CHAPTER 22: The Separated Hearts

2926 Words
Damon's POV; Naidilat ko ang mata ko at napabuga ng napaka bigat na hangin.. Naigawi ko ang paningin ko sa gilid ng kama ko at nakita ko si gogeta kaya napangiti ako ng mapait.. 'Bakit ba ako nag kakaganito?' Kinuha ko si gogeta at niyakap.. Ito ang unang unang stuff toy na ibinigay nya sa'kin.. Tumayo ako at binuksan ang drawer tyaka ko kinuha ang bracelet na ibinigay nya "Akala ko nakalimutan na kita.. Pero bakit pinapagulo mo yung isip ko?" usal ko at napasulyap kay gogeta "Vegeta okay na ako noon e.. Pero nung bumalik ka.. Gumulo lahat, yung isip ko.. Pati na rin yung nararamdaman ko.. " dagdag ko pa at naidiin ang pag kakahawak sa bracelet Bumabalik lahat.. Yung sakit, yung hirap, yung nakakagagong pakiramdam.. Pakiramdam ko mababaliw na ako sa kakaisip lalo pa't nalayo na naman sya.. Sabi ko sa sarili ko noon hinding hindi na babalik ang nararamdaman ko para sakanya because she almost ruined my happiness.. My life.. Pero ito ako ngayon.. Parang tanga na iniisip sya at may namumuong pag aalala, mali to.. Maling mali dahil girlfriend ko si veronica pero ibang babae ang laging iniisip ko.. "Bruce.. " napatingin ako sa pinto nang may marinig akong boses "Diane.. " usal ko at ngumiti muna sya bago tuluyang pumasok at umupo sa tabi ko "Aren't you going to work?" tanong nya kaya umiling ako "May sakit si ven.. Ako ang mag babantay sakanya.. " sabi ko at pasimpleng inilagay sa drawer ang bracelet na hawak ko "Nabalitaan ko na sinundo ng US army si chloe.. Masaya kana?" tanong nya kaya kunot noo akong tumingin sakanya "Masaya?" tanong ko at napangisi sya "I thought you'd be happy.." usal nya at tinapik tapik ang balikat ko "Sabi mo sa'kin magiging masaya ka kapag nawala sya? Ayan na.. Bumalik na nga sya sa Military at walang kasiguraduhan kung buhay syang babalik.. " dagdag pa nya kaya inis akong tumayo at kumuha ng tubig tyaka uminom 'Hindi sya nakakatulong tsk!' "If you really love her.. Tell her, before it's too late.." sabi nya kaya inis kong binagsak ang baso na hawak ko "Hindi ka nakakatulong diane.. Umalis kana" seryosong sabi ko at tatawa tawa syang tumayo at nag lakad pero bago pa sya makalabas ng tuluyan ay nag salita pa sya "Wag mong intayin na sumuko sya tyaka mo mapapatunayan na mahal mo talaga.. Maraming lalaking pwedeng magustuhan nya.. Pero sa dami ng mga lalaking yun.. Ikaw ang pinili nya" pahabol na sabi nya at tuluyang lumabas kaya inis kong nadampot ang unan sa sofa tyaka ko malakas na naihagis sa veranda "Damn it!" inis na hinawi ko ang buhok ko at sandali pang napapikit 'Hindi pwede to! Maling mali!' Ilang minuto pa akong nag stay sa kwarto at bumaba na para ipag luto ng pagkain si ven.. Umalis na si diane dahil may duty pa sya at ang pamangkin ko ay nasa bahay na nila.. Nang matapos ako mag luto ay dumeretsyo ako agad sa kwarto ni ven dala dala ang tray.. Pag pasok ko dun ay balot na balot sya ng kumot kaya lumapit agad ako. Pawis na pawis sya at namumutla pa ang muka kaya kumuha ako ng pamunas at agad syang pinunasan "Bruce.. " dahan dahan nyang idinilat ang mapupungay nyang mata "Nag luto ako.. Kumain ka muna" alok ko sakanya pero imbis na sumagot sya ay hinawakan nya ang kamay ko at inilagay yun sa pisngi nya na para bang dinadama pa nya 'I'm sorry ven.. I'm so sorry..' "I love you bruce.. Do you love me?" tanong nya na may simpleng ngiti kaya pinipilit kong wag kumunot ang noo ko "I--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang hatakin nya ang kwelyo ko at agad na siniil ng halik.. Hindi ko ginalaw pero sya na ang nag kusa at mas diniin nya pa ako para mahalikan ng maayos.. Hindi ko alam kung bakit hindi ako tumututol at agad na pumikit pero sa pag pikit ko ay syang pagkita ko ng muka ni chloe.. 'I'm sorry...' Chloe's POV; 'Half Cooked egg, 2pcs bread, water.. Dinaig ko pa diet nito ah!' "Hindi talaga uso kanin dito hayy nako.. " daing ni mia habang kumakain kami "Baka isang push pa lang gutom na ako.. " sabi ko at pinag patuloy ang pagkain "Ano nga pa lang ipapa-training mo?" tanong nya kaya humawak ako sa baba ko at kunyaring nag iisip "Simple lang.. Ayoko naman kayong pagudin baka hindi pa tumatama sainyo yung bala bulagta na kayo" natatawang sabi ko "Tungkol saan daw pala ang mission?" tanong nya inilabas ko ang papel na nakalagay sa bulsa ko "Pinakita sa'kin ni General yung news kanina.. Kinidnap ang anak ng Presidente at may nabalitaan na rin na marami ng nawawalang bata dito sa calif.. At alam mo kung sino ang kakalabanin sa gera?" sarkastikong tanong ko, uminom muna sya bago sumagot "Sino?" "Ang mga taga russia.. Pangalawa sa mga malalakas na Armed Forces. Kailangan ng magandang plano para dun at kailangan nyong maging maingat.. " sabi ko at uminom ng tubig "Bakit nila kinuha yung anak ng Presidente? Tsk!" tanong pa nya "Sa pag kakaalam ko malaki ang atraso nya sa mga taga russia kaya yun siguro ang nakikitang paraan nila para makabawi sa presidente" tatango tango sya nang sabihin ko pero tatayo na sana ako nang may nag salita "Commander!" napatingin ako sa isang soldier na sumaludo kaya tumayo ako at sumaludo din sakanya "Sergeant Major Winslet was at quarters.. And she opened your locker" sa puntong yun ay naigalaw ko ang panga ko at pabalang na hinawi ang silya na nasa daan ko kaya naman pinag tinginan ako ng mga ibang sundalo na kumakain.. Hindi ko na sila inintindi at mabilis na pumunta sa locker ko "Anong problema nung bruha na yon?" tanong ni mia habang sumusunod sa'kin at halos mapatakbo na sya sa bilis ng lakad ko "Maraming mahahalagang gamit ang nasa locker ko.." seryosong sabi ko at mas binilisan ang lakad.. Hindi ko na pinapansin ang mga sumasaludo sa'kin sa daan dahil ang nasa isip ko lang ngayon ay ang laman ng locker ko Pag karating ko sa locker ay nakita ko syang may ginagalaw sa loob ng locker ko kasama ang mga kaibigan nyang sundalo.. "What are you doing?!" inis na sabi ko at hinawi sya para pigilan sa mga ginagawa nya "Learn to be respectful Commander Chloe... I'm the Sergeant Major of the army and the only daughter of the General of the army.. " usal nya kaya pabalang kong sinara ang locker ko at mukang nagulat pa sya "Commander.. Huminahon ka nasa military base pa rin tayo.. At mapapasama ka kapag pinatulan mo pa yan" awat ni sergeant mia sa'kin "Hanggat may pasensya ako.. Pag papasensyahan ko'to pero kapag napuno ako nito.. Makakalimutan kong kailangan syang galangin" sabi ko kay mia "I'm talking to you Commander.." mataray na sabi ni sergeant major winslet kaya sumulyap ako sakanya pero laking gulat ko nang inangat nya ang kamay nya at itinapon sa basurahan ang mga gamot ko 'Talagang pinupuno ako ng siraulonh to.. ' "Omygoshh! That's Commander Chloe's medicines, why did you discard it?" gulat na usal ni mia kaya napangisi si sergeant major winslet "I know.. That's why i discarded it, such waste isn't allowed here.." maarteng sabi nya at kunyari pang pinagpag ang kamay "If garbage is banned here then why are you still here Sergeant Major Winslet?" sarkastikong tanong ko kaya napamaang sya "How dare you say that to me?! You have no respect!" sigaw nya kaya napangisi ako "You shouldn't be respected.. You wanna know why? Because of your damn bad behavior!" seryosong usal ko sakanya kaya namilog ang mga mata nya at malakas akong tinulak kaya inalalayan ako ni mia "Commander.. Wag mo ng patulan parang awa mo na.. Ikaw ang mapapasama nyan sa ginagawa mo" bulong sa'kin ni mia "Maikli na lang ang pasensya ko.. Ipanalangin mo na wag tong masagad dahil baka wala pang gera ipapalibing na'to.. " bulong ko pa kay mia "Isara mo na ang locker mo at umalis na tayo.. Ite-train mo pa ang ibang sundalo" sabi nya kaya bumuga ako ng hangin at inis na sumulyap kay sergeant major winslet "I don't want to fight with you.. I have many things to do.." sabi ko at ini-lock ang locker ko at nag lakad na kami ni mia pero bago pa ako makaalis ng tuluyan ay nag salita sya "Thanks for the very nice bracelet.." automatic akong napalingon sakanya nang sabihin nya yun at laking gulat ko nang makita kong hawak hawak na nya ang bracelet na ibinigay sa'kin ni damon "Give me back my bracelet.." seryosong sabi ko pero napangisi sya at kunyaring pinag mamasdan ang bracelet "I hold it.. So it should be mine" sabi nya kaya inis akong lumapit at kukunin sana sakanya yun nang inilayo nya "Give it back to me.." usal ko at ramdam ko na ang paubos na pasensya ko 'Konting konti na lang winslet!' "You're so selfish.. It's just a bracelet, Commader chloe" maarteng sabi nya kaya saglit pa akong napapikit at bumuga ng hangin "That bracelet is so important to me.. So please give it back to me" pilit kong binababa ang tono ng boses ko kaya natawa sya at ganun na rin ang mga kasama nya "That's good!" sabi nya at halos maguho ang mundo ko nang bigla nyang pigtasin ang bracelet kaya naputol yun at nasilayan ko ang pag kahiwa hiwalay ng mga maliliit na heart sa bracelet na yun 'No... No.. No!!' "That was the very first thing, that very special person gave me.." usal ko habang nakatingin sa bracelet na nag kahiwa hiwalay sa lapag "Clean up your mess tsk!" mataray na sabi nya at binangga pa muna ako bago tuluyang umalis 'Sirang sira na ang bracelet na pinag kaingat ingatan ko.. ' "Commander.. " usal ni mia pero hindi ko sya pinansin at dahan dahang umupo para pulutin ang mga putol putol na bracelet, tinulungan pa ako ni mia na pulutin yun tyaka ko inilagay sa isang maliit na lalagyan "Si damon ang nag bigay nito.. Ito ang kauna unahang bagay na ibinigay nya sa'kin" usal ko at inilagay sa locker ko "Napaka walangya talaga nung bruha na yun! Tsk! Kung hindi lang sya anak ni General baka binangasan ko na sya e" inis na sabi ni mia kaya malakas kong naisara ang locker ko dahil sa galit "Punong puno na ako.. Ubos na ubos na ang pasensya ko.." nakayukong usal ko at malakas na hinampas ang locker ko tyaka ako nag lakad palabas "Commander!" habol sa'kin ni mia, dumeretsyo na kami sa labas at mga nakapila na ang mga soldiers don kaya pumila na din si mia "1000 push up! 500stop!" maotoridad na sigaw ko Dumapa na silang lahat at nag simulang mag push up, lahat sila ay nag bibilang kaya tumayo lang ako ng seryoso sa harap nila.. Bago ako napunta sa posisyon ko ay sobrang hirap ng napag daanan ko, sa training pa lang ay halos mamatay na ako sa pagod dahil bukod sa mahihirap na training ay madalas na kulang sa tulog.. Medyo lumaki ang katawan ko dahil sa mga training dito pero ang masama lang ay parang lumalala ang sakit ko.. "Commander chloe.. " kusang napapikit ang mata ko nang marining ko na naman ang boses nya "1000 push up.. No stop" maangas na usal nya kaya tinignan ko sya "This is none of your business Sergeant Major Winslet.." sarkastikong usal ko kaya napangisi sya "You want to show them how rude you are and disrespectful to your senior huh! Commander Chloe?" sarkastiko din nyang tanong kaya napangisi ako "Nope.. I want them to know your dark behavior" sabi ko at nakita kong galit na galit na ang ugat nya sa leeg kaya lumapit sya at kita sa mga mata nya ang galit.. Malakas nya akong tinulak ng paulit ulit kaya napapatras ako "My patience is running out! My anger is enough to fight you!" sigaw nya at sa kalagitnaan ng pag tulak nya sa'kin ay nanuot na ang galit at inis sa sistema ko kaya pabalang kong hinawakan ang kamay nyang tumutulak sa'kin "You don't deserve to be respected, You don't deserve to be treated well.. And you don't deserve to be a Sergeant Major of the army" seryosong sabi ko at malakas syang tinulak kaya napa upo sya sa lapag "I don't respect those who don't respect me.." dagdag ko pa pero bigla syang tumayo at agad na dumapo ang kamao nya sa muka ko kaya naman napabalikwas ang ulo dahil sa malakas na pwersang binitawan nya 'Damn it!' "Be sure to taste your words before you spit them out!" gigil na sigaw nya at napansin kong lahat ng soldiers ay nakatingin na sa'min pero nawala ang iniisip ko na yun nang itayo nya ako habang hila hila ang kwelyo ko at medyo nabigla ako nang suntukin nya ulit ako kaya bumagsak na naman ako sa sahig at napadura ng dugo. Kinapa ko ang gilid ng labi ko at medyo napangiwi sa hapdi 'Sobra na ang lag titimpi ko.. ' "If you have a problem with me, call me.. If you don't have my number, that means you don't know me enough to have a problem!" kita ko ang galit na galit na ugat sa gilid ng leeg nya kaya dahan dahan akong tumayo at tumingin ng deretsyi sakanya "You don't like me?" sarkastikong tanong ko "F*ck that's it! That's what I'm talking about!" ngingisi ngising sigaw nya kaya napatingala ako at bumungisngis tyaka ako tumingin sakanya "You don't like.. I know.. " usal ko at dahan dahang nawala ang ngiti sa labi ko. Naibaba ko pa saglit ang tingin ko pero sa galit na nararamdaman ko ay hindi ko na napigilang idapo ang kamao ko sa muka nya at kasunod non ang malakas na pag bagsak nya sa sahig "F*ck!" singhal nya at pinahid ang dugo sa labi nyang pumutok dahil sa lakas ng impact ng pag kakasuntok ko "If you don't like me.. Take a map, Get a car and go to hell! Have a safe trip.." seryosong sabi ko sakanya pero tanging tingin ng masama ang iginanti nya "People like you are the reason we have a middle fingers" sarkastikong usal ko at kasunod non ang pag dating ni General "What's going on here?!" galit na tanong ni General at nag palipat lipat ang tingin nya sa'min ng anak nya pero hindi kami sumagot "Don't act like a child!" dagdag pa nya kaya napatingin ako sa baba 'Peste!' "I'm sorry General.. " seryosong sabi ko "Follow me!" sigaw pa nya at nauna ng mag lakad kaya napasulyap ako sa espasol nyang anak na ang sama sama ng tingin sa'kin pero nilagpasan ko lang sya at sumunod na kay General. Nag taka ako dahil dinala kami ni General sa g*n training bay area at agad kaming hinagisan parehas ng bullet proof vest kaya nag taka ako "Wear it!" maotoridad na sigaw nya kaya wala na kaming nagawa ni sergeant major winslet at agad na sinoot ang vest. Pinapwesto kami sa mag kabilang gilid ng lamesa at nilapagan ng tig isang walther pps m2 g*n at kalas kalas yun kaya mukang alam ko na ang gagawin 'Hayst! Nakakainis naman!' "Fix it! Then get the g*n ready and shoot at the vest immediately! Understand?!" sigaw nya kaya nag katinginan kami ni sergeant major winslet "Yes General!" sabay na sigaw namin ni sergeant major winslet 'Sir yes sir!' "Ready.. Set.. Go!" pag ka sabi ni general ay agad kaming nag simulang buuin ang b***l Nakita ko kung gaano sya kabilis kaya mas binilisan ko ang pag buo pero nagulat ako nang matapos sya at itinutok sa vest ko kaya medyo napapikit ako pero agad akong napatingin sakanya dahil hindi yun pumuntok kaya napangisi ako 'Boplaks tsk! Uso ang ikakasa muna bago itututok' Kinasan ko ang b***l na hawak ko at agad na itinutok sa vest nya tyaka ko yun pinutok kaya napahiga sya sa sahig dahil sa impact ng bala.. Lumapit ako sakanya at inabot ang kamay ko "Better luck next time sergeant major winslet.." nakangising usal ko kaya inis syang tumayo at hindi tinanggap ang kamay ko Nang matapos yon ay sinermunan muna kami ni General bago ako pinabalik para sa training.. Inabot na kami ng gabi kaya pag tapos namin kumain ay agad kaming dumeretsyo sa quarters para mag palit ng uniform at nag sulat na rin kami ng last will and testament dahil walang kasiguraduhan kung makakabalik pa kami ng buhay.. Pero syempre in case lang yun at ang lahat ay required na sumulat non.. Gabi na at ngayon ang byahe namin papunta sa lugar kung saan itinatago ng mga russia ang kindnap nilang mga bata lalong lalo na ang anak ng president.. Pero bago pa ako lumabas ay kinuha ko ang lalagyan kung saan nakalagay ang bracelet na putol putol at pinag masdan yun "Bakit parang pati yung bracelet ayaw na tayong mabuo.." usal ko at napangiti ng mapait. Kinuha ko ang phone ko at binuksan yun.. Wala paring signal dahil ang gamit kong number ay sa Pilipinas pa.. Hinanap ko ang picture ni damon at pinag masdan yun.. "Kung nasaan ka man ngayon.. Gusto kong isipin mong mahal kita.. At sana.. Sana masaya ka nga, dahil ayokong maranasan mo ang sakit na nararamdaman ko ngayon.." usal ko habang nakatingin sa picture nya at doon ko lang namalayan na tumulo na ang luha ko 'Bumalik kana goku please.. Gusto ko ng maramdaman yung init ng yakap mo.. Yung mararamdaman kong ligtas ako.. Please.. ' To be Continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD