Meet Yoichi Murai

3950 Words
Yen's POV Maaga akong nagising. Walang gisingan yan, siguro na excite ako sa tokong, milktea, at takoyaki. Peyborit ko kasi yun. So since maaga naman ako na nagising, nag linis na ako ng kwarto ko. Tupi ng kumot, ayos ng unan at bed sheet, walis at mop ng sahig, at nag agiw na din ako. Pagkatapos ko mag linis ay naligo na ako. Nag palit muna ako ng damit na pang bahay, sando at maigsi na shorts lang. Lumabas na ako ng kwarto para umpisahan na mag walis sa buong bahay. Nag luto ng agahan namin at para na din sa mga kapit bahay. Noodles para sa kids. Kanin para sa mga magtatrabaho, syempre sinamahan natin ng meat loaf, egg, at steamed na gulay. Para sa mga diet naman kuno ay nag luto ako ng variety ng toast. Yung bread na sinawsaw sa gatas na may itlog bago pinirito sa sa unsalted butter. Yung nilagyan lang ng margarine. Yung peyborit kong toast na may grilled cheese at homemade hit tomato jam sa ibabaw. Yung isa ko pa na paborito na luto na may cheesy scrambled egg and hot tomato jam sa ibabaw tapos yung tinapay eh yung baguette na sinawsaw sa heavy cream. Yung kid's favorite na may meringue sa taas. At yung choco cream toast, bali may frozen choco cream siya sa gitna ng dalawang tinapay bago siya tinoast sa non stick grill pan. Pagkatapos mag luto ay hinain ko na siya ng maayos. Tinawag ko na din ang mga kasama ko sa bahay bago ko isa isahin na tawagin din ang mga kapit bahay namin. Bali may hall kasi sa gitna ng apat na bahay. Dun kami magkakasama na kumain paminsan minsan. Syempre habang kumakain sila ay isa isa ko sila na tinimplahan ng mga drinks nila. Una ang chocolate and coffee drink na may fresh sweet mango juice and oats, weird pero masarap siya. Second yung cucumber coffee drink. Good for diet siya. Bali brown coffee siya na nilagyan ng cucumber slices, saka yung homemade cucumber tea made by yours truly, and nilagyan ng honey. Third ay ang another version ng cucumber coffee. pero brown coffee naman siya na may halong cucumber lemonade and cucumber slices. Syempre hindi din mawawala ang mango juice na may pineapple. Fifth naman ay ang milk ng kids. Pagkatapos ay hinain ko na ang drinks sa gitna ng lamesa at sumabay na na kumain sa kanila. Pagka tapos kumain ay ako na din ang nag urong. Marami yung plato pero ok lang, minsan lang naman. At saka para na din payagan ako na lumabas mamaya mwe hehe. Patapos na ako na mag urong ng sabihin ng pinsan ko na maliit na may tao daw sa gate na naghahanap sa akin. Sa pag aakala na importante ang nag hahanap sa akin ay hindi na ako nag ayos at lumabas na agad. Kaso pag dating ko sa harap ng gate, mga depunggal na naka bike pala na tropa ko ang nag hahanap sa akin. Binuksan ko na yung gate para wala na akong marinig na reklamo. Habang nag lalakad ako, napansin ko na sobra ata ng isa itong mga ito. Dun ko na lang sila sa hall dinala. Inalis nila yung mask nila, at nagulat na lang ako na hindi lang pala yung mga tropa ko yong pumunta dito. Kasama nila yung isa kong kasama sa simbahan. Yung sakristan din. Yung crush ko! Kasama nila yung crush ko! Matutuwa na sana ako ng maalala ko yung itsura ko. Sando na itim na maluwag na walang pang loob at maong na shorts. May bula bula din yung kamay ko. Yung kaninang maayos kong bun, wala na sa ayos. Tapos kasama nila yung crush ko. Nakita ako ng crush ko na ganito ang itsura! Aalis na sana ako para di nila makita ng maayos yung itsura ko ng mapunta yung atensyon sa akin ng mga tropa ko. Nag uusap usap kasi sila, naka upo na sila habang ako ay naka tayo pa rin. At dahil dakilang sira ulo ang mga tropa kong mga depunggal eh tumahimik sila. Seryoso kunwari ang mukha. Pero yung saglit nila na pagtahimik ay unti unti na nawala at sabay sabay na tumawa ng malakas. Sanay naman na ako na makita nila ako na naka ganito. Ilang beses na kasi sila pumunta ng bahay ng walang ni isa na pasabi na ganito ang ayos ko. Pero kasi ngayon, ngayon may kasama sila. May kasama sila! Kasama nila yung kasama ko sa simbahan! Kasama nila yung kapwa ko sakristan! Kasama nila yung crush ko! Yung crush ko! Hindi ko pa naman ka close ito na masyado. Gwapo at crush ko pero mukhang snob. Pero huhu lupa! Lamunin mo na ako ngayon na din, please lang! Ang una ko na ginawa? Tumakbo na ako papunta sa kwarto ko. At habang tuma takbo ako ay sumigaw ako ng "Mga punyawa kayoooo!!! Mga depunggal!" sigaw ko yan sa mga ka tropa ko. Kasi huhu I can not believe na ganito talaga ang isa sa mga encounters namin ni crush outside ng church. Pagka pasok ko ng kwarto ay hingal na hingal ako na sumandal sa pintuan. Napa upo pa ako sa pagod. Pagka tapos na mag habol ng hangin ay nag palit na ako ng maayos na damit. T-shirt na maluwag na may tatak ng eight ni IU. At saka maong na shorts na hanggang sa tuhod ko, yung galing sa Penshoppe. nag suot na din ako ng mejas ko na Nike ang tatak at sapatos. Ang paborito ko na sapatos. Ang Nike Air Jordan 1 Low Royal Toe. Sosyal! nag punggos na din ako ng maayos at sinuot ang productive hat ko na galing sa Benpire clothing. Pagkatapos mag palit ng damit na pang labas ay bumalik na ako sa hall. Pagka labas ko ay isa isa ko na kinaltukan ang mga kaibigan ko. Kung totoo na kaibigan nga sila. Sana pagka kita nila sa akin sa gate pa lang sinabi na nila na may iba sila na kasama. Para naman hinayaan ko sila na pumasok sa gate habang nag papalit ako. Umupo na ako at- "Alam ko na ililibre niyo ako para bumawi sa mga pinag sasabi niyo sa akin kagabi. Sa mga pang aasar at pang gugulo niyo. Pero ang alam ko mamaya na hapon pa kayo dapat na pumunta dito sa bahay namin. Mga bwisit kayo na mga depunggal. Akala ko naman babawi kayo sa akin ngayong araw na ito. Pero bago pala yon, yung pag bawi niyo sa mga kasalanan niyo. Eh required pala na dagdagan niyo yung mga kasalanan niyo sa akin!!!" Bawat pag kainis ko ay may kasama na pagpalo palo isa isa sa kanila. At oo, opo, nakalimutan ko po na naman na may kasama nga pala sila dito. "Nahiya ka pa-" bago pa matapos ni Londrem ang sasabihin niya sa akin ay hinampas ko na siya ng malakas sa batok. Hindi naman gaano kalakas para maging dahilan para mawalan siya ng malay. Pero parang sana ginawa ko na lang. Dahil kulang yung ginawa ko sa kanya para mawala ang inis ko pinag dilatan ko siya ng mata. "Ay oo nga pala. Si Yoichi, siguro naman eh kilala mo na itong si Kuya Yoichi dahil kasama mo naman siya sa simbahan diba? Sakristan kayo diba? Tropa kasi ni Ate, kasama kasi namin siya na nag bike kanina. Pinasama kasi ni Ate sa amin. Nag hahanap kasi daw siya ng kasama na mag bike. Dahil nga kasama namin siya kanina eh sinama na namin dito. Tutal naman eh malapit lang naman dito sa bahay niyo yung pinu puntahan natin kapag nagba bike tayo diba? At saka ok lang naman sayo eh. At saka gutom na gutom na din kami. Kaya dito na kami dumiretso." pagbabago ni Londrem sa dapat niya na sasabihin na kabuwisitan sa akin. Magpapa salamat na sana ako dahil sineg way niya yung sasabihin niya. Kaso nabuwisit ulit ako dahil desisyon sila. Hindi naman porket gutom sila at malapit bahay namin eh dito na sila makiki kain. Ano sila? Gold? "Ang aga niyo naman! Natutuwa ako sa inyo! At dahil natutuwa ako sa inyo eh maganda ata na sabihin ko kay Dade na nandito na naman kayo. Isumbong ko na din yung mga pang aasar na ginagawa niyo sa akin. Tignan lang natin kung di kayo ulit habulin nun. Tignan na din natin kung mag a upgrade yung ipang hahabol niya sa inyo." Ayan! Yan! Matakot kayo! "Sabi ko nga hindi na! Hindi na nga eh! Wag mo na kami isumbong dun kay pogi nating Lolo na si Lolo Reng! Bawas pogi na naman kami nun pag nagkataon." Yan!Buti naman at takot kayo. Yung pagkaka sabi kasi ni Ashton eh takot na takot eh haha. Nasubukan na kasi nila na mahabol ni Dade ng itak. Paano ba naman, batukan ba naman nila ako. Binatukan ako sa harap pa naman ni Dade Reng! Kaya ayun nangarag na tumakbo ang mga karag mwu hahaha. "At saka bakit mamayang tanghali pa? Eh diba ngayon na hapon na ang dating nung dalawa mo na pinsan? Yung Neith at Aizlei ba yun? At saka gagawa pa tayo nung project natin pagka tapos ng gala natin, kaya sakto lang na ngayon na kami na umaga pumunta dito." Oo nga pala. Ngayon na araw nga pala ang uwi nung dalawa ko na best friend s***h pinsan. At saka nung dalawa ko na pinsan na kyut na tiyanak. Minsan maayos din talaga na kausap itong si Londrem eh. Maayos minsan ang pag iisip. Kaso paminsan minsan lang. Hindi ko nga lang alam kung may tino din sa utak yung iba ko na tropa na depunggal. "Sige na! Nag umagahan na ba kayo? Ikaw po ba Kuya Yoichi? Nag umagahan na po ba kayo? O baka po ginulantang ka din po ng mga ugok ko na mga kaibigan?" Buti naalala ko pa na may iba pa kami na kasama dito. Ngayon ko na lang din naalala eh. "Hindi pa nga eh. Hindi naman nila ako ginulo. Naki sabay talaga ako sa kanila. Nabanggit kasi ni Christine na magbi bisikleta din sila ng maaga. Kaya sumabay na din ako. Nag hahanap kasi ako ng kasama eh." Mabait pala itong si Kuya Yoichi. Akala ko kasi snob. Tahimik lang pala. Hay, crush naman wag masyado baka mahulog ako ng tuluyan. "Ay hala!? Di mo ba narinig yung sinabi kanina ni Londrem o sadyang bingi ka lang talaga? Nagugutom na nga kami diba? Kaya nga kami dumiretso dito eh." Panggulo talaga itong Joelito na ito. Konti pa totodasin ko na talaga itong karag na'to eh. "Hoy! At saka hindi ko ba narinig yung explanation ni Londrem kanina? Kusang sumama si Kuya Yoichi sa amin! Ang baba talaga ng tingin mo sa amin! Laging wala kami sa ayos para sayo!" Ayan! Isa pa itong Dancel na ito. Siya nga pala si Dancel Karl. Ang isa pa sa Lover boy ng tropa namin. Ang kaso hindi sila mag jowa. Halos parehas lang kami. Yung sa kanya nga lang bukod sa spoken, eh mutual din. "Ay sige po. Maghain lang po muna ako ng agahan. Jan muna kayo." Mabait ako ngayon. Kaya mabait ang tugon ko, kay Kuya Yoichi nga lang. Binalewala ko na lang yung mga pangbu bwisit at pangsa sabat ng mga karag ko na depunggal na kaibigan ko. "Hoy kayo! Toast lang ang ihahain ko ah? Ubos na yung kanin at ulam namin. Ubos na din yung noodles. Toast at Drinks lang ang natira. Wag na kayo umangal. Marami pa naman yun. Napadami kasi luto ko akala ko naman mga diet sila. Magka kanin pala sila." Yun na lang ang baling na sabi ko sa tropa ko. "Oo na. Ok lang. Masarap naman yung gawa mo na toast eh. Sosyal nga yun. Ikaw ah wife material ka talaga! Ang kaso parang wife din ang habol at hanap mo! Haha. Sige na! Kunwari mabait ka pa kay Kuya Yoichi eh Halimaw ka din naman. Sige na! Bigyan mo na kami ng puds. Dahil gutom na kami." Reklamo talaga itong mga ito. May kasama pa na pang aasar. Itong buwisita ko na Joelito na ito! Kahit kailan talaga! Karag! Kainis! Binatukan ko na muna siya tsaka dumaan sa likod ng bahay papunta sa kusina. Mas malapit kasi. Para kunin yung mga toast na natira sa niluto ko. Naka ayos naman na iyon dun sa tray. Pinatong ko na lang din sa isa pa na malaki na tray yung pitchel ng drinks. Peyborit naman ito nung mga tropa ko. Di ko nga lang alam kung magugustuhan ni Kuya Yoichi. Pero sinerve ko na lang. Pagka lapag ko pa lang ng mga tray sa lamesa ay kumuha na ang mga buraot ko na kaibigan. Hindi pala kuha, hablot pala. Alam ko naman na ayaw nila yung peyborit ko na toast na may hot tomato jam kasi masyado daw na maanghang. Kaya hindi na lang din ako umangal sa kaburautan nila. Nag bago nga lang ang isip ko ng may kamay na papalit dun sa peyborit ko na toast. Handa na sana ako na tampalin yung kamay na nakita ko ng kay Kuya Yoichi pala yon. Kaya hinayaan ko na lang. Malay ko ba na parehas pala kami ng taste. Buti na lang madami ang natira. Hindi din kasi mahilig sa maanghang yung mga kabahay ko. "Hala! Kuya Yoichi! Bakit ka kumuha niyan? Peyborit yan ni Driel!" Epal ka Aldwin! Siya si Aldwin Buenavista. Ang instrument genius ng tropa namin. "Ok lang. Marami naman natira sa ginawa ko eh." At saka si crush yan uy! Kaya syempre, matic ok lang. "Gawa mo to?" Nagulat na lang ako sa biglang tanong ni Kuya Yoichi. Mukhang may bago ako na taga hanga sa luto ko. "Ay opo! Kuya Yoichi, gawa yan ng prinsesa namin na astig at siga na may maskels! Inimbento niya yan. Madami pa po yan nagawa na foods and beverage. Yang kape Kuya? Hindi yan basta basta na kape. Chocolate coffee yan na may oats and mango. Pati yang iba na drinks hindi basta basta." Sabat ni Dancel kahit hindi naman siya ang tinatanong. Ok na din, alam ko naman kasi na masyado nila ako na idol haha. "Eh dapat pala na ibenta niya na ito. Kailangan mo na ibenta ito. Kasi sayang naman kung hindi ito matitikman ng iba. Panigurado kasi na magugustuhan ito dito sa atin. Baka nga hanggang sa ibang lugar maging patok ito." Suggestion ni kuya Yoichi, at dahil dakilang sabatero ang mga katropa ko hayun at isa na naman sa kanila ang sumagot. "Nako kuya, alam mo ba, na ilang beses na namin sinabi yan sa kanya? Kaso nag iipon pa lang daw kasi siya. Ang sabi nga namin tutulungan namin siya sa puhunan niya para sa pag bebenta niya. Kumbaga business partners ba? Kaso ayaw niya daw po kasi buraot daw kami. Nakakalungkot nga po eh kami na nga yung tumutulong inaaway pa kami." May palungkot lungkot pang nalalaman na sabat ni Mark, sa dahil nga feeling nila sila yung tinatanong. "Tiyaka wala po kasi akong time. Pasukan pa lang po kasi. Tiyaka kung weekends naman po eh nasa simbahan din tayo. Wala din pong magbabantay at magtitimpla o magluluto nung ibebenta." Sabi ko na lang din para naman may ambag ako sa sarili kong problema. "Eh umaga naman tayo sa simbahan eh. Kahit mag start ka kapag hapon lang muna. Kung pwede nga sa iyo eh business partner mo na din ako eh. Alam ko kasi na marami ang magugustuhan itong mga gawa mo na pagkain at mga inumin" Sabi ni kuya Yoichi. Enebe, crush naman eh. Wag masyado sa papuri, baka maniwala ako. "Kaya nga parekoy, umaga lang din naman tayo sa school. Tayo naman din kasi ang pinapili ng schedule natin. Mejo maluwag naman." Sabi din ni Mark. May sense din talaga itong si Londrem madalas eh. "Pag iisipan ko na po muna. Mahirap naman kasi kung magde desisyon agad ako. Di nga natin alam kung may bibili ba o wala." Wala din kasi akong tiwala sa taste buds namin. Pwedeng masarap siya, pero pag nalaman nila kung gaano ka weird yung ingredients na pinag sama sama. Baka ayawan nila. "Bilisan niyo na lang kitdi jan ng makagala na tayo." Iniba ko na ang usapan kasi wala ako madalas tiwala sa sarili ko eh. Nakakaumay din kasi na ipilit yung bagay na konti lang ang may gusto. Pero may point din naman sila. May half and half na chances naman. Kailangan ko lang mag take ng risk. Pero ngayon, gusto ko na lang munang gumala. Kaya ayown punta sa food court at mall! Pagkatapos nila na kumain eh nag ligpit na kami. Tinulungan na din nila ako na mag urong at mag tuyo ng mga pinag kainan para maibalik na sa lalagyan. "Ipaalam niyo na ako, di pa kasi ako nakakapag paalam hehe." "Sige sige." O diba sabay sabay sila. Pwede na mag choir! Pumasok na kami sa bahay para ipag paalam na nila ako. Sana pumayag sila. Sayang din kasi yung damit ko kung hindi sila papayag. "Tita, pwede po ba sumama sa gala sa amin itong si Yen? Babawi lang po kami sa kanya. Tapos bibili na din po kami ng para sa project namin. Kung ok lang po sa inyo?" Ayan! Go Londrem! Papayagin mo sila Mommy! "Pwede naman. Basta mag iingat kayo. Alam kong kaya ni Yen ang sarili niya pero tignan niyo pa rin siya ah?" Yes! Pumayag! "Opo Tita, makaka asa po kayo na iingatan namin itong si Yen. Salamat po Tita." "Thank you Mommy! Hehe, I love you! Mwa!" "Sige na, pumunta na kayo para maka bawi na kayo kay Yen. Siguraduhin niyo lang na may dala kayo na pera. Alam niyo naman na matakaw yan haha. Oh Yoichi, nanjan ka pala. Alagaan niyo yang si Yen ah?" Hallah ka, nakita pa ni Mommy si crush. Pero wait, paano niya nakilala itong si Kuya Yoichi? "Opo tita, aalagaan at iingatan ko po itong si Yen. Sige po tita, mauuna na po kami." "Sige, dito na din kayo kumain ng pananghalian. Para naman masaya ang kainan mamaya. Magluluto ako ng peyborit nitong si Yen. Dito kayo kumain ah? Yoichi sila Mama mo pala? Ayain mo din" Wait! Is this it? Lunch with the parents na itetch. Emeghed Eomma! Di mo naman sinasabi na kilala mo pala future In laws ko ehe. Ay talande. "Sige po Tita. Dadaanan po namin sa bahay sila Mama pag umuwi na po kami dito." Umuwi? Dito? Sa bahay namin? Kasal na ba tayo at inaangkin mo na bahay ko? Pwede din naman. Ehe. Pagkatapos ako na payagan ni Mommy ay nag umpisa na kami na mag bike papunta ng food court. Nag desisyon kami na mag bike na lang daw. Para daw mabawasan yung taba ko. Oo, ako lang daw ang mataba. Pag dating namin sa food court ay itinabi namin sa isang tindahan ng burger yung mga bike namin. Mabait naman si ate na nag babantay ng stall ng burger. Pinahiram niya kasi kami ng kadena at pad lock para sa bike namin. Pagka ayos namin sa bike namin ay nagpa salamat kami kay ate bago pumasok sa food court. Nag hanap muna kami ng mauupuan. Pinag tabi na lang namin ang dalwang lamesa para mag kasya kami. Si Dancel at Aldwin ang nag bantay ng upuan namin. Inuna na namin yung mga ihaw ihaw. Inihaw na isaw o bituka ng manok at baboy. Inihaw na dugo, paa, balun balunan, barbecue, hotdog, puso ng manok at iba pa. Sinunod namin yung takoyaki. Limang order ng 8 pieces na takoyaki. Bali 40 na takoyaki. Yayamanin sila, isang daan kasi ang isang order ng 8 pieces na takoyaki. Bumili na din kami ng tokong, prinitong manok, calamares, lumpiang Shanghai at gulay, kwek kwek, tokneneng, fishball, squid ball, chicken balls, kikiam, day old, milk tea at iba pa. Natatawa talaga ako dun sa pinag bilhan namin ng milk tea, yung mga sizes kasi nila. Juts, Daks at Super Daks. Mostly sa bakla ko kasi naririnig yun, madalas referring sa size ng lalaki. Alam niyo na. Ng mabili na namin lahat ng pwedeng bilhin ay bumalik na kami sa upuan namin na binabantayan nila Dancel at Aldwin. Pagka upo namin nag umpisa na naman silang mang asar. "Oh wag niyo gagalawin yung pagkain, hanggang nood lang daw tayo. Kay Drie daw lahat yan haha." Ang saya talaga ni Joelito. Syempre masaya din kami. Tuwang tuwa nga ako eh. At para mai paramdam ko sa kanya yung tuwa ko, binatukan ko siya ng malakas. Yung tanggal ulo. "Saya natin noh? Natutuwa talaga ako. Sige! Ulitin niyo pa akong asarin chain saw ang ipang hahabol ni Dade sa inyo!" Ayan nag super sayan tuloy ako. Nang maging ok na ulit kami ay nag umpisa na kami mag dasal. Syempre dapat magpasalamat kay Lord bago kumain. Nag umpisa na kami kumain, habang kumakain ay nag umpisa na sila sa chismis nila. Mas malakas mag chismis itong mga ito kay sa sa akin. Kahit pa sabi ng marami na mas likas daw sa babae ang chismis. "Drie, alam mo bang yung coach niyo sa basketball eh jowa daw yung ni principal? Kaya kahit hindi magaling napunta pa rin sa inyo." Tologo? Si Londrem talaga malakas sa ganito eh. Dalawa sila ni Joelito. "Kuya Yoichi, alam mo ba kung bakit tamad at palaging may ka text yung coach niyo sa Volleyball?" Pa suspense naman itong Ashton na ito. Manong ituloy na lang. "Ka text niya yung Driver ng School." Bakit ngayon ko lang nalaman itong mga chismis na ito? "Alam niyo ba kung bakit huminto yung swimming athlete na galing sa SPA (Special Program in the Arts)? Nabuntis daw kasi habang nandun daw sila sa competition." Chismis naman itong Joelito na ito. "Hoy, teka nga. Bakit mas madami pa kayong chismis kay sa sa akin? Saan galing yang mga yan?" Syempre takang taka naman ako noh. "Dun sa mga jowa ni Joelito." Ay tologo Aldwin? Nag umpisa na ulit silang mag bunyag ng chismis hanggang maubusan na kami ng pagkain. Hindi pa daw nakuntento sila Dancel at Ashton kaya bumili sila ng Buy 1 Take 1 na burger. Ng masolve na kami sa mga kinain namin ay niligpit na namin at tinapon sa basurahan ang mga kalat namin. Sinama ko na din mga tropa ko tutal kalata naman sila. Charot. Kinuha na namin ang mga bike namin at nagpasalamat ulit dun sa ate. Nag bike na kami papunta ng mall. Buti dun at may pwedeng paglagyan ng bike. Inuna na namin mamili ng damit. Mahilig kasi kami na mag pares pares ng damit. Dun kami una sa Penshoppe. Gusto ko kasi talaga bilin yung relaxed tee nila na may stripes. Gusto ko yung blue. Simple lang kasi siya may tatak lang siya na Penshoppe sa may harapan. Kinuha ko na yung nasa harapan na small. Pero bago ko pa maalis sa sabitan may kasabay ako na kumuha nito. Si Kuya Yoichi pala, binitawan ko na lang at nag hanap ng iba. Bago pa ako makahanap ng size small, inabot niya na yung tshirt kanina. Parang never ko na itong lalabhan ganito na lang siya forever, ipapaframe ko haha. Nagpasalamat ako kay Kuya Yoichi bago kunin yun sa kamay niya. Naghanap pa ako ng iba. Kumuha ako ng Forever Young na sweatshirt. Yung simple Penshoppe sweatshirt. Yung tshirt kanina. Men's tie short. Isang black na hoodie. Yung pabango na violet na days like this. Violet na calming balm at room air freshener. Nagbayad na kami ng makuha namin lahat ng gusto namin. Sumunod naman sa Bench. Inuna ko na yung matagal ko ng gustong kunin na Manila shirt at tatlong bimpo. Sa Oxygen. Yung room slippers, outside slippers. Yung sweatshirt na may stamp ng oxygen sa likod. At yung bucket hat. Sa Bum kinuha ko yung jacket na may side strip. At saka yung isang belt. Pagkatapos namin mamili ng mga gamit. Pumunta na kami sa paglaruan. Sa basketball. At sinubukan lahat ng laro. Sa huli bumili muna kami ng mga chips bago pumunta sa karaoke station. Naunang kumanta si Londrem. Sumunod sila Dancel, Aldwin, Ashton, Joelito, at Arvin. Second to the last si Kuya Yoichi. Huli ako, tig tatlo kami ng kanta. Ang pinili ko ay Wag nalang kaya, Something Beautiful at isang Korean song. Good Day ni IU. At sa pagkanta ko ng mga yon. Isa lang ang tinitignan ko. Si Yoichi Murai lang. Dahil sa mga kantang ito, dito ko nilabas ang pag amin ko sa kanya. Ang pa sikreto kong pag amin sa kanya. Nang natapos ang kantahan sesyon namin ay nag paalam yung iba na may mga bibilin pa. Habang naghihintay ako sa lounge ng mall. May tumawag sa akin. Nilagay ko muna sa tabi ko yung selpon ko para kunin ang earphone ko. Habang on going ang call ay pinatawag ko na yung iba namin na kasama para umuwi. Dumaan muna kami sa National Book Store at Pandayan para bumili ng mga gamit pang project. Pumunta na kami sa bahay nila crush para tawagin sila future parents in law, char. "Ma!" pagtawag ni crush kay tita. "Oh! Andito ka na pala. Sino pala itong mga kasama mo?" Nauna kasi sila pumasok, inayos ko pa kasi yung bike ko tsaka mga pinamili ko. Pitong bag kasi yung dala ko. Narinig ko silang nagpapakilala na kay tita. Naayos ko na din naman yung mga dala ko kaya pumasok na ako. "Oh, andito pala si Yen. Yung anak ni Mareng Loj." Kilala ako ni Tita? Ang alam ko hindi naman kami nag usap. Tsaka hindi ko pa siya nakita kahit sa simbahan. "Hi po Tita. Ahm sabi po pala ni Mama dun na daw po kayo mag lunch sa bahay." Siyempre nahihiya ako, kilala pala ako ni pyutyur mudrakels haha. "Ay ganun ba? Sige magbibihis lang kami." Umakyat na si tita. Biglang may lumabas na kyut na mga baby girls. Kambal ata. Dahil likas na gustong gusto ko ang kids eh nilapitan ko sila. Hehe sakto may candy ako dito. Buti na lang extra yung binili ko na pang pasalubong dun sa mga kids sa bahay. "Hello. Ako pala si Ate Yen. Friend ako ni Kuya Yoichi niyo." "Hewo po." Shems ang kyut nila, sabay pa sila nagsalita. Bumaba si Tita na may dalang damit. Biglang binuklat nung kambal yung kamay nila. Binuhat ko na lang sila ng sabay papunta kay tita. "Oh baka mabigat yang dalawa ah? Haha. Bibihisan ko sana sila. Pero mukhang attached na sila sayo. Ok lang kung ikaw na lang mag bihis sa kanila?" "Ok lang naman po tita." Kukunin ko na sana yung mga damit ng kinuha ni crush yung isa sa mga kambal. "Ichi, samahan mo nga si Yen papunta dun sa kwarto ng kambal. Yen, marunong ka ba mag palit ng diaper? O si Ichi na lang?" "Marunong naman po ako Tita. Ako po kasi nag aalaga sa mga pinsan ko." Sinundan ko na si crush papunta sa kwarto ng kambal. Lumabas na din kami agad ng nabuhusan na sila. Buhat ko na ulit silang dalawa habang nilalaro nila yung mukha ko. "Ay sus parekoy. Parang nanay ka jan ah haha." Nakalimutan kong meron pala sila dito. Nang asar na naman ang Galunggong na Londrem. "Tapos tatay si Kuya Yoichi haha." Sa lahat ng pang aasar nila sa akin, ito yung pinaka gusto ko sa totoo lang haha. "Kaya nga bagay haha" Hala sumabay pa si Tita. "Hon ang cute nila oh." Ngayon ko lang napansin yung katabi ni tita. Parang older version lang ni Yoichi. "Ay tita. Sasabay po ba kayo sa amin or mauuna na lang po kami nila Londrem?" Syempre change topic bago pa ako mahimatay sa kilig. Inabot ko na din kila tita yung kambal. "Mauna na lang kayo. Tutal alam naman namin yung daan papunta sa inyo. Yoichi, sumabay ka na lang sa kanila." "Sige po tita. Mauna na po garud kami." Naging walo na yung hawak ko na bag. Para balanse yung hawak ko apat sa isang kamay tapos apat din dun sa isa. Sa hawakan ko na lang siya sinabit. Nauna na kami makarating sa bahay. Pinapasok ko na sila. Tinabi na lang namin sa kotse yung mga bike namin. Sa likod ko pa kasi nilalagay yung bike ko. "Ma! Andito na po kami!" Iniwan ko na muna sila sa sala para ayusin yung mga nabili ko sa kwarto. Bumaba agad ako ng maayos ko na. Saktong pagbaba ko ang pagpasok nila tita. Ako na ang sumalubong sa kanila dahil wala pa sila Mommy sa sala. "Tita upo po muna kayo. Tatawagin ko lang po sila Mommy." Lumabas na agad si Mommy kasunod ang mga pagkain. Dun lang kami sa Dining sa loob ng bahay. Mahaba naman yung lamesa. Pagkatapos naming mananghalian ay gumawa na kami ng project habang sila Mommy ay nagchi chikahan. Tinulungan din kami ni Kuya Yoichi. Yung kambal nakipag laro sa kapit bahay. "Yen! Magluto ka nga ng popcorn at saka hotdog pang meryenda. Magtimpla ka na din ng juice." Alas kwatro na pala ng hapon. Kanina pa kaming 2:30 natapos sa project kaya nag lalaro na lang kami. "Yoichi! Tulungan mo na si Yen para mabilis." Niluto ko na lang sa grill pan yung hotdog. Tapos nagluto na ng popcorn si Kuya Yoichi. Prinepare ko na yung mga flavor ng popcorn. Naghalo na din ako ng sauce para sa hotdog. Nag timpla ako ng Ice Tea apple para sa inumin. Ng matapos namin na lutuin at i-prepare ang mga meryenda. Nilagay na namin sa tray at hinain ito sa lamesa. Tinawag na nila Mommy at Tita yung mga bata. Habang kumakain napag usapan nila tita na dito na lang din sila kumain ng dinner. 6:00 na ng mag umpisa sila magluto. Tumulong na din si Tita kay Mommy na magluto. 9:30 na kami nag umpisa na maghain sa lamesa, biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Aizlei. Pagka sagot ko say madilim ang salubong. Mukhang may problema sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD