Chloe's POV;
Inaayos na namin ang mga dumating na bagong pagkain at mga iba't ibang klaseng inumin at syempre hindi mawawala ang mga alak.. 7pm na ng gabi at mga nag tatampisaw na sila sa swimming pool na malaki dito pero ako ay mas pinili kong umupo na lang sa gilid habang nakalubog ang paa ko at sila madison ay nakikipag kwentuhan sa mga classmates namin noon
"Chloe.. Bakit hindi ka mag swimming? Ang sarap mag swimming" aya ng isa sa mga classmates namin pero umiling ako at ngumiti
"Hindi na.. Wala ako sa mood mag swimming" sabi ko pa pero bago pa sila mag salita ay naging maingay kaya napatingin ako kung saan sila naka tingin
Mga maiikli at halos lumabas na ang kaluluwa nila ivy sa mga soot nilang apat.. Habang nagawi naman ang tingin ko sa f4 pero naiiba si damon dahil sya lang ang naka topless kaya naman napatingin ako kay sunshine na agad pumulupot kay damon pero para na naman akong sinasaksak ng paulit ulit nang hayaan lang ni damon si sunshine..
"Tsk! Kinikilabutan ako sa mga soot nila grabe" usal ni madison kaya nabaling ang paningin ko sakanila
"Kinulang yata sa tela ang mga surot.. Mag donate ka nga mads kawawa naman" sabi naman ni angel kaya natawa ang mga kausap nilang mga kaklase namin noon
"Halatang nag eenjoy naman sila e" malungkot na sabi ni keila kaya napatingin kami sakanya
"Hayss.. Wag na lang natin sila tignan" sabi naman ni mads na ngayon ay malungkot na rin
"Alam nyo mga sis.. Mas bet pa namin kayo nung mga boylet nyo ang f4 kasi kayo walang kaarte arte sa katawan.." sabi pa nung isa sa mga classmate namin
Napasulyap ako sa f4 si lucas ay mahahalatang naiilang sa pag hawak ni athena sa braso nya at napapasulyap kay keila, si zeke naman ay halatang iritado dahil sa mga pag hawak ni ivy at mahahalata mo talagang nilalandi nya, si andrew naman ay tahimik lang habang umiinom ng wine habang nakatabi sakanya si akira na umiinom din ng wine, at last.. Si damon, nakapulupot sakanya si sunshine at halos nahahawakan na ni sunshine ang topless na katawan ni damon kaya naman may kung anong inis na namuo sa sistema ko kaya tumayo ako
"Oh! Saan ka pupunta chloe?" tanong ni mads
"Kukuha lang ako ng beer.. Gusto ko lang ng may iniinom" sabi ko kaya tumango tango na lang sya
Nag lakad ako papunta sa lamesa at binuksan ang box kung saan nandoon sa loob ang lahat ng beer pero bago pa ako makakuha ay may nauna sa'king kumuha kaya napatingin ako at ito na naman ang puso kong nakikipag unahan sa kabayo sa sobrang bilis ng pag tibok
'Damon.. '
Binuksan nya ang beer at ininom nya yun sa harap ko.. Kita ko ang adams apple nyang gumagalaw dahil sa pag lunok at nang maubos nya yun ay napatingin ako sa labi nyang mamasa masa at mapula kaya mas lalong bumilis ang pag t***k ng puso ko
"Stop staring at me.. Nakakairita" natauhan ako nang sabihin nya yun kaya napatingin ako sa mga mata nya at nandoon na naman ang napaka lamig nyang tingin
"S--sorry.. " sabi ko pero nagulat ako nang yupiin nya ang can ng beer at hinagis yun sa'kin, buti na lang ay nasalo ko agad kundi ay tatama yun sa'kin
"Cut the crap.. " sabi nya at kukuha ulit sana nang beer kaya ako na ang kumuha para sakanya at inabot iyon sakanya pero ngumisi sya "Anong akala mo sa'kin madadala mo ako sa pa ganyan ganyan mo?" sarkastikong tanong nya kaya ngumiti ako ng pilit
"I'm going to do everything.. Just come back to me" sabi ko kaya natawa sya ng peke at tumingin agad ng seryoso sa'kin
"Kung ako sayo titigilan ko na.. Nag sasayang ka lang ng panahon" sabi nya at mag sasalita na sana ako nang biglang dumating si sunshine at agad na pumulupot kay damon
"Bakit ang tagal mo naman.. Akala ko ba may kukunin ka lang" malambing na sabi ni sunshine at agad na tumingin sa'kin "Hi chloe.. " sabi nya pero hindi ako sumagot
Yumuko si damon at kumuha ng beer tyaka nya yun ibinigay kay sunshine at agad na tinalikuran ako ng walang pasabi kaya naman parang nanghina ang tuhod ko sa inasta nya pero pinilit kong ngumiti at kumuha ng beer tyaka ko yun binuksan at agad na ininom, pinipigilan kong mapaluha dahil ayokong may makakakita ng kahinaan ko.. Hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang isang can ng beer kaya bago pa ako makakuha ulit ng beer ay agad na tumunog ang phone ko kaya kinuha ko yun sa bulsa ng short ko
*Eun Woo's Calling*
Nang makita ko yun ay ilang beses muna akong lumunok bago yun sinagot
"yeoboseyo.. " sagot ko
*Translate/Korean*
'Hello'
"Kamusta ang party?" tanong nya at rinig ko ang sasakyan kaya halatang nasa daan sya
"Hmm.. Masaya" sabi ko pero rinig ko ang pag ngisi nya
"hwagsilhae?" sarkastikong tanong nya kaya napatingala ako dahil ramdam ko ang pangingilid ng luha ko
*Translate/Korean*
'Are you sure?'
"ye, geogjeonghaji maseyo" sabi ko at medyo pineke ang tuwa sa boses
*Translate/Korean*
'Yes, don't worry'
"Malaman ko lang na nag sisinungaling ka nako.. " sabi nya kaya pinahid ko ang namuong luha sa mata ko tyaka ako tumawa ng peke
"Tsk! Ano kaba.. Bakit naman ako mag sisinungaling" sabi ko pa at napatingin kay damon na nakikipag kwentuhan kila lucas
"Eh.. Kayo ni damon kamusta?" tanong nya kaya napangiti ako ng mapait
"Ayos naman kami.. Sobrang saya nga nitong party e.. " sabi ko pa pero huminga na lang ako ng malalim "Si baby liza nga pala?" pag iiba ko ng usapan
"Pauwi na ako sa'min.. Nandun sya kay mama, masyadong natuwa mag alaga ng bata.. Bumili na din ako ng vitamins ni baby" sabi nya kaya sa puntong yun napangiti na ako ng totoo
"VeryGood daddy.." matawa tawang sabi ko kaya rinig ko din ang pag tawa nya "Take care.. " sabi ko pa
"Ingat ka din.. Sige na bababa ko na'to nag da-drive pa ako" sabi nya
"Okay.. Mag txt ka na lang mamaya" sabi ko pa at agad na pinatay ang tawag
Kumuha ako ulit ng beer at agad na ininom.. Pinag masdan ko ang soot ko, naka black fitted short ako at manipis na white long sleeve kaya napabuntong hininga na lang ako
'Babae pa ba talaga ako?'
Umupo ulit ako at inilubog ang paa ko.. Nilapitan ako agad nila mads nang makita ako at sa pag lapit nila ay hindi na nila kasama ang mga ka-kwentuhan nila kanina
"Ano sinabi sayo?" tanong ni mads kaya nag taka ako
"Nino?"
"Ni damon.. " sabi nya kaya ngumiti ako ng peke
"Wala naman.. Bakit?" tanong ko pero umiling iling si angel
"Tsk! Hindi mo kami maloloko.. " sabi ni angel kaya tumingin na lang ako sa tubig
"Wala naman akong magagawa kundi tanggapin kung paano nya ako tinatrato ngayon.. " sabi ko
"Kahit hindi na tama?" tanong ni keila kaya napatingin ako sakanya
"Ginusto ko naman e.. Okay lang yun" sabi ko pa kaya napailing iling na lang sila, tinungga ko ang beer at agad na naubos yun
"Tara na kasi dito.. Mababaw lang naman yung tubig" sabi ni mads kaya umiling ako
"Kayo na lang.. Wala ako sa mood mag swimming" sabi ko pero nag katinginan sila at nginisihan ako kaya alam ko na ang gagawin nila
"Kung ayaw ko maligo.. Kami ang mag papaligo sayo" nangising sabi ni angel at agad nila akong binasang tatlo
Agad nila akong hinila kaya ang ending ay nahulog na ako sa pool.. Hanggang dibdib ko ang tubig kaya okay lang pero hindi ko maiwasang kabahan dahil sa trauma na nangyari sa'kin pero hindi ko na lang pinahalata sakanila
"Kung hindi ka pa namin hahatakin hindi kapa lulubog dito" matawa tawang sabi ni mads
"Wala kasi ako sa mood" matawa tawa ko pang sabi
"Kalimutan muna natin lahat ng lungkot ngayon gabi.. Mag enjoy lang tayo whooo!!" sigaw ni angel at tinatalsikan ako ng tubig kaya ginantihan ko sya kaya ang ending ay halos lahat kami ay nag basaan na
"Gusto ko ng beer.. " usal ni angel
"Ako na kukuha.. " sabi ko
"Sama ako.. Kukuha din ako pagkain hihi! Nakakagutom" sabi ni keila kaya natawa na lang kami
Pag ahon ko ay inayos ko pa muna ang maikli kong buhok pero natigilan ako nang magkaroon ng sigawan
"Whooooww!! Ang sexy mo naman chloe!"
"Ganyan ba talaga kapag nag military?!"
"Yung mga ganyang kasexyhan dapat hindi tinatago!"
"Nakakainggit naman yang katawan mo chloe!"
Ilan sa mga sigawan nila kaya napasulyap ako sa soot ko at doon ko lang naalala na manipis nga pala ang long sleeve na soot ko at buti na lang ay naka sports b*a ako ang kaso lang ay bumakat ang hubog ng katawan ko, pero bago pa tumagal na makita nila yun ay may nag lagay ng tuwalya sa katawan ko kaya napatingin ako dun
"Sootin mo muna yan.. Alam kong naiilang ka" sabi nya at nagulat ako nang makitang si christian yun na kaklase ko noon at sya yung nakaupo sa harap ko
"Thank you" sabi ko at ngumiti
"Yieeee!!"
"Christian ah! May gusto ka kay chloe no?!"
"Yieee!! Bagong love team na naman ba?"
Pang aasar nila kaya umiiling ako at tumanggi.. Bago pa ako mag lakad palayo ay nahagip ng mata ko si damon na masama ang tingin sa'kin pero hindi ko na yun inintindi pa at nag lakad na papunta sa lamesa at kumuha ng beer habang si keila ay kumuha ng konting pagkain tyaka kami bumalik sa pool. Ilang minuto pa kaming nag tagal sa pool hanggang sa umahon na rin kami at nag palit na ng damit dahil lumalalim na ang gabi at masyado na ring malamig kaya nag palit na kami.. Nag soot lang ako ng komportableng hindi ganoon kaikling short at over size t-shirt.. Pag balik namin sa labas ay nakahanda na ang hapunan kaya nag kanya kanya na kaminh upo
"Kapag gusto nyo pa kumuha pa kayo.. Marami pang pagkain dun sa table.. Mamaya ay sisindihan na daw ang fireworks pag tapos natin kumain" sabi pa ng ka batch namin kaya kumain na kami
"Ang romantic sana ng gabing to hays.. Wala ba tayong pwedeng rentahan na boyfriend kahit ngayong gabi lang?" pabibiro ni angel kaya natawa kami
"Gaga.. Wag kang gagaya dun sa mga surot na yun" singhal ni mads
"Nako te wag na lang! Baka galisin pa ako jusme" pag bibiro nya kaya natawa na lang ako sa mga kalokohan nila
"Ehem! Guys mag kakaroon nga pala tayo ng games mamaya at sa mga gustong kumanta ay pwedeng pwede.." sabi pa ng ka batch namin "Meron din palang mag tutula dito.. Sino pa ang gustong sumali?" tanong pa nya pero nagulat ako nang biglang itaas ni madison ang kamay ko "Chloe? Nice first time ka namin maririnig tumula.." sabi nya kaya napatingin ako ng masama kay madison pero nag peace sign lang sya
"Whooo chloe!!"
"Go chloe!"
"Dapat yung makakarelate kami ah!"
"Dapat yung emosyonal!"
Napailing na lang ako sa sinabi nila at pinag patuloy ang pag kain ko pero sa kalagitnaan ng pagkain ay nakita kong nag lakad si damon papunta sa gate kaya napasulyap pa ako pero halos madurog ang puso ko nang may sinundo syang babae at parang pamilyar ang muka nya.. Nang makalapit sila ay agad na pinakilala ni damon yun
"I hope you don't mind if she can join us.." sabi ni damon at tinignan ko ang babae at doon ko naalala na sya yung nakita ko sa bahay nila damon na nakayakap sakanya
"Sino sya damon? Ang ganda naman nya" tanong pa nila
"Veronica.. Veronica Collins" nakangiting sambit nya at doon ko lang ulit ata sya nakitang ngumiti
"Hello" bati nung veronica
"Welcome na welcome ang lahat sa party na'to kaya okay lang!" sabi pa nila at nakita kong inalalayan pa nya paupo si veronica at napasulyap ako kay sunshine na hindi mawari ang reaksyon "Girlfriend mo ba sya damon?" tanong ng iba kaya napatingin ako sakanya at inaantay ang sagot nya hanggang sa tumingin sya sa'kin at ngumiti
"Yup.. Girlfriend ko sya.. " sabi nya at inilipat na ang tingin sa iba kaya naman unti unti kong maibaba ang tingin ko sa lupa
'Girlfriend? Akala ko ba wala?'
"Chloe.. Okay ka lang?" bulong sa'kin ni mads kaya napatingin ako sakanya at wala sa sariling ngumiti
"Y--yeah.. O--okay lang ako.. " pahina ng pahinang sambit ko at huminga ng malalim
"Gusto mo bang pumasok tayo sa loob?" tanong ni angel pero umiling ako habang nakangiti
"A--ano ba kayo.. Okay lang ako don't worry" sabi ko at pinag patuloy ang pag kain ko pero napatingin ako sa kamay kong nanginginig kaya napatingin ako kila keila na may awa sa mga tingin nila
"Chloe kung masakit na hayaan mong lumabas.. " sabi ni keila kaya kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pangingilid ng luha pero bago pa sila mag salita at tumunog ang mic kaya napatingun kami
"Ilang minuto na lang ay mag sisimula na ang fireworks kaya iready nyo na ang kanya kanya nyong phone!" masayang sambit ng ka batch namin pero biglang may nag vibrate sa phone ko kaya tinignan ko yun
*Clyde's Calling*
Maingay ang paligid kaya tumayo ako at nag paalam kila mads na sasagutin ang tawag.. Nag lakad ako palayo at napasulyap pa ako sa upuan ni damon pero wala sya don kaya nag lakad na ako palayo malapit sa mga puno tyaka ko yun sinagot
"Oh? Napatawag ka?" tanong ko
"Wala ka bang natanggap na message kila mommy?" tanong nya kaya kumunot ang noo ko
"Wala bakit?" tanong ko pero rinig ko ang pag hinga nya ng malalim
"Sinugod daw nila mommy si mamu sa ospital dahil nahirapan daw huminga sa kakaiyak.." sabi nya kaya napapikit ako nang marinig ko yun "Gusto na daw sumunod ni mamu kay papu" dagdag pa nya kaya huminga ako ng malalim
"Bukas tayo mag usap pag uwi ko.." sabi ko
"Sige sige.. Wag ka muna mag isip ng kung ano ano ha.. Mag enjoy ka na jan sa party nyo" sabi nya kaya agad ko na lang pinatay ang tawag at napahawak sa puno habang nakahawak sa puso ko na naninikip
Pinipigilan kong umiyak dahil sa oras na bumuhos yun ay baka hindi ko na mapigilan pa at baka mahalata pa nila ako pero bago pa ako umalis ay may narinig akong ingay kaya nag lakad ako nang konti at nagulat ako nang makita si damon pero hindi ko makita yung kasama nya kaya nag lakad pa ako ng konti para makita kung sino yun at halos madurog na ng tuluyan ang puso ko nang makitang nakayakap yung veronica kay damon at kasunod non ay pag putok ng fireworks kaya sabay silang napatingin sa langit at dahan dahang napatingin sa isa't isa.. Ramdam ko na ang panginginig ng tuhod ko at halo halong sakit na namumuo sa puso ko kaya kusa na lang tumulo ang luha ko kasabay ng pag putok ng mga fireworks, palapit na ng palapit ang muka nila kaya nag sunod sunod na ang pag tulo ng luha ko
'Please help me.. Please get me out of here..'
Pero bago pa mag lapat ang labi nila ay may tumakip sa mata ko at kasabay non ang pag sigaw ng isang babae
"Damon!" rinig kong sigaw ni sunshine
"Come with me.. " may bumulong sa'kin na pamilyar na boses at agad akong hinila palayo habang nakatakip pa rin ang mata ko
'Thank you Eun Woo.. '
Damon's POV;
"Bakit sinabi mong girlfriend mo ako?" tanong nya habang nandito kami sa mapunong lugar
"Bakit ayaw mo ba?" sarkastikong tanong ko pero inirapan nya ako
"Alam mo naman na gusto kita diba.. Pero bakit parang biglaan naman?" pag tataka nya kaya napangiti na lang ako
"Ang dami mong tanong.. Kelan kapa nakauwi?" pag iiba ko kaya ngumiti sya at agad na niyakap ako
"Kanina lang.. Tapos dumeretsyo ako dito tyaka kita tinext akala ko kasi mali yung place na pinuntahan ko.. But i really miss you!" sabi nya at hinigpitan ang yakap at maya maya pa ay narinig ko ang fireworks kaya sabay kaming napatingin doon..
'Napaka romantic ng gabing to.. Pero bakit hindi ako masaya?'
Unti unti kong naibaba ang paningin ko kay ven at nag tama ang paningin namin.. Hindi ko maintindihan kung bakit napako ang mga mata ko sa mga mata nya at naramdaman ko na lang ang sarili kong unti unting lumalapit.. Nakita kong napapikit na si ven kaya pipikit na sana ako nang biglang..
"Damon!" napahiwalay ako sa gulat kay ven at nakita ko si sunshine pero nalipat ang tingin ko kay eun woo na ang sama sama ng tingin sa'kin at dahan dahan akong napatingin sa nasa harap nya at laking gulat ko nang makita si chloe pero naka takip ang palad ni eun woo sa mata ni chloe, napansin ko ang mga luhang tumutulo sa pisngi ni chloe pero bago pa ako mag react ay hinila na paalis ni eun woo si chloe kaya naramdaman ko ang dahan dahang pag yukom ng kamao ko
"S--si chloe ba yun?" gulat na tanong ni ven kaya tumingin ako sakanya at agad na tumango kaya nagulat sya
"Hindi ko napansin na nandun sya" usal ko
"Kanina pa sya nakatayo dito.. " napatingin naman ako kay sunshine na nakatayo pa rin sa pwesto nya
"Bakit nandito ka?" tanong ko at nginisihan nya ako
"Dumating si Eun Woo.. Hinahanap si chloe kaya sinamahan ko sya dahil nakita kong papunta dito si chloe" sagot nya kaya napaiwas ako ng tingin at agad na kumunot ang noo
"K--kakausapin ko si chloe.. " sabi ni ven pero pinigilan ko sya
"Wag na.. Hindi na kailangan" sabi ko at hinawakan ang kamay ni ven at hinatak pero bago pa kami makalayo ay nag salita ulit si sunshine
"Hindi kami close ni chloe.. Pero ramdam ko yung sakit na dinadala nya ngayon at satingin ko hindi nya yun deserve.. " usal nya kaya lalong kumunot ang noo ko at hindi na sya pinansin kaya agad na tumuloy umalis
Bumalik kami sa upuan at inilibot ko ang mata ko hanggang sa nakita ko si chloe na nakaupo na sa upuan nya at napaka seryoso ng muka habang tumutungga ng beer habang si eunwoo ay nakatingin kay chloe
"So sinabi mong girlfriend mo ako dahil nandito si chloe.. " bulong ni ven kaya kinuha ko ang alak na nasa harap ko tyaka ko yun tinungga at napatingin sa stage dahil nandoon na yung tumutula
"Ayoko ng pag usap ven.. Uminom ka na lang" sabi ko pa kaya inis nyang kinuha ang beer at agad na ininom
Hindi ko maiwasang mapasulyap kay chloe pero napaka cold ng muka nya habang ang mga mata nya at ilong ay namumula dala ng pag iyak nya kanina..
"Okay magaling! Medyo naka relate ako sa tula mo ah hahaha! So ang next ay si chloe.. " sabi nung batch mate namin kaya napatingin ako kay chloe
Ngumiti sya sa mga kasama nya at sumulyap muna kay eun woo bago mag lakad papunta sa harap at kinuha ang mic.. Huminga sya ng malalim at ngumiti pero halata sa mata nya ang lungkot
"Wala akong maisip na title sa ginawa kong tula.. Pero sana magusto nyo.. " sabi nya at huminga pa ulit ng malalim bago mag simula
"Isa.. Dalawa.. Tatlo..
Mga pangako kong napako
Apat.. Lima.. Anim.. Pito
Sana akoy patawarin mo
Walo.. Siyam.. Sampo..
Sanay bumalik na sa dating tayo..
Hindi ako napa rito para manggulo
Gusto ko lang linawin sayo na hindi ko rin ito ginusto
Patawad sa biglaang pag alis ko
Kinailangan ko yun para mailayo ka sa gulo
Akala ko sa pag balik ko ay ayos na
Ngunit bakit tinapos mo na?
Ang sakripisyo kong ginawa ay ngayo'y balewala
Dahil ako'y tinalikuran mo na
At hinayaan na mag isa..
Patawarin mo ako kung nagawa kong iwan ka
Dala.. Ng hinangad kong maging ligtas ka
Sinubukan kong mag laro sa ulan..
Umaasang kaya nitong hugasan ang sakit at tangayin sa kung saan
Ngunit hindi.. Dahil ako ang pinag laruan ng ulan..
Ako ang pinag taksilan ng kalawakan
Taksil ang kalawakan..
Sinubukan kong tumakbo
kasalungat ng pag ikot ng mundo
Nag babakasakaling kaya ko pang habulin ang kahapon ko sa piling mo
Makakaya ko pa ka yang ibalik ang oras.. Minuto o segundo..
Makakaya ko pa.. Makakaya pa natin..
At kung hindi na talaga kaya pang bumalik maari bang ulitin na lang ulit?
Ang ikaw.. At ako.. Ang dating tayo"
Sa huling linya ay tumingin sya sa'kin habang sinasabi yun.. Ngumiti pa sya ng peke bago binigay ang mic kaya naman nag palak pakan ang mga kasama namin.. Hindi ko alan kung paano ako mag re-react sa tula nya dahil parang ang lakas ng impact nung tinula nya yun.. Lumipas ang mimuto at oras.. Nag karoon na ng game pero lutang pa rin ako at palaging nag tatama ang paningin namin ni eun woo pero masama ang mga tingin nya kaya ginagantihan ko lang yun ng seryosong muka.. Hanggang sa last game na kaya nagulat ako nang mabunot ang pangalan ni ven at chloe
"Veronic and.. Chloe, kayo ang mag lalabas sa Speed drinking" sabi ng ka batch namin kaya nagulat ako
'Malakas uminom si veronica.. At mahina naman uminom si chloe.. '
Nabalik ako sa wisyo ng tumayo si veronica at pumunta sa harap, ganun din ang ginawa ni chloe kaya tinutukan ko sila.. Tig limang can silang dalawa ng beer kaya naman medyo nag alala ako pero agad na inalis yun sa isip ko
"Hoy dre.. Bakit ganyan itchura mo?" rinig kong tanong ni zeke kaya sinamaan ko sya ng tingin
"Mukang nag aalala.. " sabi ni andrew at nginisihan nila akong tatlo kaya sininghalan ko sila
"Tsk! Cut the crop.. " sabi ko at bumalik ang tingin sa harap
"Ready.. Get set.. Go!"
Nag simula silang buksan ang can at kita kong nag mamadali si ven na inuman habang si chloe at mahinahon na sunod sunod na ininom ang beer pero nagulat ako nang mauna syang makaubos ng beer at mas kinagulat ko ay ang walang kahirap hirap nyang piniga ang can ng beer at halos mayupi ng todo yun bago sya mag bukas ng isa pang beer.. Kita ko ang gulat kay ven kaya saglit syang matigilan pero nag patuloy din.. Nag patuloy sila at nangunguna na si chloe na maubos habang kalmadong umiinom tyaka nya yun yuyupiin at halatang madiin ang pag kakayupi dahil yuping yupi yon na parang pinang gigilan talaga nya.. Tapos na ang game at nanalo si chloe pero halata sa mata nya na tinamaan na sya sa beer
"Mukang nalasing si chloe.. " usal ni lucas
Nakita kong nilapitan ni eun woo si chloe at inalalayang makaupo sa dati nyang upuan.. Natigilan pa ako nang makitang napatingin si chloe sa'kin at agad na kumunot ang noo nang may pumatak na luha sa mata nya...
'F*ck!! What happened to me'