ngiting sumilay sa mga labi niya. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD