CHAPTER TWENTY-FOUR

2257 Words
For Arielle, despite the fact na nagkaanak ang daddy niya sa ibang babae, perfect ang pamilya nila. Para sa kaniya, having Margaret in their lives made it perfect kaya nang mawala ito, she thought na imposible nang maging perfect sila. Kanina lang ay sabay-sabay silang nagmeryenda ng mommy at daddy niya. At ngayon ay magkakasama sila sa kusina. Katulong siya ng ina sa paghihiwa ng mga sangkap at pagluluto habang ang ama ang naghahanda ng mesa. Kahit may katulong sila sa bahay ay sinisikap pa rin nilang nakakapag-bonding sila kahit sa ganitong paraan. “Hintayin na lang nating bumulak ito,” anunsiyo ng ina ni Arielle. “I’ll make the juice,” pagpipresinta ni Arielle. “Sure, honey,” paunlak ng kaniyang daddy. Kumuha siya ng fresh dalandan at pipino bago dumiretso sa counter. Hiniwa-hiwa niya ang pipino bago piniga ang dalandan. “So, kumusta ang class, Kimmy?” tanong ng kaniyang ina sabay baling sa kaniya. “Good, I think.” Nginitian niya ito bago ibinalik ang atensiyon sa ginagawa. “Medyo nakakapanibago pa rin pero kinakaya naman po.” “Nahihirapan ka ba sa mga lessons?” usisa ng kaniyang ama. “Not really,” tugon niya sabay iling. “That’s good.” “How about friends? May mga bago ka na bang friend?” singit ng kaniyang ina na humila ng stool malapit sa kaniya. Bahagyang natigilan si Arielle sa pagsasalin ng pinigang katas ng dalandan. Hindi siya kaagad nakasagot lalo’t kung susumahin ang mga nagdaang araw ay mas marami pa ang mga nagiging kaaway niya kesa ang kaibigan. Subalit hindi rin niya pwedeng kaligtaan sina Keith at ang mga kaibigan nitong palaging handang mag-abot ng tulong. “Kimmy? You okay?” untag sa kaniya ng ina. “Well… I’ve got some pero…hindi pa kagaya nina Jess. Nakikibagay pa rin po ako.” Nakatuon ang mga mata niya sa ginagawa kaya hindi niya napansin ang makahulugang tinginan ng mga magulang. “Hindi ba’t classmate mo si Mr. Balmaceda?” paninigurado ng kaniyang daddy na hindi napigilang maagaw ang atensiyon niya. “Y-yes…” Medyo nagtaka pa siya at alam ng ama. “Hindi ko makakalimutan ang batang iyon,” nangingiting nailing ani ng daddy niya. Akmang magtatanong pa siya nang sumabat naman ang kaniyang ina. “That’s right. Kahit ako ay hindi ko makakalimutan siya. Hindi ba’t siya ang naghatid sa’yo sa ospital noon, Arielle.” Muntik nang makalimutan ni Arielle ang bagay na iyon. “Siya nga po,” mahina niyang tugon. “So, friends na din ba kayo?” Napakagat-labi siya nang maalala kung paano sinisikap nitong makipagkaibigan pero palaging siyang umiiwas. “He and his friends are good people,” She answered instead while her eyes were aiming at the cucumber. Hindi siya nagsisinungaling sa bagay na iyon. Totoong napakabait ng magkakaibigan. Sa kabila ng coldness na ipinapakita niya ay nananatili ang mga itong mabuti sa kaniya. They even saved her from Katrina’s group. “Natutuwa akong kahit papaano ay nagkakaroon ka ng mabubuting kaibigan. Gayunman, sana ‘wag mo ring kakalimutan na nandito pa rin kami ng daddy mo. We’re your first best friends. Kung may mga bagay na gumugulo at nakakasakit sa’yo—-physically and emotionally, you are free to tell us, sweetie.” Masuyo ang bawat pananalita ng kaniyang ina. “Yeah, mommy. I’ll remember that. Thank you and I love you.” Nilapitan siya ng mga magulang. Niyakap siya ng ina habang ang ama niya ay sabay na niyakap sila ng kaniyang ina. In their arms, she could feel love and security, but it couldn’t cover the longing she had for her sister. ***** SA pagsapit ng gabi, may ngiti sa labi na bumalik si Arielle sa kaniyang silid. Masaya siya na muling makakwentuhan, makatawanan at makasabay kumain ang mga magulang. Pagkapasok sa silid ay ipinatong niya ang dalang baso ng tubig sa ibabaw ng night table bago pabagsak na nahiga sa malambot na kama. Hindi nawawala ang ngiting tumitig siya sa kisame bago dahan-dahang ipinikit ang mga mata. Muling sumasalimbay sa isip niya ang larawan nila kanina ng ama’t ina nang sa isang iglap ay lumitaw ang malungkot na imahe ni Margaret. Nakatingin ito sa kanila, malungkot ang mga mata at umiiyak. “Ate…” As if in cue ay napabalikwas si Arielle ng bangon. Hindi niya akalaing biglang lilitaw sa isip ang imahe ng kapatid. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at ipinilig ang ulo. “This is nonsense,” she muttered. She took a breath before she nabbed the glass of water beside her bed. Inubos niya ang laman ng baso ngunit tila hindi noon napatid ang uhaw na nararamdaman niya. Akmang ibabalik na niya ang baso sa side table nang mapatingin sa drawer. Noon pumasok sa isip niya ang itinagong diary ng kinakapatid. Mabilis niyang ibinaba ang baso at kinuha ang diary sa drawer. Nang makuha iyon ay bumalik ang pag-aalangan sa dibdib niya. Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob at binuksan ang diary. Sa pagbukas niyon ay muling lumitaw ang mga larawan nila. Binuklat-buklat pa niya iyon hanggang marating niya ang isang entry. Maganda ang bawat pagkakasulat ni Margaret sa mga naunang entry nito. Halatang maingat na maingat ito sa pagsusulat. Hindi lang rin basta maganda at malinis ang pagkakasulat. May mga disenyo rin iyon at mga larawang hugis puso at bulaklak. Dala ng kuryosidad ay binasa niya ang entry. Dear Diary, This day is so awesome! I’m so happy! Hindi sinasadya kong nakabanggaan kanina si Nico. Nagulat ako nang bumagsak ako malapit sa putikan pero sobrang saya ko ng lapitan at kausapin niya ako. Noon una ay akala ko mayabang siya at walang pakialam pero nang tulungan niya akong tumayo, noon ko na-realize na mabuti pala siya. Hinatid pa niya ako sa wash room dahil nadumihan ang suot kong pants. Pinahiram niya rin sa akin ang jacket niya dahil wala na akong extra shirt at para itago ang maruming part ng damit ko. Masayang-masaya ako ngayong araw. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko. Margaret Nakagat ni Arielle ang pang-ibabang labi matapos basahin ang entry. Walang mag-aakalang ang araw na nakilala ni Margaret ang taong minahal nito ng lubos at hinangaan ng sobra ay siya ring magiging dahilan ng pighati ni Margaret at niya. Mariin niyang ikinuyom ang palad. “Hindi siya mabuti, Marj. Ginamit ka lang niya…” Nang pakiramdam ni Arielle na bumabangon na naman ang inis ay ibinalik niya muli ang tingin sa diary at naghanap nang ibang entry na mababasa. Marami sa mga entry na nabasa niya ay mga events nilang family. Hindi araw-araw ang entry. Mostly ay mga special events lang. Nagsisimula na siyang matuwang balikan ang past nila ng isang entry ang umagaw sa atensiyon niya. It’s been weeks since Nico and I became friends. Hindi ko inasahan na magiging close kami at mas lalong hindi in-expect that he’ll ask if he could court me… Seriously? But that’s beyond my imagination! Ngayon ang unang date namin ni Nico simula nang magsabi siyang liligawan niya ako. This is the first time that I lied to Mom and Dad. I know na red flag na kaagad ito. I didn't like it. Pero hindi ko masabi sa kanila kasi baka hindi sila pumayag. Mabuti na lang at wala rito si Kimmy. Baka hindi ko magawang magsinungaling sa kaniya… Naningkit ang mga mata niya sa petsa ng entry. Iyon ang araw na balak sana niyang yayain ito para mag-prepare ng surprise nila para sa anniversary ng kanilang mommy at daddy. Sad to say, hindi niya nadatnan ito sa bahay. Wala pang one month na nanligaw si Nico kay Margaret. Nagdamdam pa siya sa half-sister dahil nang malaman niya ang tungkol sa dalawa ay nakailang beses nang lumalabas ang mga ito. Pero wala na siyang magagawa kundi ang igalang ang kasiyahan ng kapatid. She let out a sigh and continued reading the next entry. Halos dalawang linggo rin ang pagitan ng sumunod na entry. Masaya akong alam na ni Kimmy ang tungkol sa amin ni Nico. Nagtatampo siya pero knowing Kimmy, madali niya akong napatawad. Sadly, hindi ko pa rin masabi kina mommy na may boyfriend na ako… I wanted to tell them pero nang sabihin ni daddy kanina na unahin namin ni Kimmy ang pag-aaral kesa boyfriend, natakot ako… Baka hindi nila magustuhan si Nico. Baka maisipan nilang paghiwalayin kami ni Nico. I don’t think I can bear it… Marahil one of these days ay magawa kong sabihin sa kanila. But now… I still can’t… “Kung may pinagsisisihan man ako, Margaret iyon ay nang suportahan kitang ilihim ang lahat kina mommy at daddy,” bulong ni Arielle habang nakatitig sa diary. “Hanggang ngayon, hindi ko masabi sa kanila… Hindi ko maamin na sana kung sinabi ko kaagad sa kanila ang tungkol sa inyo ni Nico… Sana ay hindi ka nawala…” Isinara niya ang diary at nahiga. Niyakap niya iyon habang nakapikit ang mga mata. “One of these days, I’ll try to tell them… I’ll try and ask for their forgiveness… Kahit huli na ang lahat,” bulong niya sa kawalan. Hinayaan niya ang sarili sa ganoong posisyon. Pilit pinakakalma ang pusong kumikirot na naman sa sakit ng pagsisisi. ***** Kinabukasan… Marami nang estudyante sa loob ng room nang dumating si Arielle. Nang igala niya ang tingin sa paligid ay wala pa sina Nico at Katrina. Wala pa rin ang grupo nina Keith. Marahil mamaya pa ang mga iyon. Madalas ay tsaka pumapasok ang mga ito kapag alam na parating na ang prof. nila. “Nagawa mo pa rin talagang pumasok.” Bago pa makapagsalita si Arielle ay may cellphone na ibinaba sa ibabaw ng desk niya. Nag-angat siya ng tingin. Hindi niya alam ang pangalan ng babae pero naaalala niyang isa ito sa mga kasama nina Katrina kahapon. “Wala akong nakikitang dahilan kung bakit hindi na ako dapat pumasok,” malamig niyang saad. Pinaningkitan siya nito ng tingin. “You owe us.” “Will you stop saying ‘I owe you’ when in the first place ay wala naman akong ginagawa sa inyo.” “Nang dahil sa iyo ay nasira ang phone ko!” malakas na saad nito na sinegundahan ng iba pang babaing nagsilapitan sa kanila. “That’s true!” “Pati mga selfies ko ay nawala.” “Yeah, all my files are deleted!” Ikiniling niya ang ulo habang isa-isang tinitingnan ang mga babaing nasa harap. Naalala niya ang ginawa nina Kevin at Keith kahapon. Ganoon din ang mga cellphone na pinagsasamsam nila. “I didn’t do anything,” wala sa loob na aniya. Pilit pinakakalma ang sarili kahit na ang totoo ay gusto niyang, ‘You deserve it!’ “Anong wala?” inis na sabi ng unang babae sabay hampas ng kamay nito sa ibabaw ng desk. “Nang dahil sa’yo, kinolekta ng SC ang mga phones namin, kinuha ang mga memory card at binura lahat ng files. Paan—-” “That’s the consequence of your actions,” mariin niyang agaw sa mga sasabihin pa sana nito. Hindi niya na napigilan ang sarili. “Isa pa, hindi ako ang nangolekta ng phones ninyo. Huwag kayo sa akin magreklamo.” Lalong sumama ang tingin ng babae sa kaniya. Tumuwid ito nang pagkakatayo at humalikipkip. “I really don’t understand kung bakit tinutulungan ka nina Keith. Wala naman akong nakikitang special sa’yo.” “Well, I’m also not seeing something special to you para pag-aksayahan ko kayo ng oras. So, please, just leave me alone.” “Hindi ako natutuwa diyan sa talas ng dila,” iritang saad ng babae sabay tulak sa balikat niya. Doon na naputol ang pisi ni Arielle. Naniningkit ang mga matang tiningala ito. “Stop acting like a brat,” she hissed. “Aba’t talagang malakas ang loob mong sabihan akong brat!” “Why? Hindi ba?” “Sumusobra ka na!” akmang sasampalin siya nito pero masiyadong mabagal ito dahil kaagad niyang hinagilap ang palapulsuhan nito. “Too slow,” mariing bulong niya sabay tayo, hawak pa rin ang pulsuhan ng kaklase. “Let me go!” pagpipiglas ng babae habang pilit hinihila ang sariling kamay. “It hurts!” “Wala akong ginagawa sa iyo kaya wag ninyo akong pakialaman!” malakas niyang saad sabay tulak rito. Bumalik siya sa pagkakaupo at hindi na pinansin ang mga babaing nanggigigil pa rin sa kaniya. “You’ll pay for this!” pagbabanta ng babae. “At anong meron dito?” Lahat sila ay natigilan ng pumailanlang ang malakas na tinig ni Mrs. Rosales. Dali-daling nagpuntahan sa kaniya-kaniyang upuan ang mga estudyante. “Good morning, Mrs. Rosales.” Hindi tumugon ang professor nila sa pagbati bagkus ay diretsang tiningnan si Arielle. “Is there something wrong here, Miss Villaluz?” Lumipat ang tingin nito sa babaing lumapit sa kaniya kanina. “Miss Lacsamana?” Marahang umiling ang babae. “Wala po…” yuko ang ulo na tuugon nito. Ibinalik sa kaniya ni Mrs. Rosales ang tingin. “Miss Villaluz?” Tiningnan niya ang grupo ng mga babae kanina na lumapit sa kaniya. She gave them a small smirk bago binalingan ulit si Mrs. Rosales. “Nothing, Mam. I think, I’m gaining some new friends here,” makahulugan niyang wika. Ilang segundo ring nakatingin sa kaniya ang guro bago naiiiling na nagsalita. “Well then, that’s good. Let's start our class for today.” Matipid na ngumiti siya habang masama ang tingin ng mga babae sa kaniya. Well, wala na siyang pakialam. She stopped caring since the day her sister left… *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD