Chloe's POV;
Nang matapos akong mag sintas ng military tactical boots ay tumayo ako at humarap sa salamin tyaka ako nag pakawala ng hangin
'I'm going back to the hell.. Tsk!'
"Anak.. " napasulyap ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni mommy. Pumasok silang apat at napaka lungkot ng muka nila
"Babalik naman po ako.. Mabilis lang ako don" sabi ko at nakita kong maluha luha pa si mommy
"Hindi mo pa rin maaalis sa'min ang pag aalala anak.. That's a war fighting .. " maluha luhang usal ni mommy kaya lumapit ako sakanila
"That's my job as an army.." usal ko at tumingin sakanila "I'll be back soon.. Mabilis lang to" dagdag ko pa
"Maco-contact kaba namin sa phone mo kung gusto ka namin makausap?" pag aalalang tanong ni mamu kaya lumuhod ako sa harap nya para mag pantay kami dahil naka wheel chair sya
Umiling ako at ngumiti "Kailangan ko pong iwan sa locker ang hindi kailangan sa gera.. Tyaka wag po kayong mag alala isa akong CSM kaya hindi ako yung katulad ng natural na army na nakikipag patayan.." pag papagaan ko ng loob nila
"Pero kahit bali-baliktarin ang mundo delikado pa rin ang base nyo.. Katulad nung nangyari sainyo sa last mission, sumabog ang base nyo at namatay pa ang sinasabi mong kaibigan mo dun.. " sabi ni dad kaya napaiwas ako ng tingin at dahan dahan na tumayo
'Hindi ko makakalimutan si sergeant kang.. '
"I need to go.. Inaantay na ako ng military chopper" sabi ko at humarap kay mamu "Babalik po ako, anong gusto nyong iuwi ko sainyo?" tanong ko kaya ngumiti sya at hinawakan ang pisngi ko
"Isang pirasong rose apo.. Yun lang ang gusto ko" sabi nya kaya tumango ako at humarap kay mommy
"Uuwi ako agad after ng mission.." sabi ko at sinukbit na ang bag pack
"Ayokong may kahit isang katiting na sugat sa katawan mo pag balik mo dito.. Understand?" sabi ni clyde kaya pabiro akong sumaludo
"Ikaw ng bahala dito.." sabi ko at tumango sya
"Nasaan ng pala ang chopper?" tanong pa nya
"Sigurado akong nasa taas ng building yun.." nakangising sabi ko at bumuntong hininga "Mauuna napo ako.. Kapag may pag kakataon heheramin ko ang telephone don para matawagan ko kayo.. " sabi ko, lumapit si daddy tyaka nya ako niyakap
"Nilagay ko sa bag mo ang mga meds mo. Wag mong kakalimutan yan" sabi nya kaya natawa ako
"Saan ka nakakita ng isang CSM na nag i-inhaler sa gitna ng gera?" iiling iling na biro ko kaya natawa sila
"Sige na.. Ihahatid na kita don at mukang kanina kapa inaantay, masyado kang pa vip. Dinaig mo pa ang general" sabi ni clyde kaya natawa kami
Nag paalam na ako kila mommy, daddy at mamu tyaka kami agad na umalis ni clyde.. Natunton agad namin kung saan ang chopper at nasa rooftop yun ng building kaya pag baba ko ay sinamahan pa ako ni clyde paakyat.. Pag karating namin sa rooftop ay nag taka ako dahil nandoon ang mga kaibigan ko kasama na rin sila damon at nandun din si eun woo kaya lumapit muna ako sakanila
"Cool.." usal ni zeke habang nakatingin sa military suit na soot ko
"Talaga bang aalis kana?" malungkot na tanong ni angel kaya tumango ako
"Babalik ako agad kapag natapos ang mission.. Mag iingat kayo dito" sabi ko at ngumiti sila pero napansin kong nakakunot ang noo ni damon na nakatingin sa'kin
"Mag iingat ka dun chloe.. Sabihan mo kami agad kapag nakauwi kana. Hindi mo ba kami mag co-contact don?" tanong ni mads kaya umiling ako
"Bawal ang kahit anong gadgets dun depende na lang kung related sa mission na gagawin.. " sabi ko at parang nalungkot pa sya
"Chloe.. " nabaling ang atensyon ko kay eun woo
"Take care.. " usal ko at napangisi sya
"Ako dapat ang nag sasabi sayo nyan.." sabi nya kaya napangiti ako "Take care.. I'll miss you" sabi nya kaya lumapit ako sakanya at yumakap tyaka ko marahan na tinapik ang likod nya
"Kaya ko ang sarili ko.. Wag ka mag alala" pag kukumbinsi ko at naramdaman ko ang pag higpit nya ng yakap
"If i could.. I would stick with you 24/7 to take care of you.. But, but you know it's kinda tough so take a good care of yourself.. And be safe" bulong ni eun woo kaya napangiti ako at humiwalay sa pag kakayakap sakanya tyaka ako tumingin sakanilang lahat
"I'll stay safe.. I'll stay alive, I'll come back soon.. I promise" nakangiting sabi ko at nabaling ang atensyon ko kay sergeant ace dahil lumapit sya at sumaludo muna bago nag salita
"We need to go, Commander" sabi nya kaya sumulyap pa muna ako sa mga kasama ko at ngumiti tyako ako nag lakad papunta sa chopper
Pag pasok ko don ay binaba ko ang bag at agad na sinuot ang seat belt, bago pa tuluyan na paliparin ang chopper ay sumulyap ako sa bintana at agad na tumama ang paningin ko kay damon na nakatitig sa'kin kaya ngumiti ako
'I'll come back.. '
Naramdaman ko na ang pag angat namin kaya ibinaling ko na sa iba ang paningin ko dahil nga sa fear of heights ko.. At sa phobia na rin dahil sa nangyari sa'kin dahil sa BH. Inabot sa'kin ni sergeant ace ang combat radio at ang invisio headset.. Sinalpak ko agad ang invisio headset sa tenga ko at inilagay ang combat radio sa bulsa kung saan talaga yun nakalagay, rinig ko ang pag ugong ng radio kaya kinuha ko yun at pinindot
"This is Commander Sergeant Major Chloe.. And I'm on my way" usal ko sa radio at binalik yun sa bulsa ko tyaka ko ipinikit ang mata ko at agad na dinapuan ng antok..
-----------
Naidilat ko ang mata ko dahil sa ingay ng mga helicopter at sasakyan. Nakita kong kakalapag lang namin kaya kinuha ko ang bag ko at inayos tank army cap na nakasuot sa ulo ko tyaka ako bumaba ng chopper.. Agad akong sinaluduhan ng mga mababang ranggo kaya nag tuloy tuloy na ako kung saan ang locker ko para ibaba ang gamit ko.. Pag karating ko dun ay naabutan ko si sergeant mia at dahil parehas kaming Pilipino ay sya ang nakakausap ko madalas dito.. Pinapayagan ko din syang hindi na gumalang sa posisyon ko dahil minsan ay naiirita na rin ako sa pagiging magalang ng mga nakakababang ranggo sa'kin..
"Commander!" saludo ni sergeant mia kaya sumaludo din ang ibang nandon kaya wala na akong nagawa kundi sumaludo kahit pagod na ang kamay ko
Nilagay ko na sa locker ko ang mga gamit na dinala ko.. Tinignan ko ang phone ko at no signal na yun kaya inoff ko na lang.. Pag katapos kong ilagay ang mga gamit ko ay nakita ko ang bracelet sa kamay ko kaya tinggal ko yun at inilagay sa bulsa ng bag ko tyaka ko sinara ang locker
"Nakakapagod ba ang byahe?" tanong ni mia kaya nailibot ko ang paningin ko at wala ng ibang soldier kaya nag unat ako ng katawan
"Sobra.. Biglaan naman kasi yang operation na yan tsk!" sabi ko at umupo sa harap nya
"Kaya nga e.. Inaalagaan ko pa yung anak ko tapos may nakarating na sulat sa'kin.." parang nanghihinayang na sabi nya kaya napabuntong hininga ako "Eh! Kamusta naman ba ang lagay mo nung umuwi ka sa Pilipinas?" tanong pa nya
"Ang daming nangyari.. Hindi ko na kayang ikwento.. " sabi ko at sinandal ang ulo ko tyaka ako pumikit
"Eh! Kamusta ang jowakels mong binalikan mo dun?" tanong nya kaya kusa akong napangisi ng sarkastiko
"Tsk! May girlfriend e olats! Pero hindi ako tumitigil.. " sabi ko at rinig ko ang pag tawa nya
"Alam mo girl bata kapa.. Marami ka pang makikilala jan hayaan mo na yung ex mo masaya naman na siguro yun.." sabi nya kaya nawala ang ngiti sa labi ko
'Masaya na nga ba sya?'
"Bahala na.. " usal ko at rinig ko ang lag ngisi nya
"Ano mag papaka tanga ka dun? Alam mo commader masasayang yang beauty mo kung ganun lang din ang gagawin mo.. " sabi nya kaya napailing ako
"Wag na natin pag usapan.." sabi ko at inagaw ang tubig nya tyaka ko ininom "May balak na nga pala akong mag resign--"
"Ano?! Resign?" gulat nyang tanong kaya medyo tinakpan ko ang tenga ko sa pag sigaw nya at tumingin ng masama sakanya "S--sorry commander.. Nagulat lang ako" sabi nya
"Mapapaaga ang buhay ko sa military.. " seryosong sabi ko
"Ganun naman talaga dito.. Sugalan ng buhay" sabi pa nya
"Nandun na ako.. Pero kasi may sakit ako" usal ko at tumingin sakanya "Mahina ang puso ko.." dagdag ko pa at nagulat sya
"Eh! Bakit ka pumasok sa military kung ganon?" tanong nya pero nag kibit balikat lang ako
"Para sa experience lang siguro.." sabi ko at parang hindi sya makapaniwala
"Experience? So hindi ko to pinangarap?" tanong nya kaya natatawa akong umiling
"Marami akong gusto.. Kasama na rin tong pagiging military pero.. Nitong mga nakaraan lang napag isip isip kong ipahinga naman yung sarili ko.. " sabi ko at parang nalungkot sya
"Bukod sa nanghihinayang ako sa ranggo mo nanghihinayang din ako sa pagod na ibinuhos mo" sabi nya kaya ngumiti ako
"I did enough as a CSM.." usal ko
"Alam mo bang sa tinagal ko dito sa military ikaw pa lang ang nakilala kong agad na ginawang CSM?" parang hangang hangang usal nya kaya natawa ako
"Ewan ko ba sa panot na General natin.." pag bibiro ko at parehas kaming natawa
"Napapansin ko nga nagiging favorite ka nun e.." sabi nya kaya naitaas ko ang kilay ko
"Bakit naman?"
"Dapat simpleng soldier ka lang pero inakyat ka agad ni General.. Natatandaan mo pa ba yung laging sinasabi sayo ni General?" natatawang tanong nya kaya natawa ako
"You did a great job!" sabay na sabi namin at natawa sa mga kalokohan
"Tsk! Kaya galit na galit sa'kin yung espasol na anak nya.. " napapailing na sabi ko
"Suss.. Insecure kasi sayo yun, ni hindi ko pa nga ata naririnig na sinabihan sya ni General ng mga papuri" sabi pa ni mia
"Bawat kilos ko parang laging mali para sakanya.. " usal ko pa
"Kahit mataas ang ranggo nya kesa sayo, mahahalata naman ng lahat na mas pinag kakatiwalaan ka ni General" seryoso pang sabi nya kaya napangisi ako
"Sino ba naman kasing pag kakatiwalaan yung anak nya.. Mabalitaan mo ba naman na yung anak mo e pinasabog ang dating military base, tapos ang idadahilan hindi nya namalayan na natanggal nya yung safety clip tsk! Kundi ba naman boplaks e" inis na kwento ko at tawa naman ng tawa si mia
"Tinuringang Sergeant Major of the Army, pag hawak lang ng grenade naaaksidente pa" natatawang sabi nya kaya natawa na rin ako
"Ewan ko ba tsk! Pustahan tayo mangi-ngialam na naman sa'kin yun sa mission center.. Kapag talaga pumalya yung plano ng operation nato dahil sakanya, sya papasabugin ko" pag bibiro ko at mas lalong natawa si mia
'Kahit kelan talaga napaka babaw ng kaligayan nito'
Pero natigil kami nang tumunog ang tactical radio ko kaya napasulyap ako don
"This is General.. Come to my office now" rinig kong boses ni general kaya napabuga ako ng hangin
"Speaking of panot na General na may anak na espasol.. Pinapatawag kana.. Asahan mong nandon lahat" sabi nya at nag taas baba pa ng kilay kaya napabuntong hininga ako
"Hayyy!! Nako naman!" sabi ko at walang ganang tumayo at sinuot ang cap ko tyaka ako lumabas
At katulad nga ng laging nangyayari ang mga mababang ranggo ay mga sumasaludo sa'kin kapag nadadaanan ko sila kaya tinatanguan ko na lang.. Nang makarating ako sa pintuan ng office ni General ay huminga muna ako ng malalim bago ako kumatok at agad na pumasok
"Salute!" usal ko at sumaludo sakanila.. At nang sumaludo sila ay pumwesto ako sa harap ni General at tumayo ng maayos at inilagay ang dalawang kamay sa likod habang ang mga paa ko ay medyo naka buka
"I'm glad to see you again Commander Chloe.. " usal ni General kaya seryoso akong tumingin sakanya
'Tsk! Nasusuklam talaga ako'
"I'm glad to see you too General.." pormal na sabi ko at nasilayan ko ang pag ngiti nya
"We only have one day before the operation.. And i want you to train the soldier and take a good care of them.. I want the preparations to go well Commander chloe.. I give you this responsibility because you're one of those i trust, and i know you can" sabi ni General pero naagaw ng pansin ko ang pag singhal ng sarkastiko ni Sergeant Major Winslet
'Tsk! Sya ang kaisa isang babaeng gustong gusto kong pasabugin ang muka'
"I accept your command, General.." usal ko at binaling ulit ang tingin kay General "I'll never disappoint you and thank you for trusting me.." dagdag ko pa
"You have never failed to impress me.. " nakangiting usal pa ni General at ganun na rin ang iba pang General officer
Si General Wesley ang pinaka mataas ang ranggo sa General officer dahil sya ang General of the army sumunod don sila General Leo, Lieutenant General JR, Major General Hugo,Brigadier General Ryker.. At marami pang iba. Samantalang sa 12 Enlisted Ranks, pangalawa sa mataas na ranggo ang posisyon ko dahil ang mas mataas sa'kin ay isang Sergeant Major of the army at yun ay ang anak ni General Wesley na si Sergeant Major Winslet.. Ang mga sumunod sa'kin na ranggo ay ang Master Sergeant(MSG), First Sergeant(1SG), Master Sergeant(MSG), Sergeant First Class(SFC), Staff Sergeant(SSG), Sergeant(SGT), Corporal(CPL), Specialist(SPC), Private First Class(PFC), Private(PV2).. Yan muna dapat ang dadaanan kong ranggo pero agad akong inilagay ni General sa pangalawa sa mataas ng Enlisted Ranks..
"I see, you have to take a rest, because you have been traveling for so long.." nabaling ang atensyon ko kay Major General Hugo nang sabihin nya yun
"Thanks for the concern Major General Hugo.. I will go now.. " sabi ko at sumaludo muna sakanilang lahat tyaka ako tuluyang lumabas
Pero sa ginta ng pag lalakad ko ay napansin kong may sumusunod sa'kin kaya napangisi ako at tumigil sa pag lalakad tyaka ako tumingin sa likod ko, mas lumawak ang ngisi ko dahil hindi ako nag kakamali
"Commander Sergeant Major Chloe.. You're back.." sarkastikong sabi nya kaya ngumiti ako ng may pag ka plastic
"Of course I'll be back.. Because General Wesley trusted me more than his own daughter.." sarkastiko ko din na sagot at nakita ko ang pag galaw ng panga nya
"You're so impressed with yourself, everyone knows that i'm better than you.." mataray na sabi nya kaua natatawa akong naikot ang mata
"Pinasabog mo nga yung military base better kapa sa lagay na yan? Engot ka pala e.. " sarkastikong sabi ko pero kumunot ang noo nya
"I don't understand you!" inis na singhal nya
"I thought you were better than me?" agad na kumpronta ko sakanya kaya natahimik sya
'Tsk! Kakana kana bulok din naman hayy nako!'
"My rank is higher than you so you have to respect me Commander Chloe!" inis na sabi nya pero pilit nyang hinihinaan ang boses kahit na halos pumutok na ang ugat nya sa leeg
Ngumiti ako at nag bow sakanya at saka ako napangisi sa reaction nya "I respect you Sergeant Major Winslet.. Have a good rest and I'll go now.. " nakangising sabi ko at tuluyan na syang tinalikuran
Napapailing ako na bumalik sa locker tyaka ako nag palit ng damit.. Kinuha ko ang gamot na nilagay ni dad sa bulsa ng bag ko tyaka ko yun ininom at agad na dumeretsyo sa quarters at hinanap ang higaan ko nang mahanap ko yun ay agad akong huminga don.. Mga tulog na ang iba sakanila, pero patulog na sana ako nang may kumalabit sa'kin kaya tumingin ako don
"Oh?" tanong ko kay mia
"Anong sinabi sayo ni General?" tanong ni mia kaya napangisi na naman ako
"Ako ang mag te-train sainyo hahaha.. Humanda kana" sabi ko at pumalakpak sya ng mahina
"Parang awa mo na kahit 500 push up na lang ang gawin mo sa'min" sabi nya pero umiling ako
"Sa'kin nga 2k push up ang ginagawa ko.. Unfair ka ah" pag bibiro ko pero nginiwian nya lang ako
"Tsk! Wag na nga.. Eh! Nag kita ba kayo ng espasol na anak ni General?" tanong nya kaya tumango ako "Ano nangyari?" dagdag pa nya
"Ayun nag magaling na naman.. Barado naman" sabi ko at natawa sya
"Talo sya sa mga Pilipina kapag nakikipag kompronta tsk!" sabi nya kaya napailing ako
"Matulog na tayo.. Maaga pa training bukas tsk! Kaya ayokong babalik dito e" sabi ko at agad na niyakap ang unan ko at nag kumot
"Goodnight!" rinig kong sabi ni mia
"Goodnight.. " pahina ng pahinang sabi ko
Bago ako tuluyang makatulog ay pumasok sa isip ko si damon kaya nakaramdam na naman ako ng lungkot..
'Hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin ko..'