Meet Galadriel Yen Dane Ordane

5000 Words
Yen's POV "Hoy! Galadriel Yen Dane Ordane! Aba, mahal na prinsesa gumising ka na po jan! Pagod na kaming maglinis dito tapos ikaw tulog pa! Panigurado pa na may tulo pa ng laway jan sa mukha mo!" yan, yan ang bungad ng February 2 ko. Typical filipino household nga naman. Kaya bago pa ako hatakin ng nanay ko mula sa aking higaan, bumangon na ako ng kusa. Hilamos, toothbrush, kape, luto at toothbrush ulit. Ginawa ko na lahat ng mga gawain ko tuwing umaga at pagkatapos ay bumaba na ako para tumulong. I need to be productive every day. Productivity is always the key to be positive at all times. Habang pababa ay naka salubong ko si Aling bebe na nag lilinis ng hagdan. Binati ko siya ng napaka ganda na umaga. Yung kasing ganda ko. Sa sala naman nakita ko si Manang Odi na nag papalit ng kurtina. Binati ko din siya ng very very beautiful morning. Pag ka labas ko ng pinto bumungad ang nanay ko na nag wawalis sa terrace namin. At saka si Daddy na nag lilinis ng garahe namin. Sosyal diba? "Buti naman at bumangon ka pa Galadriel Yen Dane? Ayan sige at umpisahan mo na na mag linis jan. Dun ka sa garden mag linis, walisan mo ng mabuti at damuhan mo na din. Tapos dun sa may Sampaguita ayusin mo yung pag lilinis mo dun ha? Pag natapos ka linisin mo na sunod yung swimming pool. Sige! Bilisan mo na mag linis para matapos tayo dito ng maaga aga. Sige na!" Ayan! Yan dapat! Ganyan dapat! Buti huminahon na itong nanay ko kahit mejo sa gitna na siya huminahon. Linapitan ko siya at nag good morning sa kanya. Inabutan ko siya ng kape at yung gamot niya. Linapitan ko din si Daddy at binati ng good morning bago inabot din sa kanya ang kape niya at ang gamot niya. Ayan ah alas kwatro pa lang ng umaga ang dami na ng talak ng nanay ko. Akala mo naman alas diyes na ako nagising. Pero at least magiging productive tayo ng maaga. Maaga din magiging positive kahit May bungad na talak hehe. "Good morning pala pipol of the beautiful Philippines!" sigaw yan. Ganyan dapat! Positive dapat ang bungad sa isang magandang day! Wait! Teka nga lang. Oo, inulit ko lang at tinagalog para epek na epek ang pag ka shock sa aking whole body. Kasi naman, bakit parang ang konti namin? Pag ganito kasi na may general cleaning dito sa bahay eh nasa twenty five kami. Eh bakit ngayon parang ni wala kami sa sampu. Bago kasi ako lumabas ng bahay, dalawa lang ang nakita ko na tao sa loob. Tapos apat lang kami dito sa labas sa harap ng bahay. Tapos si Lolo at Lola nasa likod ng bahay. Dun kasi sila lagi nag lilinis. Ano daw kaya yun diba? Talak sa akin pero wala pa naman pala mga kasama namin. "Ma! Bakit parang ang konti lang natin? Pag may ganito na general cleaning tayo eh umaabot tayo sa twenty five diba? Eh bakit ni wala pa tayo sa sampu? Si Aling Bebe at Manang Odi lang ang nakita ko na nag lilinis sa loob ng bahay. Tapos anim lang tayo dito sa labas ng bahay. Apat dito sa harap tapos sila lolo sa likod. Eh asan yung iba?" Ayan, yan na nga ba ang sinasabi ko. Puro talak ang inabot ko sa nanay ko tapos kulang kulang pa naman pala kami "Yung tatlo nasa labas. Pina bili ko ng pandesal dun sa kanto. Para pang agahan natin. Para dun na lang ipalaman yung niluto mo na itlog. Yung iba eh wala pa. Ay hala! Aba tawagan mo nga! Ng mabilis natin na matapos dito! Para maaga aga naman tayo matapos sa pag lilinis!" Ayan tayo eh, yan talaga. Kulang pa pala kami tapos ganyan. Akala ko naman ako na lang ang hindi tumutulong na mag linis dito sa bahay. Hayst! Matawagan na nga sila para matapos na kami dito sa pag lilinis ng bahay. Tumawag na ako sa group chat. Tutal lagi naman sila na online dito na lang para di na ako mag lo load. Ayan calling. Video Call para dama lahat lahat haha. Pag katapos ng ilang segundo eh salamat naman at sumagot na sila. Bungad sa kanilang araw ang byutipul peys ko. "Good morning! Ate Rica, Ate Rosana, Kuya Jose, Ate na kambal, Aling Nena, Kuya Tangkad, Kuya Cardo, Tita Ganda, Ate- bakit nga po pala kayo lang ang sumagot? Hayst. Pinapa tawag na po pala kayo ni mommy dito sa bahay. Parang naka limutan niyo po ata na general cleaning dito. Kayo po ah. Hinahanap na po kayo ni mudrakels dito sa haus." Syempre alangan ako lang yung tinatalakan diba. "Kanina pa po kasi ako tinatalakan ni mommy dito. Akala ko naman kumpleto na tayo." "Sige na kami na bahala dun sa mga iba. Susunduin na lang namin sila at pupunta na kami jan. Salamat at pina alala mo sa amin. Sige na mag linis ka na jan haha." Hay ang bait talaga nila ate na kambal tapos ang ganda pa. Hindi ko nga alam kung bakit namin naging taga linis silang dalawa eh. Mukhang may kaya naman sila. "Sige po ate na kambal! Hulog po talaga kayo ng langit hehe. Sige na po at lilinisan ko na po dito sa may Sampaguita." Halos sabay sabay namin na pinatay ang video call. Pinag patuloy ko na ang pag lilinis ko. Winalisan at dinamuhan ko na ang garden. Diniligan ko na din yung mga halaman. Sinunod ko na na linisan ang swimming pool. Dumating na din yung iba namin na kasama. Nasa kalagitnaan ako ng paglilinis ng pool ng tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko agad ng hindi tinitignan kung sino ang tumatawag. At kung hindi ba naman ako minamalas sa araw na ito. Yung tropa ko na mga depunggal ang bumungad sa screen ng cellphone ko. Sila pala yung tumatawag, hayst. "Parekoy! Ganda natin ah? Haha. Bakit naman ganyan ang suot mo? Jersey ko yan ah! Kaya pala diko makita sa closet ko yan!" Naka sando kasi ako. Yung jersey nung tropa ko na si Mark. Sasagot pa lang sana ako sa sagot niya ng sumabat ulit siya. "Parekoy! Hindi ka na ba talaga pupunta na talaga sa bahay? Birthday ko eh!" ayan, yan ang sinasabi ko. Dapat talaga tinitignan ko muna kung sino ang tumatawag. Parang ngayon. Malay ko ba na yung mga depunggal ko na mga kaibigan ang tumawag sa akin. Hayst ang aga aga sunod sunod ang malas ko sa araw na ito. Pero dapat positive tayo! "Parekoy, sinabi ko naman na sa inyo na hindi nga po ako pwede ngayon. General cleaning namin ngayon diba?" hayst, paulit ulit na lang. Pumunta naman sila dito kahapon pero pajuliet juliet sila. "Tsaka pina alam ko kaya itong jersey mo noh! Di ko lang na ibalik. Bili ka na lang ulit ng bago. At saka maganda talaga ako noh! Palibhasa yang mga dine date niyo kamukha lang ng paa ko. Sige na!" "Ay kapal naman talaga." Ayan tayo eh bukod sa hindi ako pina patapos eh hindi pa naniniwala sa akin. Sila nag umpisa ng usapan ng kagandahan ko tapos ganyan ang balik sa akin. "Tse! Sige na! Papatayin ko na ito. Kailangan na malinis ko na itong pool para makarami kami ng linis ngayong araw." Pinatay ko na yung tawag. Di pa nakuntento ng pangu ngulit itong mga to. Hayst. Paano ko nga ba talaga naging kaibigan itong mga ito? Bukod sa paulit ulit eh ang ku kulit pa. Tapos na ako mag linis ng swimming pool. Pumunta lang ako saglit kila Tita Raine, yung kapatid ni mommy. Isang compound lang kasi kami nakatira. Nag lilinis din sila. Pag katapos bumisita sa kabila. Lumipat ako dun sa kabila pa na bahay. Kila Tita Lory, kapatid din ni mommy. Lumapit na ako ni mommy pag katapos batiin yung mga kapatid ni mommy. "Ma! Tapos na ako na maglinis sa garden natin at sa swimming pool! Ano nga pala ang ulam natin today? Ano pananghalian natin? Ako na magluluto." 10:30 na kasi, anim na oras na kaming naglilinis dito. Tapos na din naman ako kaya nagprisinta na ako na magluto. "Adobo na lang na manok at saka piniritong talong at sili na lang." Ayun! Ayos! My peyborit na lutuin! Nag umpisa na ako na mag lakad papasok sa bahay. Buti may mabait na nilalang na nag labas na ng manok kanina. Kung hindi pahirapan sa pag hiwa ng frozen na manok. Ang cute talaga nila lola. Kita kasi ang likod bahay dito sa kusina. Nilapitan ko sila Lola para yakapin. "Mama, Dade ang kyut niyo po. Adobo na manok daw po ang ulam. Ako magluluto at saka prinito na gulay. Mag luluto na po ako dun sa loob." Naghihiwa na ako ng manok at mga pang gisa sa adobo ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Neith. Kakasagot ko pa lang ng tawag ng- "Ate! Uuwi na daw kami jan! Ahhhhh!" patili na sumalubong sa pandinig ko si Neith. Partida wala pa akong suot na earphone pero parang mabibingi ako. Masaya naman sana kasi yung balita niya. Kasi halos apat na taon na silang di umuuwi dito. Ang kaso lang pasigaw niyang sinabi. Siya nga pala si Neith, ang pinsan na bestfriend ko. Neith Ordane. Pinsan ko sa panganay na kapatid ni Mommy. Masaya ako sa balita niya. Three years and Eight months ba naman silang nanirahan sa Batangas. Lumipat kasi sila dun dahil dun napunta ang trabaho si tito Joel, ang Daddy ni Neith. At dahil sila din ang legal na guardian ni Aizlei, kinailangan niya din na sumama. Dun na tuloy nag-aral at tumira yung dalawa. Kaya ayun, sad life, bukod sa naiwan ako ng dalawa na yun dito sa Isabela eh nakatagpo pa ako ng mga depunggal na mga tropa. Meron din naman yung bumi bisita kami sa kanila dun sa Batangas, pero isa o dalawa na beses lang kada taon. Tapos bukod doon, Tatlo o Lima na araw lang kami na nananatili doon. Hanggang dun lang. Nakakamiss kaya yung mga trip namin. Mga pang aasar sa mga kalaro namin haha. "Ma! Uuwi na daw sila tito Joel!" pasigaw ko na sabi kay mommy, kapatid ng Daddy ni Neith."Magluto ka daw nung peyborit nila na Maja mo! hahaha." Natatawa kong pagtatapos sa sasabihin ko kay mommy." Buti na lang nasa sala na siya. Kung hindi ka kailanganin ko pa na lumabas pag nag kataon. Baka masunog pa niluluto ko haha. "Sige! Basta dapat may iuuwi din sila na pasalubong para sa akin haha..." tatawa tawa din na sagot sa akin ni mommy. "Oh Neith narinig mo yun? Uwian niyo daw ng pasalubong si mommy hahaha..." baling ko sa kausap ko through video call. "Sige ate haha dadaan na lang kami sa Central Luzon State University. Bilihan namin siya ng Cheese cake favorite ni tita yun di ba?" yan, yan na yan ang gusto ko sa kanya pag usapan na pasalubong oo agad siya haha. "Sige bet ko yan haha." Habang nag uusap kami inuna ko na muna na lutuin yung kanin at prinito yung mga gulay. "Ay Neith, kailan nga pala kayo uuwi?" O diba? Kanina pa kami magkausap tungkol sa pag uwi nila pero di ko pa rin alam kung kailan sila uuwi. "Bukas daw ate. Biyahe daw kami ng alas tres ng umaga. Kaya baka makarating kami jan ng ten ng gabi." Ay sosyal, akala ko next week pa sila uuwi. Bukas na pala agad agad. Inumpisahan ko na na igisa yung luya, sibuyas at bawang. Tapos sinunod ko ng yung manok. "Si Aizlei pala? Bukas na pala kayo uuwi tapos di pa nagpapakita sa video call. Nagpapamiss pa ata ang babae." Taka ko na tanong kay Neith, kasi naman hanggang chat lang kami kagabi. Kaibigan ko nga pala si Aizlei, pinsan na bestfriend. Siya yung pinsan ni Neith na parang inampon na ng mommy ni Neith. Pinsan niya sa nanay part niya. Kaya pinsan ko na din haha. "Naliligo siya, pasukin ko ba? haha..." loko talaga itong Neith na ito ay. Tuloy tuloy lang kami sa pag uusap. Habang nag luluto ako. "Oh eh di waw. Sige na, papatayin ko na ito at nagluluto pa ako. Kumukulo na iyong adobo ko. Agahan niyo na matulog mamayang gabi ah? Maaga pa naman kayo na magbi biyahe bukas. Tulog mantika pa naman kayong dalawa haha..." Sagot ko na lang sa kaniya, yung may halong pang aasar sa dulo para masaya. Eh sa tulog mantika naman talaga silang dalawa na matulog eh haha. "Haha sige ate, cook well. Nawa ay pagbalik namin eh magpaka babae ka na haha" siyempre alam ko ng hindi magpapatalo ito. Hindi pwede na magpahuli kaya may halo na pang iinis at pang aasar din sa dulo ang pag papaalam niya sa akin. Babae naman kasi ako. Di nga lang masyado na halata haha... Pag ka luto ng adobo ay nag hain na ako. Siyempre dahil trip ko may pa plating pa ako na nalalaman. Ako na nag sandok ng mga pagkain namin. Dahil.ng twenty five kami eh baka hindi mag kasya yung niluto ko kaya ako na nag hain para sa kanila. Pag katapos namin kumain eh nag urong na agad ako. Tapos na sila mag linis ng bahay. Kaya napag desisyunan namin na linisin na din yung kapit bahay. Kung saan nakatira sila Neith. Uuwi na nga kasi sila bukas kaya nilinisan na din namin. Nag lalaba ako ng mga damit ko ng may nag hanap sa akin. Mga nasa bandang alas tres na pasado ng hapon. Nag suot na lang ako ng b*a bago lumabas. Yung jersey pa din ang suot ko. Sa likod kasi ng bahay ang labahan. Kaya dumaan ako sa loob ng bahay. Pag labas ko ng pinto kita ko na ang pag mumukha ng tropa ko na depunggal sa gate namin. "Oh? Bakit kayo nandito?" Naka pamewang ko na tanong. Hindi ko kasi expected na sila yung nag hahanap sa akin. Akala ko naman kasi kung sino. Nag expect kasi ako ng delivery ngayong araw. "Eh hindi ka kasi pumunta sa bahay. Kaya kami na ang pumunta dito. Ipa paalam ka namin kay tita." Hay mga panggulo. "Nag lalaba ako. Hindi pwedeng iwan ko yung mga labahin ko." Ano sila gold? Iiwan ko labahin ko para lang pumunta sa kanila? "Sige na. Birthday ko naman eh." "Sige sabihin niyo sa nanay ko at saka kay lolo." Ayan si lolo at si mommy lang naman ang panakot ko sa kanila. Alam kasi nila na hindi papayag si mommy at lolo na lumabas ako pag may hindi pa ako tapos na gawain. Pwede naman kay mommy kasi alam naman niya na birthday nitong si Londrem. At saka mapag kakatiwalaan niya daw itong mga ito. Pero si Dade ayaw niya, kasi nga daw lalaki pa rin daw sila. Sinubukan na din namin na sabihin na bakla sila pero ang sabi lang ni Dade "kahit pa bakla yan eh meron pa rin sila nung bagay na meron sa lalaki. Aba at sa puso lang naman nila ang pang babae. At kung totoo na mga bakla nga itong mga ito. Ay aba sayang naman ang kagwapuhan nila. Akala ko pa naman ay manliligaw mo ang isa sa kanila." O diba? Ang tino din ng Dade ko noh? "Sige na nga, sa susunod na lang na birthday ko ikaw pumunta." Ayan, yan ang sasabihin niyan ngayon. Tapos mamayang gabi magrereklamo na naman yan. Iba iba ang sasabihin. Pa iba iba, akala mo naman eh katanda tanda na. Pagkatapos nila na umalis ay ipinag patuloy ko na ang paglalaba ko. Pagka tapos ko na mag lagay ng powder sa washing machine ay inikot ko na ito. Yung mga tapos na ay binanlawan ko na at nilagyan ng paborito ko na fabric conditioner. Lavender scented. Alas singko na ng hapon. Tapos na kami mag linis. Tapos na ako mag laba. Naka ligo na din ako. Umuwi na yung mga kasama namin na mag linis. Kaya naman chill chill na kami dito sa labas ng bahay. Yung iba eh nag swimming. Ako naka upo lang sa carpet grass. Nagsusulat kasi ako ng kwento, minsan tula o di kaya ay kanta. Minsan naman nag dedesign ako ng bahay, nagdo drawing, nagca calligraphy, nagdu doodle o kahit ano pa yan. "Anong gusto niyo na ulam?" yan ang peyborit ko na tanong ng nanay ko. "Sinigang ma! hehe." Peyborit ko kasi ang Sinigang. Tapos may sili. Tapos yung kanin malambot na malambot! Sarap! Nagluto na si mommy. Habang nag luluto siya ng ulam eh ako na ang nag saing ng kanin. At dahil pumasok na din ako ng bahay eh sa sala na lang ako tumambay. Habang niluluto ang hapunan namin, nag sketch na muna ako. Nakatapos na din kasi ako ng short story kaya sa ibang hobby naman ako napunta hehe. Habang nag sketch ako ay nakinig ako ng kanta ni IU. My favorite Korean artist! Nakatapos ako ng dalawang character sa sketch ko. Masaya talaga sa feeling yung maging productive at maka tapos ng mga bagay bagay. "Kain na!" Best line talaga yan por eber and eber sa pang dinig ko! Ang kainan! Para kasi siyang reward kahit na dapat talaga na kumain ang isang tao. Hindi din naman kasi lahat eh nabi biyayaan na maka kain sa araw araw. Kaya lagi kaming nagpa pasalamat sa diyos. At bilang dagdag pasasalamat eh namimigay din kami sa iba pag nagkakaroon kami ng malaking pera. Yun din kasi ang parang bonding ng Pine family. Nag umpisa yun sa mga kapatid ni mama. Natapos na kami na mag dinner. Kaya naman nag half bath na ako at nag prepare na para matulog. Kaso kakahiga ko pa lang at balak na sana na matulog ng tumawag ang tropa ko sa group chat namin. Sa group chat pa sila tumawag, akala mo naman magkakalayo. Eh alam ko naman na magkakasama din naman yung mga yun. Ang dami pang pakulo na nalalaman. Panigurado ay may kailangan na naman itong mga ito sa akin. O di kaya ay mang gugulo na naman or mangu ngulit. At dahil nga sa tropa ko naman sila, eh napipilitan ko na pinindot ang green button sa screen ko at sinagot ang video call nila. Magkakasama yung mga barkada ko dahil birthday nung isa sa kanila. Birthday ni Mark Londrem Mapatac. Kaya may pakulo na sila na sleep over na ganap kila Londrem. Hindi na din ako nakasama, kahit ano pa ang gawin nila na pamimilit. At saka pumayag naman na sila kanina dahil nga nag punta naman na sila sa bahay. Alam naman kasi na General cleaning nga namin kanina sa bahay. At saka nag video call kami ni Neith. Chat naman kay Aizlei. Nilinis na din namin yung isang bahay. Dun kasi sila nakatira. Dahil nga uuwi na daw sila Neith at Aizlei bukas ay nilinis na lang din namin. Akala mo naman di sila pumunta dito sa bahay kanina. Nangulit nga sila diba? Tapos akala mo walang nangyari. Buti sana kung tinuloy nila na ipaalam ako kila lolo at mommy. Eh kaso hindi naman. Natakot naman sila kay Dade. Kaya hindi na din tumuloy na ipaalam ako. Binati ko naman yung galunggong na Londrem na yun kanina. Ako nga pinaka una eh. Partida nilakad ko pa papunta sa kanila kanina para lang bumati sa kaniya. Tapos tinext ko pa siya. Pinost ko pa yung pangit niyang pagmumukha sa lahat ng social media na meron ako. Tapos nilagyan ko pa ng nakakasuka na caption yung post ko na 'Happy birthday sa tropa kong pinaka gwapo sa buong mundo. Mabuhay ka sana ng matagal at biyayaan ni Lord ng madami dami na blessings sa buong tanang buhay mo. Happy birthday bro Mark Londrem Mapatac. Ang Galunggong ng tropa namin'. Ang sweet ko diba? Tapos reklamo pa siya ng reklamo. "Hoy pre! Bakit naman hindi ka nag punta sa birthday ko? Kahit humabol ka lang naman sana. O kaya bakit hindi ka sumama dito sa sleep over sa bahay? Hindi ka kumain sa handaan, meron pa naman iyong peyborit mo naman lumpiang shanghai at lumpiang gulay. Pinuntahan mo lang ako at saka tinawagan para bumati ng 'happy birthday'. Nagtatampo na tuloy kami sa iyo. Lalo na ako. Ikaw pa naman ang buhay ng party. Ang pinaka maingay at pinaka buraot pag may ganito na handaan. Alam mo ba na ang tamlay tamlay ng birthday party ko? Kung kailan pa ako nag birthday at saka mo pa ako pinag taksilan. Ikaw pa naman ang mismong party nokwan dahil sa katopakan mo eh." Hayst sabi na nga ba mag rereklamo na naman ito. Ayan, siya na nga ang nag sabi na sa susunod na birthday niya na lang daw ako pumunta. Tapos taliwas na naman sa sinasabi nitong tao na ito ngayon. Ang ayos! Ang ayos-ayos ng utak ng mga ito! Insert sarcasm. Yan, ganyan siya kunwa kunwari na malungkot. Kunwaring malungkot na nag salita si Londrem sa video call, na kung akala mo naman na ay miss na miss niya talaga ako. Eh ang kaso naman ay may kahalo na panglalait siya sa dulo. Tsaka kani kanina lang sila pumunta dito. Hayst panggulo talaga. "Hay nako parekoy, ayan ka na naman na epaloids ka eh. Akala mo naman totoo pinagsasabi mo jan. Hindi ka sana patulugin ng aso ng kapit bahay niyo. Hindi ka pa nakuntento na binati kita ng happy birthday jan. Trip mo lang naman akong pumunta jan kasi may pangit ka na naman na irereto sa akin eh. Tiyaka buong araw kasi kami nag kausap nila Aizlei at Neith. Tiyaka mabait ako ngayong araw. Naglinis ako, naglaba at lahat lahat. Alangan unahin kita kaysa sa paglilinis ko. Hindi ka naman importante. Feeling mo naman gold ka." Sagot ko sa kaniya. Na rinig ng iba kasi nga mag kakasama sila. Kada mag kakasama kasi kami, palaging may imbitado na irereto nila sa akin. Aba't gusto ba naman akong magkaroon na ng jowa dahil napag "iiwanan" na nga daw ako. Buti sana kung pasok sa standards ko yung nirereto nila sa akin. O di kaya yung crush ko ang nirereto nila. Kaso hindi! Ke pa pangit ng mga pina pakilala sa akin. Ang hindi lang nila alam. May crush ako. Kaso ayaw kong sabihin sa kanila ano. Baka asarin lang nila ako doon. O kaya eh pilitin akong pumorma. Kahit naman lalaki ako manamit. Dalagang Pilipina pa rin ako noh. Dapat ako ang popormahan at hindi baligtad ang gawi. "Ay pre, may narinig akong pangalan ng chicks. Aizlei daw tiyaka Neith." Singit ng magaling kong kaibigan na si Ashton. Ashton Mike ang buong pangalan niya. Ang math genius sa grupo namin. Syempre sunod lang sa akin haha. "Ayieeeeeeeee ikaw ah! Di mo sinasabi may pinopormahan ka na ah. Kaya pala ayaw mo dun sa mga nirereto namin na lalaki sayo ha? Babae pala talaga trip mo. Akala ko dati may pagtingin ka na sa isa sa amin kaya mo tine turn down yung mga nirereto namin sa iyo. Yun pala nakahanap ka na ng babae. Dalawa pa! Galing mong magtago sa amin ah." Buyo ng isa ko pang tropa na si Arvin. Ito naman si Arvin Dizon. Ang lover boy ng grupo. Aba akalain mo yun. Tunog babaero kasi pag kami kami lang ang mag kakausap. Pero nasa five years na sila nung jowa niya. Hayst magaling talaga ako na magtago. Di niyo nga alam na may crush ako eh. Hide and seek ang peg natin ngayon sa crush ko. "Anong... Punyawa talaga kayo. Di ko talaga alam kung paano ko kayo naging kaibigan eh. Pinsan ko yon! Pinsan! Mga sira talaga kayo. Sila yung kinu kwento ko sa inyo na lumipat sa Batangas. Yung pinsan na best friend ko! Bukas na kasi ang uwi nila eh, alam niyo naman na matagalang biyahe yon kaya sinulit na namin usapan ngayon. Parang di kilala. Eh sumama pa kayo sa Batangas noon." Bwisit na saad ko sa kanila. Diko nga alam kung bakit pa ako nageexplain sa mga to. Eh ang kaso alangan naman na hindi ako umimik. Eh di sasabihin ng mga ito na totoo yung conclusion nila. Mang aasar na naman itong mga ito pag nagkataon. May toyo sa utak itong mga depunggal na ito eh. Akala mo naman kasi di kilala yung dalawang babaita. "Ay sorry naman. Akala kasi namin dumada moves ka na eh. Ikaw na lang talaga ang napag iiwanan dito. Maski sa buong klase ikaw na lang ang walang lablayp. Galaw galaw din naman tayo jan parekoy haha." Mapang asar na sabi ni Joelito. Siya naman si Joelito Lintao. Siya ang totoong babaero sa grupo namin.Di ko ba alam kung bakit siya pina patulan ng mga babae. Di naman gwapo itong depunggal na ito. At ayun na nga. Oo, ako na lang talaga NBSB (No Boyfriend Since Birth) o kung ano man ang tawag dun sa klase namin. Wala din naman kasing umaamin o pumoporma sa akin. Kaya hanggang crush lang ako. Yung crush ko nga umabot na ng ilang taon na crush ko yon eh. Sa sobrang loyal ko hindi ko pa jowa, nagtagal na ng ilang taon haha. Mas matagal pa sa jowa ni Arvin. "Tse! Sige na at matutulog na ako. Inaantok na ako at madami ako na ginawa sa araw na ito. Mga panira ng mood. Bumawi kayo bukas ah? Ilibre niyo akong milktea tiyaka tokong. Pati na din ng takoyaki. Hindi yung ako yung lagi na nanglilibre. Para naman may ambag kayo sa tropa. Huh. Sige na ah? Basta bukas ah? Libre niyo ako." Pabalang na pagsasalita ko na may kasamang paghikab hikab. Napagod din kasi ako sa paglilinis. Kaya siguro inaantok na talaga ako. "Sige na tulog ka na prinsesang siga na may maskels" sobrang hagalpak ni Mark. Siyempre kasabay ng tawa niya ang tawa ng mga ka tropa namin. Ganon kasi talaga ang tawag nila sa akin. One of the boys kasi. Kaya din siguro walang pumoporma. Eh ang mga kasama ko pa mga heartthrob daw kuno. Meron nga akala nila shino shondi ko yung mga katropa ko eh. Bigla ba naman akong binuhusan ng tubig sa ulo habang nagme meryenda kami ng pansit nung nakaraan. Ang sabi pa nung babae ang talandi ko daw. Inaagaw ko daw yung campus boys. Akala mo naman papatulan ko talaga yung mga depunggal ko na ka tropa. Hayst, iba na talaga ang pag-iisip ng mga babae ngayon. Lahat gagawin para sa hinahangaan. Nandadamay pa ng iba. Hayst, buhay. Mga pangit na nilalang talaga itong mga tropa ko na ito. Pahirap din sa buhay. Buti na lang solid itong mga ito. Kung hindi lang talaga, ang tagal ko na sana silang pinagpalit. Pinatay ko na lang ang tawag pagkatapos ko silang irapan. Wala ng sali salita, pagod na ako eh. Umayos na ako ng higa at nag alis ng salamin at punggos. Syempre dahil mabait akong nilalang ay marunong naman ako mag dasal. Kaya naman nag dasal na ako. Nasanay kasi kami simula pag ka bata na mag dasal bago matulog, pag kagising, bago kumain, para mag pasalamat at pag may plano kami sa buhay. Para magabayan kami lagi ni Lord. At opo, katoliko po ako. Sakristan ako ng simbahan namin. Kahit naman siga siga ako at minsan nagmu mura eh alagad naman po ako ng Diyos noh. At kung nagtataka pala kayo kung sino ako. Ako si Galadriel Yen Dane. Grade 11 na ako, 16 years old. Basketball player ng school. Matangkad naman ako kahit papaano para sa age ko. Nag pa pageant pag may ganap sa school. Kasali din ako sa Science at Math Club. Sa katunayan eh isa ako sa mga honor student ng school namin. Pero sa kabila ng mga achievements ko at lahat lahat. Wala pa rin na nang liligaw sa akin. Walang umaamin. Pero ok lang. Sapat na din naman sa buhay ko ang crush ko. At ito, ito nga pala ang kuwento ng buhay ko. Mejo magulo, pero masaya naman. May mga paminsan minsan na panggulo pero mapapa alis naman sila. Hindi naman kailangan na lagi lagi na miserable ang salubong mo sa mga bagay bagay sa buhay. At saka nanjan naman si Lord lagi para i-guide tayo sa araw araw. Sabi nga nila, Everything is in the right place. Everything is already planned. It is all in perfect timing. Dahil bago pa tayo ipanganak eh planado na ang buhay natin. Gagampanan na lang natin lahat ng yun. Para bang sa isang kwento. Naka sulat na lahat ng mangyayari sa characters. Ang gagawin na lang ng mga artista ay ang gampanan ng mabuti ang characters na ibinigay sa kanila. Kasi yun yung dapat. Kaya nga wala akong regrets o kahit ano pa man sa buhay ko. Dadating ang dadating. Aalis ang aalis. At mangyayari ang mga dapat mangyari. Isa nga lang ang mejo naguguluhan pa rin ako. Wala kasi akong matandaan sa childhood ko. Given na yung makakalimutan mo yung ibang detalye. Pero ako kasi walang wala talaga akong maalala sa Grade 1 at Grade 2 ko. As in wala. Sa dami ba naman ng araw sa tatlong taon wala akong maalala. Yun ang pinag tataka ko. Kapag tatanungin ko sila Mama, Dade, Mommy, Daddy, Tita, Tito o kung sino na mas matanda sa akin. Isa lang ang sagot nila. "Hindi ko na din maalala. Sa iba ka na lang mag tanong." Pero kasi ang sabi nung isa kong kuya, may nangyari daw. Sabi din ng mga pinsan ko, may nangyari. Isang bagay daw na nagpa bago sa akin? Yung isang bagay daw na hindi nila makakalimutan. Pero kailangan ko daw na makalimutan. Pero kung ano man yung bagay na yun. Para akong hinihila nito na alalahanin ito. Kailangan kong maalala kung anong mga nangyari sa panahong yun. Para bang isa yun sa mga bagay na makakasagot ng mga bagay na gusto ko ding itanong pa. Katulad ng, bakit ako may malaking sugat sa ulo? Bakit may mali sa mga buto ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD