bc

(Filipino) What A Girl Wants - Completed

book_age12+
3.6K
FOLLOW
22.1K
READ
second chance
scandal
goodgirl
student
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Sa sobrang sama ng loob ni Patrice sa ex-boyfriend ay nakagawa siya ng recipe ng mga bitter sa pastillas na di naman niya naasahan na magiging viral nang mai-upload sa internet. Dahil doon ay sunud-sunod na ang mga manliligaw niya na gustong hilumin ang puso niyang sugatan.

Wala naman siyang pakialam sana sa mga ito kundi lang niya kinailangan ng pera kaya napilitan siyang tanggapin ang alok sa kanya ng isang network na maging bida sa isang dating game kung saan nakahilera ang mga kalalakihan para makuha ang puso niya. Tsansa na din daw niya iyon para maka-move on.

Pero effective naman kaya ang solusyong ito kung ang ex-boyfriend niya na nanakit sa kanya ay nasa kalabang istasyon na katapat na programa niya? Sino ang magwawagi sa labanang iyon?

*Published under Precious Hearts Romances

*Paperback available at My Precious Treasures on Facebook

Hello, everyone! This is a VIP story. You can read the first five chapters for free but you have to use coins to read the other chapters until the end.

There are two ways to get coins:

1. Free coins - Go to Earn Rewards and do the tasks to get coins.

Go to Youtube and search Dreame Free coins if you want to watch the tutorial on how to get free coins.

2. Buy coins - go to Store and buy coins via load (Smart or Globe billing), Paypal, Gcash, credit card. This varies on the phone model and country.

Go to Youtube and search Dreame Buy Coins if you want to watch the video tutorials and read this story hassle-free.

Thank you and happy reading!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Calden is sooo cute,” tili ni Sari habang hawak ang latest smartphone. Pinapanood nito sa internet ang latest commercial ni Calden. Mas inuna pa nitong manood ng videos kaysa mag-aral o mananghalian. Nasa kabilang mesa lang ito ni Patrice at dinig na dinig ang tili nito sa buong cafeteria. Pero wala itong pakialam. Lahat naman yata kasi ng tao doon ay abala sa kanya-kanyang gadgets para panoorin ang video ni Calden sa internet. “Sana ako na lang ang mahal niya,” nakatirik ang matang sabi ni Chynna habang yakap ang sarili. “You have to be a yaya so that he will love you,” sabi naman ni Sari. “Duh! Walang forever. Maghihiwalay din sila ni Yaya Darling dahil ako si Senyorita. Ako ang forever ni Calden,” anang si Chynna na tumayo pa at namaywang. “Of course not! I am his forever! I look a bit like Yaya Darling.” At saka kiming kumaway na parang nagpapa-cute. Di maiwasang makinig ni Patrice habang pinag-uusapan ng mga estudyante sa cafeteria ng Central University of Asia si Calden. Aliw na aliw ang mga ito sa romance-comedy teleserye na pinagtatanghalan ni Calden at ang Youtube sensation na naging ka-love team nito. It was a surprise hit. Di sinasadya ang chemistry ng dalawa nang unang magkita ang mga ito sa isang noontime show. Kahit saang sulok yata ng Pilipinas ay ito ang pinag-uusapan at nag-top ang ratings. Siniko siya ng kaibigang si Matilda. “Nice, friend. Sikat na sikat na talaga ang boyfriend mo. Siya na ang hottest leading man ngayon. Kabi-kabila ang endorsement at nakapila na rin ang mga pelikula niya.” “Calden deserves it. Matagal na rin niyang pangarap iyan at pinaghirapan niya,” sabi niya at nakangiting sumubo ng empanada na baon niya. Sa loob ng mahigit tatlong taon na pagkakakilala nila ni Calden ay malayo na ang narating nito. Mula sa pagiging modelo ay naging finalist ito sa isang artista search sa TV. Di man ito nanalo pero ngayon ay mas sikat pa ito kaysa sa grand winner. Subalit alam niyang di naging madali ang buhay ng binata. Kinailangan nitong isuko ang pag-aaral para makapag-focus sa showbiz. Third year college na rin sana ito kundi lang ito huminto. Binibiro nga siya ni Calden na kapag naka-graduate siya ay ito daw ang magiging amo niya kahit di ito naka-graduate. Pwede naman siyang magtrabaho sa ilalim nito pero hangga’t maari ay gusto sana niyang makakuha ng magandang trabaho nang walang halong impluwensiya ng nobyo. Kaya naman niyang magsikap mag-isa. Tinabihan siya ng kamag-aral niyang si Desmond. “Friendship, pahingi naman ng pastillas na baon mo.” “Bakit ka pa hihingi sa akin? May pastillas naman na binebenta dito sa cafeteria. Kami rin ang may gawa no’n.” “Siyempre iba kapag galing sa friend at iba kapag binili.” “In short, mas masarap ang libre,” sabi ni Matilda. “Ang galing mo, girl,” anang si Desmond at nakipag-high five kay Matilda. “Mayaman ka naman sa akin ka pa hihingi.” “Kasi naman inuuna ang pagbili ng kung anu-anong herbal soap doon sa guwapo niyang kapitbahay kaysa sa panggastos sa sarili. Wala pa mang trabaho, mama-san na,” pang-aasar ni Matilda. “Ayan! Walang pambili ng pastillas.” “Bibigyan ko naman kayo ng sabon. Papakin mo pa kung gusto mo,” sabi nito at ngumuso. Pagdating kasi sa lalaki ay mahina si Desmond. “Desmond! Sinabihan na kita na maging matalino pagdating sa paghawak ng pera. Huwag kung saan-saan mo ginagastos,” sermon ni Patrice sa kaibigan. Humilig ito sa kanya. “Friend, wag ka nang magalit. Ibebenta ko rin iyon. Pero sa ngayon, pagbigyan mo na ako sa pastillas.” “Heto. Tatlo para ‘I love you’,” aniya at binigyan ito ng tatlong pirasong pastillas. May kaunting asenso na rin sa pastillas business nilang mag-ina. Kung dati ay patago siya sa pagbebenta, ngayon ay kinontrata na ng school ang mga paninda nila. Noong una kasi ay nahuli siyang nagbebenta ng management ng eskwelahan. Pinag-iisipan na siyang i-suspend o kaya ay i-expel pero sa huli ay dinepensahan siya ni Calden. Sinabi nito na di naman daw tama na parusahan siya dahil gusto lang niyang tustusan ang pag-aaral niya. Sa galing ng argumento at convincing power ni Calden ay napaayon nito ang school board. Di na daw niya kailangang magbenta dahil direkta nang school ang kukuha sa paninda niya. Naging tagumpay iyon di lang para sa kanya kundi maging sa ibang mahirap na estudyante na gaya niya na nagtitinda para makapag-aral. Bagamat may kaya ang pamilya ni Calden ay mapagpakumbaba ito. Naranasan nito kung paano mag-go see at ma-reject noong nagsisimula pa lang itong magmodelo, kung paanong matalo sa artista search, mag-audition at di makuha sa mga pelikula at television series. Mataas ang pagpapahalaga nito sa mga taong nagsisikap sa buhay. Kaya naman nauunawaan nila ang isa’t isa at malaki ang pagpapahalaga nito sa mahihirap na gaya niya. He was a man of character. Kaya naman di siya nahirapan na mahalin ito. Pagmamahal na kailangan nilang ilihim. “Bukas na ang third year anniversary ninyo ni Calden. Anong plano ninyo?” tanong ni Desmond na sumimpleng gumapang ang daliri papunta sa lalagyan ng pastillas niya. Tinampal niya ang kamay nito. “Um! Para-paraan lang?” Ngumisi ang kaibigan. “Isa na lang. Ako na ang bahalang mag-edit ng video natin sa cooking show. Saka tutulungan kita na gumawa ng surprise para kay Calden.” Bumuga siya ng hangin. “Di ko nga alam kung magkikita kami bukas. Wala na nga siyang oras mag-text sa akin at ni hindi niya nabubuksan ang mga message ko sa kanya. Busy siya. Baka nga wala nang tulog ang isang iyon.” Nakikita naman niya sa social media kung paanong dumugin ang mga mall shows nito, sunud-sunod na TV guesting at interview bukod pa sa taping ng series nito. Ang totoo ay kinakabahan siya dahil baka nakalimutan ni Calden ang anniversary niya. Pero may sampalataya naman siya sa nobyo. Kahit gaano ito kaabala dati ay may oras ito para sa anniversary nila. Basta nalang siya nitong sinusudo para dalhin sa isang romantic date. Nagawa nga nitong ipasara ang isang garden restaurant sa Tagaytay nang nakaraan para lang masolo siya. Gaya ng sinabi nito, walang kailangang magbago sa kanila. Kahit di sila magkasama, siya pa rin ang nasa isip nito. Di rin mahalaga kung di man alam ng ibang tao na siya ang mahal nito. Basta silang dalawa ang nagkakaintindihan. “Pero di ka ba nagseselos sa sweetness nila ni Yaya Darling?” tanong ni Matilda. “Nakita ko kung gaano ka-sweet saka parang iba ang titigan nila. Parang totoo na, girl. Sorry kung kinikilig ako sa kanila, ha? Nadadala lang talaga ako sa pag-arte nila.” Pagak siyang tumawa. “Matty, ikaw na mismo ang nagsabi na umaarte lang sila. At alam mo kung gaano kagaling umarte si Calden. So, I don’t mind. Nirerespeto ko naman ang trabaho niya.” “Sabi crush daw ni Yaya Darling si Calden sa totoong buhay. Di ka ba natatakot na baka akitin niya si Calden?” tanong ni Desmond. “Pinagselosan ko ba nang sabihin mo sa akin na sabay kayo na nag-shower ni Calden noong swimming class natin?” nanlalaki ang matang tanong ni Patrice. Tumili si Desmond. “Ay! Nakalimutan ko na iyon. Bakit mo pa inulit? Nabubuhay na naman ang pagnanasa ko sa boyfriend mo.” Hinampas niya ang braso nito. “Tse! Basta di na lang ako nanonood ng mga shows at nagbabasa ng mga balita tungkol sa kanya. Ayaw ni Calden. Mas gusto niya kung mag-focus na lang ako sa pag-aaralan ko. Basta kung ano lang ang sabihin niya sa akin, doon lang ako.” Pumalakpak si Desmond. “Nice! Ganyan ang girlfriend ng showbiz star. Kahit na itago ka, okay lang. Deadma lang sa chismis.” “Di naman siguro kami tatagal ng tatlong taon kung wala kaming tiwala sa isa’t isa.” Kaya nga kahit na mag-iisang buwan na silang di nagkikita ay balewala sa kanya. Busy rin naman siya sa pag-aaral. “I-dedicate na lang kaya natin sa kanya ang next episode natin ng Cooking with Love?” suhestiyon ni Matilda. Project nila sa New Age Media kung saan gagawa sila ng sarili nilag Youtube Channel at magsu-shoot ng kanya-kanyang program kada linggo. Bukod sa quality ng video ay bibigyan din sila ng grado sa dami ng mga nag-view sa video nila. Kaya Cooking with Love ang binuo nilang program kung saan magluluto sila at ire-relate ang pagluluto sa love. “Oo nga. Ano ba ang paborito ni Calden na kainin?” tanong ni Desmond. “Pastillas,” nagniningning ang matang sagot ni Patrice. “At alam mo naman na expertise ko ang pastillas.” Titiyakin niya na mag-e-enjoy si Calden sa anniversary gift niya. MAYA’T mayang tinitingnan ni Patrice ang galaw ng kamay ng wallclock sa kuwarto niya. Pine-perfect niya ang script dahil gusto niya na bukas sila ng hapon mag-shoot ng mga kagrupo para sa project nila at sorpresa na rin para kay Calden. Ang gabi ay inilalaan niya sa anumang sorpresa ng nobyo sa kanya para sa annivesary nila. “Eleven-fifty na,” usal niya at inilabas ang cellphone. Ihinanda na niya ang numero at hinanap ang numero ni Calden sa contact niya. Hindi na siya nakapaghintay habang hinihintay ang paglipat ng oras. Sa cellphone na nakatuon ang paningin niya. Saktong pag-alas-dose ay pinindot niya ang call button at tinawagan ang nobyo. Malakas ang kaba sa dibdib niya habang hinihintay na sagutin iyon ng binata. Ilang araw na bang nagte-text siya dito pero puro “Fine”, smiley at “I miss you and I love you” lang ang sagot nito sa kanya. Alam naman niyang hectic ang schedule nito. Kahit nga daw mag-restroom minsan ay dala pa nito ang script na kakabisaduhin sa sobrang abala. Pero para sa sa anniversary nila ay gusto niyang marinig kahit ang boses nito. “Hello!” sa wakas ay sagot ng boses sa kabila. “Happy anniversary, baby!” malambing niyang bati sa nobyo. “Baby? Anniversary? Who is this?” anang mataray na boses ng babae sa kabilang linya. “Hatinggabi na nang-aabala ka pa!” Napangiwi si Patrice nang marinig ang masungit na nanay ni Calden. Ang nanay pala ng nobyo ang may hawak ng cellphone nito. “Hello, Tita Mina. Si Patrice po ito.” “Patrice who? Oh! Patrice Fullido, the daughter of the Vice President of Rainbow Network,” anang babae na biglang nagbago ang tono nito at naging malambing. “Ikaw ‘yung nagregalo ng Cartier watch kay Calden last week.” “Uhmmmm... Hindi po. Ako po si Patrice, ang girlfriend ni Calden.” “Ikaw?” anang matandang babae at bumalik ang kalamigan ng boses nito. “Ano na naman ang kailangan mo sa anak ko?” “Gusto ko po sana siyang makausap. Importante po sana.” “May mas importante pa ba kaysa sa tulog ng anak ko? Pagod siya sa maghapong trabaho at may call time pa siya ng alas singko sa morning show.” “Pasensiya na po, Tita. Anniversary po kasi namin ngayon at gusto ko siyang batiin.” Ito rin ang nagsisilbing manager ng binata. Isa itong dating beauty queen at pinagmanahan ng good looks ng binata. Pero di kaila sa kanya na di naman siya nito gusto dahil overprotective ito sa career ng anak nito. Kahit anong distraction kay Calden ay di nito gusto. Gusto nito ay mag-focus lang ang binata sa career dahil sayang daw ang dumadating na opportunities. “What anniversary are you saying? Hindi ba break na kayo ng anak ko?” maangil na sabi ng babae. “P-Po?” nakatigagal niyang usal. “P-Paano pong...” “That’s what he told me last month. Naghiwalay na daw kayo.” Pagak siyang tumawa. “Tita, baka mali lang po kayo ng pagkakaintindi. Hindi po ba kunwari lang walang girlfriend si Calden dahil hindi marketable ang artista na may girlfriend? Nakakasira ng ilusyon sa fans. Kayo pa nga po ang nakiusap sa akin na itago muna ang relasyon namin para po protektahan ang relasyon namin.” “Hija, hanggang ngayon ba iyan pa ang sinasabi sa iyo ni Calden? At umasa ka naman. The story is different this time. Kailan ba kayo huling nagkita?” “L-Last month po sa concert sa school,” sabi niya. Nakakuha siya ng backstage pass at sandali lang silang nakapag-usap ng nobyo. Pero masaya na siya doon. Ang mahalaga ay nayakap siya nito at ibinulong na mahal siya nito. “Kailan kayo huling nagkausap? I mean, a serius conversation. Nasasabi pa ba niya sa iyo na mahal ka niya?” Yumuko siya. “Sa text na lang po. Alam ko naman po na sobrang busy niya, Tita. Gusto ko lang naman pong marinig ang boses niya ngayon. Di po ako mang-aabala.” “Yes, he is busy. Pero di ibig sabihin wala siyang oras para sa ibang bagay. Wala lang siguro siyang oras para sa iyo. Hindi mo ba nakikita ang mga pictures at videos niya sa date nila ni Darling?” Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Di niya pinapanood ang mga iyon. Naririnig lang niya. “Alam ko naman po na para lang sa promo iyon ng series nila. Parte lang po ng trabaho.” Pati ang sinasabi ng iba na pagkakagustuhan nina Calden at Darling ay hindi niya pinapansin dahil may tiwala siya sa kasintahan. Huminga si Tita Mina nang malalim. “Hija, gusto kong maging prangka sa iyo dahil ayokong umasa ka. As a mother, I know my son more. Nakikita ko na hindi lang sila on-screen malapit sa isa’t isa at sweet. Kahit sa likod ng camera ganon din sila. Sila ang laging magkasama. That’s why I am apologizing on my son’s behalf. Mukhang nakalimutan ka na niya. Kaya siguro sinabi niya sa akin nang nakaraan na break na kayo. Siguro iba na ang gusto niya.” Parang binagsakan ng abode ang puso ni Patrice. Iyon ang huling gusto niyang marinig, na iba na ang mahal ni Calden. Milya-milyang pang-unawa at pasensiya ang ibinigay niya sa binata. Hindi naman ito patas. Umiling siya. “H-Hindi po iyon gagawin sa akin ni Calden. Naiintindihan ko naman po na trabaho lang ang lahat. Sana po sinabi sa akin kung break na kami.” “You know how men are. Ganyan din ang ginawa sa akin ng asawa ko. Di na lang nagparamdam sa akin. Mukha akong tanga sa paghihintay. Maybe, they don’t have the heart to say goodbye. It is up to us girls to take a hint. Mas mabuti nang tanggapin mo ito ngayon pa lang.” Humikbi siya. Unti-unting nagsi-sink in sa kanya ang nangyayari. Halos wala nang oras sa kanya si Calden. Maswerte nang mai-text siya nito ng “I love you” at kailangang siya pa ang unang mag-text dito. Iba na ito sa Calden na minahal niya. “I hope na tatanggapin mo ito nang maluwag sa loob mo, hija. After all, naging mabuti rin naman sa iyong boyfriend ang anak ko. At hindi naman siya sa isang masamang babae mapupunta. Darling is from a well-off family, very well-mannered and really classy. Masaya ang anak ko sa kanya.” Alam naman niya na ganoong klase ang gusto ng ina ni Calden para dito - isang babaeng mayaman, elegante at galing sa magandang pamilya. Di gaya niya na laki sa squatters area. Pero hindi si Darling ang una sa mga babaeng may kaya at sikat na naidikit sa pangalan ni Calden. Siya pa rin ang pinili ng lalaki sa huli. Siya pa rin ang mahal nito. Kaya naniniwala pa rin siya sa pangako ng binata. “Tita, huwag po ninyong sabihin iyan. Hindi po iyan totoo,” pagmamakaawa niya at napahikbi. “Hindi po iyan gagawin ni Calden sa akin.” “Ask my son. Of course, he will deny it. Gaya ng sinabi ko, hindi madali sa mga lalaki na sabihing gusto na nilang makipaghiwalay. Just a warning, my dear. Huwag mong sasabihin sa iba na may dati kayong relasyon ng anak ko o sisiraan siya lalo na sa mga reporter. It will backfire, honey. Walang maniniwala na naging boyfriend mo siya. Goodnight, Patrice. Have a good life.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.9K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
114.0K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

Sin With Me ( SPG )

read
1.6M
bc

NINONG III

read
417.1K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.6K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook