CHAPTER THIRTY-EIGHT

1233 Words
Pakiramdam ni Arielle ay nanghina ang buo niyang katawan. Kanina pa nakaalis si Jess habang siya’y nananatiling nasa labas ng gate at nakatulala pa rin. Gusto niyang habulin at kausapin si Jess, but knowing her, hindi pa ito makikinig sa kaniya. Isa pa, hindi niya masisisi ito. Matagal na silang magkakaibigan pero sa isang kisapmata ay parang nakalimutan niya na iyon. Masiyadong natuon ang atensiyon niya kina Nico at Katrina. Naging abala siya sa pagamot ng sariling sugat. At nabaling ang atensiyon niya kina Keith at sa mga kaibigan nito. Unti-unti’y tila nakakalimutan na niya ang dating Kim. Sa huli, nagdesiyon siyang pumasok sa loob na mabigat pa rin ang dibdib. Eksaktong pumasok siya ay kita niyang hindi magkaintindihan ang mga katulong. Para bang may pinagkakaguluhan ang mga ito. “May problema ba, Nana?” Hindi mapigilang tanong niya kahit na ang totoo ay gusto niya nang umakyat at magkulong sa loob ng silid niya. Para siyang nauupos na kandila. “May natawag kasi doon sa telepono sa office ng daddy mo.” Nag-aalangang tugon nito. “Sino daw po?” “Hindi po nagpakilala. Kanina pa natawag pero sa tuwing sinasabi naming wala ang daddy ninyo ay pinapatay ang tawag.” Napakunot-noo siya. “Sinabi po ba kung bakit siya tumatawag?” “Hindi rin po.” Ilang segundo niyang tiningnan si Nana bago nagmamadaling tinungo ang office ng daddy niya. Hindi niya ugaling pumasok roon. O kahit noong buhay pa si Margaret ay hindi sila basta pumapasok roon nang walang pahinulot. Hindi naman sa pinagbabawalan sila ng ama, ayaw lang nitong nagugulo o nawawala sa patas ang mga gamit nito. Isang bagay pa’y may pagka-istrikto ang ama niya pagdating sa mga gamit na nasa opisina. Kung may pagkakataon man na nakakapasok sila doon ni Margaret noon, kadalasan ay nakaupo lang sila sa isang tabi at hindi pwedeng humawak basta ng kahit ano. Pagpasok niya ay tahimik na ang silid. Wala siyang naabutang tumutunog na telepono o kahit na anong ingay. Tahimik na iginala niya ang mga mata sa paligid. Puno ng shelves ang paligid ng silid. May mga bahaging puno ng mga books. Meron ding mga folders na alam niyang gamit rin ng ama. Sa gitna ng silid ay isang malaking table at isang malaking kulay itim na office chair. Sa ibabaw ng table ay maayos na nakasalansan ang ilang folder. Bukod sa mga folder ay mayroon ding kulay itim na pencil holder na nakapatong sa mesa. Sa tabi noon ay desk lamp at isang picture frame. Humakbang siya palapit sa table ng ama. Nang marating ang gilid ng table ay inabot niya ang frame. May intak sa dibdib niya habang nakatitig sa larawan nilang apat. Siya, si Margaret, ang mommy at daddy nila. Nakaupo ang ama’t ina nila sa isang magarang upuan habang sila ay nakatayo sa magkabilang tabi ng mga ito. Lahat sila ay malawak ang ngiti sa labi. Hinding-hindi niya makakalimutan ang larawan na iyon. Katatapos lang nilang mamasiyal noon nang maisipan nilang magpakuha ng larawan. Para sa ina nila ay dagdag collection iyon pero sa huli ay naging isang munting alaala na minsan pa ay naging masaya sila. Ibinaba niya ang larawan sa table. Hinarap niya ang shelf na nasa likod ng upuan. Dati ay napakaraming larawan nilang dalawa ni Margaret ang naka-display sa shelves pero nakapagtatakang wala na ang mga iyon. Wala siyang natatandaan na ipinaalis o ipinalabas ng ama ang mga larawan. “Mam Arielle…” Napapitlag si Arielle nang mula sa pinto ay magsalita si Marie. Hindi niya namalayang nakasunod na pala ito sa kaniya. “Alam mo ba kung nasaan ang mga larawan dito?” tanong niya sa katulong. “Kung hindi po ako nagkakamali ay itinago iyon ni Sir.” “Alam mo ba kung nasaan?” Marahang umiling si Marie. “Wala pong sinabi si Sir. Isa pa po ay ayaw ni Sir na mag-aalis na lang kami basta ng gamit dito kaya baka siya po mismo ang nagtago.” Tumango-tango siya bago naglakad patungo sa likod ng table. “M-mam…” nag-aalangang tawag ni Marie. “Lalabas na po ba kayo?” Sinulyapan niya ito at binigyan ng munting ngiti. “Mabilis lang ito. Lalabas rin ako kaagad.” “P-pero po…” “Hindi ko babaguhin ang posisyon ng mga gamit ni daddy. May gusto lang akong makita.” Nang mapansin na tila wala siyang balak magpatalo ay napilitang tumango si Marie. Nagpaalam din ito sandali at nagsabing babalikan na lang siya. Nauunawaan niya ang pag-aalangan ng mga katulong na papasukin siya sa silid. But she’s not just someone. Umupo siya sa office chair. Even that chair was too big for her. Pero hindi ang upuang iyon ang dahilan kung bakit naroon siya. Binuksan niya ang drawer sa tapat ng upuan pero naka-lock iyon. Binalingan niya ang iba pang drawer sa bandang gilid. Nabuksan niya ang mga iyon pero wala siyang ibang nakita maliban sa mga folders. Inisa-isa niya ang mga drawer pero wala roon ang hinahanap niya. Pagdating sa huling drawer, tila lumundag ang puso niya pagbukas noon. Ilang segundo siyang natigilan habang nakatitig sa laman ng drawer. Napalunok pa siya dahil pakiramdam niya ay natutuyo ang lalamunan niya. Umalis siya sa pagkakaupo sa upuan at bahagyang napaluhod sa tapat ng nakabukas na drawer. Isa-isa niyang inilabas ang nakatambak na picture frame roon na karamihan ay mga larawan ni Margaret. Hindi niya masisisi ang ama kung naisin man nitong itago ang larawan ng half-sister. Perhaps it still pained him. But… Her eyes flew to the picture on the table. Naroon rin si Margaret… Pero bakit itinago nito ang mga larawang iyon? Isa-isa niyang kinuha ang mga frame mula sa drawer. Hindi siya nagkamali ng sapantaha. Marami ay larawan ni Margaret ang naroroon. May mga larawan niya pero puro kasama ang half-sister. May larawan nila habang nakasuot ng cheerleading uniform. Meron ding nakasuot sila parehas ng gown at meron ding uniform ng Villaluz. Iyon ang first day nila sa parehas na taon. “Bakit itinago lahat ito ni daddy rito?” bulong niya sa sarili. Nailabas na niya ang lahat ng picture. Natingnan niya na ang lahat pero wala pa rin siyang makuhang tugon. Nang pakiramdam niya ay wala ring mangyayari, ibabalik na sana niya ang mga picture frame nang mapansin ang isang brown envelope na nasa pinakailalim. Out of curiosity ay kinuha niya iyon. Tila pamilyar sa kaniya ang envelope dahil sa berdeng tatak na nasa likod nito. Hindi niya lang maunawaan kung saan iyon nakita. Binuksan niya ang envelope at inilabas ang laman noon. St. Jude’s Medical Center Iyon ang kapares na ospital na pinagdalahan kay Margaret. Nagsisimula nang kumabog ang dibdib niya habang mabilis na binabasa ang laman ng papel. Minsan niya nang nabasa ang ilan sa mga laman ng papel. Ipinahawak sa kaniya ng ina ang ilang result ng test ni Margaret nang isugod ito pagkaraang magkasakit ngunit ang huling papel ang tila tuluyang nagpatigil sa mundo niya. Itinutok niya ang mga mata sa salitang nasa bahaging ibaba. Positive… Three months… Ilang salita pa ang pilit niyang binasa habang tila may kung anong nabubuo sa lalamunan niya. Hindi niya magawang maniwala sa nakasulat pero mas hindi niya magawang paniwalaan na simula noon hanggang ngayon ay hindi naging tapat sa kaniya si Margaret… At wala nang sasakit pa sa katotohanang habang pilit niyang iniaayon ang kapatid, sinusuportahan sa lahat ay pinaglilihiman pa siya nito… ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD