CHAPTER 20: Goku and Vegeta

4358 Words
Chloe's POV; Dahan dahan kong naimulat ang mata ko at nasisigurado kong nasa kwarto na ako pero inilibot ko pa rin ang paningin ko hanggang sa napansin kong may nakalagay sa ilong ko kaya tinignan ko yun.. 'Oxygen? Bakit ako may ganto?' Napansin ko din na may tangke ng oxygen sa gilid ng kama ko kaya sinara ko yun at tinanggal ang oxygen na nakalagay sa ilong ko at dahan dahan akong tumayo pero agad akong napahawak sa gilid dahil naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko pero pinilit ko pa rin na tumayo tyaka ako lumabas 'Nasaan ang mga tao dito?' Pag baba ko ay narinig ko ang ingay sa garden kaya dahan dahan akong nag lakad papunta don at naabutan ko sila na nasa garden pero nag taka ako dahil umiiyak si mommy "Mom.. " usal ko kaya sabay sabay silang napatingin sa gawi ko tyaka lumapit sa'kin si clyde para alalayan ako "How's your feeling anak?" tanong ni mommy habang nag pupunas ng luha "I'm okay.. What's wrong?" pag tataka ko pero mas mabilis na tumulo ang mga luha nya pero umiling sya "Namimiss ko lang ang papu mo.. Wala bang masakit sayo?" tanong pa ulit nya pero umiling ako "Ngayon.. Kailangan mong uminom ng mga inireseta na gamot sayo pati na rin yung inhaler mo" sabi ni dad kaya kumunot ang noo ko "Dad hindi ko kaila--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang ilapag nya sa lamesa ang isang maliit na plastic at nakita kong gamot na ang laman nun "Anak makinig ka sa'kin.. Iinumin mo yan sa ayaw at sa gusto mo dahil yan ang makakapag palakas sayo" sabi ni daddy kaya inis akong umiwas ng tingin "Dad kaya ko naman e.. Ayokong masanay sa gamot" sabi ko at sa puntong yun si mamu na ang nag salita "Apo.. Makinig ka sa daddy mo dahil yan ang makakabuti sayo, at isa pa mas makakapag palakas sa puso mo yan.. " rinig kong sabi ni mamu kaya mas lalong kumunot ang noo ko 'Ano bang nangyayari dito? Bakit parang iba ang kinikilos nila?' "Chloe.. Sumunod kana lang please" usal ni clyde kaya napa buntong hininga ako "Bakit may oxygen sa kwarto ko?" seryosong tanong ko at tumingin sakanila "May nebulizer ako at hindi ko na kailangan ng oxygen" dagdag ko pa "Mas makakabuti sayo yun anak.." sabi ni mom kaya sarkastiko akong napaiwas "Ano ba talagang nangyayari dito? Hindi ko na kayo maintindihan.. " sabi ko at napahawak na sa sentido ko "Excuse me ma'am, sir.. May bisita po" sabi ng katulong kaya napatingin kami sa dumating at parang doon ako nag karoon ng panatag na loob "Eun woo.." usal ni clyde "Pwede ko po bang isama si chloe? Wag po kayong mag alala iuuwi ko din po sya agad.. " sabi ni eun woo at nag mano pa kay mamu "Sige.. Libangin mo muna sya" sabi ni dad kaya wala akong paalam na tumayo at agad na pumasok sa loob, naramdaman ko pa ang pag sunod ni eun woo kaya hinayaan ko na lang "Kamusta pakiramdam mo?" tanong nya nang makapasok kami sa kwarto ko.. Umupo muna ako sa kama ko at kumuha sya ng upuan at umupo sa harap ko "Bakit parang ang weird nilang lahat.. Kung makapag paalala sila parang mamamatay na ako.." sabi ko at sumulyap pa sa oxygen na nasa tabi ng kama ko "Isa pa yan.. Alam mo bang ayokong ginagamot ako?" sarkastikong sabi ko at napailing "Pakiramdam ko napaka hina ng katawan ko.. Pakiramdam ko sa gamot na lang ako umaasa" dagdag ko pa "Malakas ka.. Pero yung puso mo hindi, chloe walang masama kung susunod ka sa mga sinasabi nila dahil sa ikabubuti mo din yun.. Sana maintindihan mo" sabi ni eun woo kaya napatingin ako sakanya dahil hinawakan nya ang kamay ko "You're the strongest woman I have ever met jane.." dagdag pa nya kaya huminga ako ng malalim "Okay.. Payag na ako sa gamutan na yan" sabi ko at tumayo "Dami mong arte.. " usal ko pa at napangisi sya "Gusto mo pa kasi yung nag mamala kdrama yung sitwasyon natin bago kapa pumayag tsk!" sabi nya kaya parehas kaming natawa "Mag apply kana biglang artista sa korea.." natatawang sabi ko at kinuha ang tuwalya, bago pa ako pumasok sa cr ay sumulyap pa muna ako sakanya "Kaso wag na lang.. Baka hindi ka tanggapin" sabi ko at tuluyan ng pumasok, rinig ko pa ang pang aasar nya pero hindi ko na yun pinansin Ginawa ko na ang routine ko at nag soot ako ng short pero hanggang tuhod ang haba kaya ayos lang.. Pag tapos kong gawin lahat ay agad kaming umalis, hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hinayaan ko na lang sya.. Tinignan ko ang phone ko pero nanlaki ang mata ko dahil naalala ko ang trial court nung monday at wednesday na ngayon "T--teka.. Ano nga pa lang nangyari after ng trial court?" tanong ko "Nahimatay ka.." usal nya habang nasa daan ang tingin "Bakit?" nag tatakang tanong ko "Tsk! Ako tinatanong mo e ikaw tong nararamdaman yung sakit.." sabi nya kaya nun ko lang naalala na nahirapan nga pala akong huminga nun "Dinala nyo ako sa ospital?" tanong ko "Syempre.. Saan mo gusto sa dentist?" sarkastikong tanong nya kaya sininghalan ko sya "Hindi.. Sa albolaryo sana baka kasi kinulam mo na ako" inis na sabi ko at rinig ko pa ang pag ngisi nya "Pero seryoso.. Ang galing mo nung araw na yun.. " sabi nya at napangiti "Pinahanga mo kaming lahat" dagdag pa nya kaya napatingin ako sa bintana at ngumiti "Masaya ako.. Dahil sigurado ako okay na yung mga kaibigan ko.. Masaya na rin sila" sabi ko at napasandal "Eh.. Ikaw ba okay na? Masaya ka rin ba?" tanong nya pero dahan dahang nawala ang ngiti sa labi ko "Syempre naman.. " usal ko pero rinig ko ang pag ngisi nya "Bad liar.. " sabi nya kaya napangisi ako "Si tita kylah.. She already know that, right?" tanong pa nya kaya napa buntong hininga ako "Yup.. She saw him, and he's with veronica" sabi ko at hindi napigilang malungkot "Dumadating na lahat ng kinakatakutan ko.. " dagdag ko pa "Alam naba nila clyde at tito?" tanong nya kaya napailing ako "Of course not.. Edi sinugod na ngayon nila dad si damon" sarkastikong sabi ko "Hanggang kelan ka mag titiis.. Kinausap ako ng mommy mo na bantayan kita lalo na kapag malapit sayo si damon.." sabi nya kaya napatingin ako sakanya "Anong sabi sayo?" "Kasi masama sayo ang umiiyak ng sobra dahil mahihirapan kang makahinga.." sabi nya kaya umiwas na lang ako ng tingin "Usong mag pahinga chloe.. Lalo na kapag yung pinag lalaban mo e hindi naman na-appreciate ang effort mo" dagdag pa nya kaya naipikit ko ang mata ko "Kaya ko pa..." usal ko "Hanggang kailan" sarkastikong tanong nya "Mag iisang buwan simula nung umuwi ka dito.. Hindi kapa ba napapagod?" dagdag pa nya "Hindi pa.." tanging usal ko "Minsan isipin mo naman yung sarili mo at wag yung puro ibang tao.." sabi nya at ramdam ko sa boses nya ang pag kainis kaya pumikit na lang ako "Kaya ko pa.. Kaya wag muna natin pag usapan" usal ko at narinig ko na lang ang pag singhal nya Ilang minuto pa ang byahe at nakarating kami sa bahay nila angel kaya nag taka ako.. Naunang bumaba si eun woo tyaka nya ako pinag buksan ng pinto, pag baba ko ay iniharap ako ni eun woo sakanya "Gusto ka nila makasama.. Susunduin na lang kita dito mamaya.. Tawagan mo ako kapag may problema okay?" tanong nya kaya ngumiti ako at tumango "Take care.." sabi ko pa at agad na syang pumasok sa kotse nya at umalis na Pinag buksan ako ng guard at agad akong pumasok.. Nang makapasok ako sa loob ay naabutan ko sila lahat kaya nung nakita nila ako ay agad silang lumapit "Waaahhh!! Chloe! Namiss ka namin" sabi ni angel at yumakap pa sa'kin "Isang araw lang ako nawala.. " sabi ko at agad syang humiwalay sa pag kakayakap "Ang sabihin mo isang araw kang tulog.. Pinuntahan ka namin sainyo dahil alalang alala kami, naka oxygen kapa sa bahay nyo kaya lalo kaming nag alala" sabi ni angel at parang bata kung mag salita "Ano ba kasing nangyari sayo chloe? Nakakaloka ka bigla bigla ka na lang bumagsak dun.. " sabi ni mads kaya napahawak ako sa batok ko "Hindi ko din alam e.." sabi ko at naigawi ko ang tingin sa likod nila mads 'Si damon.. ' "Chloe.. "nabaling ang atensyon ko kay lucas nang tawagin nya ako "Ha?" "Thank you.. " usal nya at lahat sila ay nakangiting nakatingin sa'kin "Hindi naman aakalain na gagawin mo yun.." dagdag pa nya kaya ngumiti ako "Una pa lang naman nag dududa na ako kila ivy.. Sa picture pa lang na nakarating kila keila nakakapag taka na.. " sabi ko at nagulat ako dahil bigla akong inakbayan ni zeke "The best ka talaga bestfriend! Akala ko makukulong na talaga kami! " masayang sabi nya kaya natawa kami "Tsk! Nag pahalik ka sa leeg dun sa bruhang yun! Ako nga diko magawa sayo yun tapos sya.. Nako! Pag uuntugin ko kayo e! " pag tataray ni mads kaya nilapitan sya ni zeke at yumakap sa likod nya "Alam mo naman yung nangyari diba.. Sinalaysay na ni commander chloe" pag lalambing nya kay mads kaya natawa ako "Pero maraming maraming salamat talaga chloe.. Wala akong kaalam alam na gagawin mo yun" sabi naman ni andrew kaya napangisi ako "Kung hinayaan kong manalo sila ivy sa kaso na yan edi maagang nanganak yang si angel" natatawang sabi ko pero bigla na naman akong niyakap ni angel "Pinahanga mo kaming lahat.. " usal nya "Pero pag katapos non.. Pinakaba mo kaming lahat" dagdag pa ni keila "Wala ka bang iniindang sakit nung araw na yun?" tanong pa nya 'Mas mabuti ng wala silang alam sa sakit ko.. Hayss' "Nalipasan lang yata ako ng gutom dahil sinadya ko pa yung cctv footage sa hotel kung saan naganap yun.. " sabi ko at nabaling ulit ang atensyon kay damon na nasa kusina "Puntahan mo na.. " mahinang usal ni mads kaya napasulyap ako sakanya "Wala si veronica.. Sinadya talaga namin na tayong walo lang ang nandito.. Wala din ang parents ni angel" dagdag pa nya kaya napabuntong hininga ako "Hindi mo ba alam?" tanong ni andrew kaya napakunot ang noo ko "Na?" tanong ko "Si damon ang nag dala sayo sa ospital dahil yung sasakyan ni eun woo na flat ang gulong.. " sabi ni andrew kaya natigilan ako "Kahit ako nagulat.. Dahil buhat buhat kana ni eun woo tapos kinuha ka ni damon sakanya tyaka ka nya dinala sa ospital" dagdag pa ni angel kaya napasulyap ulit ako kay damon na naka apron at halatang nag hihiwa "Puntahan mo na.. Mag aayos lang kami ng kakainan natin sa garden" sabi pa ni mads kaya tumango ako at agad silang lumabas Huminga muna ako ng malalik tyaka ako nag lakad papunta sa kusina.. Napatigil pa ako nang bigla syang sumulyap sa'kin kaya doon ako biglang nakaramdam ng mabilis na pag t***k ng puso.. Inalis nya ang tingin sa'kin at nag patuloy sa pag hihiwa kaya lumapit ako at huminto sa harap nya tyaka ko pinanood ang ginagawa nya "Wala kang gagawin dito.. Sumama ka dun sakanila" usal nya kaya tumingin ako sakanya na pinag papatuloy pa rin ang ginagawa nya "Edi papanuorin na lang kita kung wala akong gagawin.. " sabi ko at parang natigilan pa sya "Tsk! Ano bang kailangan mo?" seryoso nyang tanong at tumingin sa'kin kaya ngumiti ako "Thank you.. " usal ko at biglang kumunot ang noo nya "For what?" "Dinala mo ako sa ospital.." usal ko at inis syang bumalik sa pag hihiwa "Kung hindi kita dinala edi konsensya ko pa tsk! Kaya wag mong bibigyan ng meaning" sabi nya kaya napangisi ako "Hanga ka nung araw na yun no?" nakangising tanong ko at napasinghal sya "Walang kahanga hanga sa ginawa mo kaya wag kang mayabang.. " sabi nya kahit na hindi nakatingin sa'kin "Goku.. " usal ko "Oh--" usal nya at natigilan at dahan dahan syang napasulyap sa'kin "Tsk! Wag mo akong tinatawag na goku nakakairita.. " singhal nya pero sa hindi ko malamang rason ay lumawak ang ngiti ko "Nakalunok ka na naman ng dragon ball.. Napaka sungit mo" sabi ko pero kumunot yung noo nya "Tigil mo nga yang pambubwisit mo.. Tsk! Hindi ka naman nakakatulong" singhal nya kaya tumayo ako at lumapit sakanya "Edi turuan mo ako mag hiwa.. " sabi ko at inilahad ang kamay ko para ibigay nya sa'kin yung kutsilyo "Tsk! Mahiwa pa yang daliri mo kasalanan ko pa.. " sabi nya kaya natawa ako "Bakit nag aalala ka?" nakangising tanong ko kaya inis nyang binigay sa'kin yung kutsilyo na hawak nya "Of course not tsk! Gayahin mo na lang yung ginawa ko" inis na sabi nya at lumapit dun sa kalan Sinimulat kong mag hiwa ng carrots at medyo nahirapan ako dahil hindi naman talaga ako marunong mag hiwa 'Tsk! Bakit ba nag prisinta pa ako ungas talaga' Pero sa kalagitnaan ng pag hihiwa ko ay hindi ko sinasadyang napaling ang pag hiwa ko at agad na dumapo ang kutsilyo sa daliri ko kaya nahiwa yun "Aghhh!!" daing ko at nakita kong dumugo ang daliri ko pero ang mas kinagulat ko ay biglang lumapit si damon at hinawakan ang kamay ko at tinignan ang daliri kong dumudugo "Tsk! Ang kulit mo kasi! Sabi ko wag ka ng mangialam" inis na sabi nya at hinila ako papunta sa lababo para hugasan yun kaya napatitig ako sakanya habang hinuhugasan nya yung daliri ko "Umupo kana nga lang dun vegeta--" natigilan sya nang sabihin nya yun kaya nakangiti ako habang napasulyap sya kaya binitawan nya ang kamay ko "Masusunod mahal na goku.. " pang aasar ko kaya inis syang binuksan ang cabinet at kinuha ang first aid kit, kinuha nya yung band aid at hinagis sa'kin kaya natawa ako "Dun kana nga! Pang g**o ka lang" pag susungit nya kaya nakangiti akong umupo malapit sa kusina 'Sa inaasta nya ngayon mas nabubuhayan ako dahil bumabalik yung dating goku na nakilala ko.. ' Nang matapos sya sa pag luluto ay nag tulong tulong kaming dalin yun sa garden at halos hapon na rin nang matapos syang mag luto kaya naman gutom na kami lahat.. Agad kaming nag simulang kumain at inaasahan ko naman na may wine at alak pero naalala ko yung mga pinaalala nila sakin about sa sakit ko kaya hanggang wine na lang muna ako.. "Ang sarap sa pakiramdam na okay na hayyy... " usal ni angel kaya napangiti kami "Halos mag iisang taon din yung pag hihiwa hiwalay natin.." sabi ni mads pero napaiwas ako ng tingin 'Sainyo mag iisang taon.. Sa'min halos limang taon' "Anyway.. Malapit na ang birthday ko gaganapin yun sa resort dapat nandoon kayong lahat" pag iiba ni amdrew "Hindi pa ako sure.. " usal ni damon habang umiinom ng wine kaya napatingin kami sakanya "Bakit na naman?!" sigaw ni zeke "May trabaho ako.. " usal nya "Tsk! Workaholic" singhal ni lucas "Isang beses lang sa isang taon ang birthday ko dre!" sabi ni andrew kaya tumingin sakanya ngs seryoso si damon "Wala naman akong sinabing dalawang beses ka nag bibirthday ah.. " pag susungit nya "Pupunta ka oh.. Susunduin kapa namin sa trabaho mo?" mapang asar na sabi ni zeke kaya inis syang tinignan ni damon pero bago pa sya mag salita ay lumapit ang katulong "Ma'am, Sir.. May nanggugulo po sa labas" sabi ng katulong kaya sabay sabay kaming pumunta sa gate at doon ko nakita si ivy "Pati ba naman dito nag s-skandalo ka?!" inis na sabi ni mads "Mga walangya kayong lahat! Sinusumpa kong hindi kayo magiging masaya!" parang nababaliw na sya sa inaasta nya "Tsk! Eh kung pangahan kaya kita?!" sabi ni mads pero pinigilan lang sya ni zeke "Ivy wag ka ng manggulo dito.. Masaya na kami.. Kaya tumigil kana" seryosong sabi ni zeke pero napangisi si ivy "Masaya? Tsk! Makikita nyo kung sino ang kinakalaban nyo.. " sabi nya at parang sinapian na sya ng demonyo sa inaasta nya "Umalis kana ivy.. Tigilan mo na kami!" sigaw ni angel kaya pinakalma sya ni andrew Bumalik ako sa garden at kinuha ang sobre sa bag na may laman yun na pera.. Yun yung ibinayad nya sa babae para lang pag takpan ang cctv footage, bumalik ako at naabutan kong nag wawala na si ivy "Ikaw!" baling nya sa'kin "Isa kapa! Alam mo bang surang sura na ako sayo?!" halos mag hingalo na sya habang sumisigaw kaya medyo lumapit ako sakanya "Alam mo rin bang wala akong pakialam sa nararamdaman mo?" sarkastikong tanong ko pero bigla nya akong sinugod at akmang sasampalin pero nasapo ko ang kamay nya "Winarningan na kita ivy.. At talagang pinaabot mo pa ng pangatlo? Ang tibay mo" sabi ko at malakas ko syang tinulak "Kapag babayaran mo ang kasungalingan mo dapat lalakihan mo.." sabi ko at hinagis sakanya ang sobre "Napaka walangya mo!" sigaw nya kaya ngumisi ako "Mas may iwawalangya pa ako kapag hindi kapa umalis dito.." seryosong sabi ko kaya inis syang tinignan kami isa isa "Hindi pa tayo tapos.. Makikita nyong lahat" sabi nya at tuluyan ng umalis Bumalik na kami sa garden at pinag patuloy ang pagkain.. Inabot na kami ng dilim sa pag kukwentuhan at nag decide sila na sa loob na namin yun ipag patuloy.. Nag labas na ng iba't ibang alak si lucas pero hindi ako uminom dahil iniintindi ko pa rin ang kalusugan ko.. Medyo na wirduhan pa ako sakanila dahil kinabit nila ang disco light at pinatay ang ilaw kaya ang disco light lang ang nag sisilbing ilaw namin tyaka sila nag patugtog  [My heart will go on] Sa kalagitnaan ng pag sasaya namin ay ginaya ni andrew si angel sa harap namin habang patuloy pa rin sa pag tugtog.. Isinayaw sayaw nya si angel at halatang masaya sila sa ginagawa nila kaya napasulyap ako kay damon na nakatingin lang din ng seryoso sakanila 'Damon kelan kaba babalik..' "Matagal tayong nag kahiwalay.. Pero sa huli alam kong babalik at dadating ang araw nato.. " nabaling ang atensyon namin kay andrew nang mag salita sya "Hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko kung wala ka.. I'm sorry dahil mas nauna si baby kesa sa kasal natin pero kahit ganon masaya ako.. " dagdag pa nya at kahit ako ay nabigla nang bigla syang lumuhod sa harap ni angel "Love.. " usal ni angel at parang naiiyak na "I love you.. And i always will.. I don't wanna lose you again.." usal nya at inilabas ang isang singsing kaya narinig na namin ang pag hikbi ni angel "I want to be with you for the rest of my life.." sabi nya at nakita ko ang pag kinang ng luha nya dahil sa disco light na tumataba don "Love.. Will you marry me?" usal nya at narinig ko ang pag hikbi ng nasa tabi ko kaya napasulyap ako kay madison "Nakakalokang eksena naman to.." sabi nya kaya napngisi ako "Syempre naman!" sabi ni angel kaya masayang isinuot ni andrew ang singsing at pinatakan pa nya ng halik si angel at agad na niyakap "Tara sayaw tayo.." rinig kong aya ni zeke kaya hinila nya sa harap namin si madison at isinayaw.. Kalaunan ay inaya din ni lucas si keila kaya pinag masdan ko silang masayang sumasayaw Parang noon lang wala kaming iniintindi kundi ang mga projects, assignments, exams.. Pero ngayon ikakasal na ang isa sa mga kaibigan ko.. Napaka bilis ng panahon at hindi ko na namamalayan na marami ng nag babago.. Pero nakaramdam ako ng lungkot dahil alam kong napaka tagal kong nawala.. Na dapat sa mga araw na wala ako ay kasama ko sila, lalong lalo na si damon.. Napasulyap ako sakanya na pinag mamasdan ang mga kaibigan namin na nag sasayaw kaya mas lalo akong nakaramdam ng lungkot at may kung anong kirot sa puso ko 'Dapat masaya rin tayo ngayon.. Pero dahil sa naging desisyon ko nasira ang lahat.. ' Mabilis akong napahawak sa dibdib ko dahil kumirot ang puso ko at doon ko naramdaman ang mag hirap sa pag hinga kaya kinuha ko sa bag ko ang gamot at agad na ininom.. "Chloe! Damon! Sumayaw na kayo" sabi ni zeke kaya napatingin ako sakanya "Ayoko.. " usal naman ni damon "Dali na dre! Minsan lang naman don't tell me bitter ka?" pang aasar na tanong ni zeke kaya sinamaan sya ng tingin ni damon "Kalokohan mo!" singhal nya Huminga ako ng malalim at tumayo tyaka ako lumapit sakanya, inilahad ko ang kamay ko at nakangiting tumingin sakanya "Ano yan?" pag susungit nya "Tara na.. Dami mong arte" sabi ko kaya napabuntong hininga sya at tumayo pero hindi tinanggap ang kamay ko Nakangiti akong pumwesto at tumingin sakanya, napatingin sya sa'kin kaya hinawakan ko ang dalawang kamay nya at inilagay yun sa bewang ko.. Ramdam ko pa ang pag ka bigla nya pero agad akong humawak sa balikat nya. Tumingin ako sakanya at ngayon ay nakatingin na rin sya.. Hindi kami nag sasalita at tanging tugtog lang ang naririnig namin kaya nag karoon ako ng saya sa puso ko 'Ngayon ko na lang ulit sya natitigan ng ganito.. Yung walang galit.. Walang inis.. Yung kalmado lang' Parehas kaming nakatingin ng deretsyo sa mata kaya biglang bumilis ang t***k ng puso ko pero agad na kumirot yun.. Lumunok lang ako at hindi ininda ang sakit "Goku.. " usal ko pero hindi sya sumagot "I'm sorry.. For everything" dagdag ko pa pero hindi sya sumagot at tanging pag tiig lang nya sa mata ko ang ginagawa nya at ang pag sayaw sa'kin Naramdaman ko ang kakaibang kirot sa puso at doon na ako nahirapan na huminga kaya wala akong pasabing sumandal sa dibdib nya at halatang nagulat pa dito.. Napapikit ako ng mariin at ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata "Ayokong maririnig ang mga salita na yan.. Ayoko.. " usal nya at ramdam ko ang pag diin nya sa pag kakahawak sa bewang ko at dumausdos yun papunta sa likod ko Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na'to dahil halo halo na ang nararamdaman ko.. Kumikirot na ang puso ko at hindi ko maisip ang mga kinikilos ni damon.. Agad na tumulo ang luha ko sa inasta nya at dahil na rin sa pag hirap ko sa pag hinga.. Dahan dahan akong lumayo sa pag kakayakap at tumingin sa mga mata nya na napaka kalmado 'Ito yung goku.. Ito yung damon na nakilala ko at ang taong minahal ko..' "I love you.." usal ko pero hindi umimik Ramdam ko ang pag lalapit ng muka namin at halos maduling na ako sa lapit.. Bumaba ang tingin nya sa labi ko at kasunod non ang pag kirot ng puso ko kaya tumulo ang luha ko dahil sa sakit na iniinda ko.. Nag tama ang ilong namin at papikit na sana ako nang biglang tumunog ang phone nya kaya napalayo sya at bumuntong hininga muna bago kinuha ang phone tyaka yun sinagot "Hello veronica.. " usal nya at lumayo Napahawak ako sa puso ko dahil sa kirot na nararamdaman nun.. Parang isang milyon na kutsilyo ang tumutusok sa puso ko at hindi ko malaman ang rason don.. 'Nasasaktan ako.. Pero hindi ko alam kung dahil ba yun sa pag kirot ng puso ko dahil sa sakit o dahil sa sakit na nararamdaman ko kay damon.. ' Pinunasan ko ang luha ko nang makita kong bumalik sya.. Kinuha nya ang bag nya at lumapit sa mga kaibigan namin "Dre.. Kailangan kong umuwi may sakit kasi si veronica" sabi ni damon at nakita ko pang napasulyap sila madison sa'min pero natigil kami nang pumasok ang katulong at binuksan ang ilaw "Sino po si ma'am chloe?" tanong ng katulong kaya napatingin ako sakanya "Ako yun.. Bakit? " tanong ko "May nag hahanap po sainyo sa labas.. Si sergeant zack daw po" sabi nya kaya automatic akong nag lakas palabas at ramdam ko ang pag sunod nila Pag labas ko ay nakita ko si sergeant zack kasama si sergeant ace. Nang makita nila ako ay agad silang tumayo ng maayos "Commander!" sabi ni sergeant ace at agad silang sumaludo sa'kin kaya ganun din ang ginagawa ko, lumapit sa'kin si sergeant zack at may inabot sa'kin na papel kaya kunot noo ko yun na kinuha "General Wesley ordered us to bring you back to California, Commander.. " sabi ni sergeant ace kaya sinulyapan ko ang papel at nag pakawala ng mabigat na pag hinga 'Pinapapunta nila ako sa military base para sa mission tsk!' Kinuha ko ang phone ko at agad na tinawagan si eun woo at ilang ringbpa yun ay agad na sinagot nya "Hello.. Papunta na ako jan iuuwi na kita" sabi nya kaya napatingin ako sa mga kaibigan ko "Nandito ang US army.. At sinusundo ako.. " usal ko at rinig ko ang pag preno ng kotse nya "Anong sabi?" tanong nya kaya napabuntong hininga ako "Pinapapunta na ako sa military base.. Dahil sa mission" sabi ko "Anong balak mo?" tanong nya kaya napakagat ako ng labi "Tatapusin ko tong last na mission na to.. Mag reresign na ako" sabi ko at nakita ko pang kumunot ang noo ni sergeant zack "Sige sige papunta na ako jan.. " sabi nya at agad na pinatay ang tawag kaya humarap ako sa mga kaibigan ko at nakita ko pang nakakunot ang noo ni damon "Chloe.. Aalis ka?" pag aalalang tanong ni mads kaya tumango ako "Kailangan ako sa mission nato.. Kaya kailangan kong bumalik sa calif" sabi ko at nag aalala ang tingin nila "Babalik kapa ba?" tanong ni angel 'Napaka delikado ng mission na'to.. Sana ay makabalik pa nga ako' "Babalik ako kapag natapos na yun, hindi rin ako mag tatagal dun.. " sabi ko at may mga lungkot sa mata nila "Mag iingat ka din bestpren! Este Commander" pagbibiro ni zeke napangiti ako "Mag iingat din kayo.. " sabi ko at napasulyap kay damon na nakakunot ang noo'ng nakatingin sa'kin pero hindi ko na yun inintindi at humarap kila sergeant zack at ace "The military chopper will wait for you, Commander" pormal na sabi ni sergeant zack kaya napa buntong hininga ako 'Bad timing naman! Parang nag sisisi pa akong pumasok ako sa military tsk!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD