Chloe's POV;
Dahan dahan kong naidilat ang mata ko pero agad na sumakit ang ulo ko kaya upo muna ako saglit.. Tumingin ako sa paligid ko, natutulog pa ang mga kaibigan ko habang napasulyap naman ako kay eun woo na natutulog sa sofa kaya kumuha ako ng kumot tyaka ko sya kinumutan.. Hawak hawak ko ang sentido ko habang bumababa ako at agad na dumeretsyo sa kusina.. Nandito pa rin kami sa rest house at mamaya lang ay uuwi na din kami, nag timpla ako ng kape at naisip ko ng dalawahin para kau eun woo.. Dadalin ko na sana ang kape nang biglang nakita ko si damon na hawak hawak ang batok nya na papunta sa gawi ko..
'Tsk! Mukang may hang over din tong isang to'
Pero sa puntong yun ay naalala ko ang mga nakita ko kagabi kaya hindi ko maiwasang masaktan ng sobra..
"Ayshh.. " napatingin ulit ako kay damon na nakaupo sa dining area habang hinihilot ang sentido nya kaya naman naisipan kong ibigay sakanya ang isang kape na ginawa ko
"Coffee.. Para mawala kahit papano" sabi ko at nilapag sa harap nya ang tasa kaya dahan dahan syang napatingin sa'kin
"No.. Thanks" sabi nya at iniwas nya agad ang tingin sa'kin pero umupo ako sa harap nya tyaka ko ininom ang kape ko
"Inumin mo na.. Marami ka atang nainom kagabi.. " sabi ko at rinig ko ang pag singhal nya, inilayo nya ang kape
"Ayoko.. Hindi ko kailangan yan" sabi nya pero ngumiti ako sakanya at nilapit ulit ang kape
"Makakatulong yan sa sakit ng ulo mo kahit papano.. " sabi ko pero halos mahulog ako sa upuan ko ng bigla nyang hinampas ang lamesa
"Ayoko nga sabi e! Bakit ba pinag pipilitan mo yang gusto mo?" inis nyang sabi kaya nawala ng unti unti ang ngiti sa labi ko "At tyaka wag kang umasta na akala mo okay tayo.. Aasa ka lang sa wala" sabi nya kaya napahigpit ang hawak ko sa tasa
"Damon stop.. " nanginginig na usal ko pero ngumisi sya
"Bakit masakit? Gusto mo yan diba? Sabagay.. Kulang pa yan sa mga dulot mong sakit" sabi nya habang nakatitig ako sa mga mata nyang puno ng galit
"Please stop.. " pahina ng pahinang usal ko
"Tsk! Kung iniisip mo na babalik tayo sa dati itigil mo na.. Kasi ngayon pa lang tatapusin ko na lahat lahat, nakakapagod masaktan chloe!" sigaw nya kaya napapikit ako ng mariin at agad na tumingin sa mata nya ng deretsyo habang may pekeng ngiti
"Ganun ba kadali sayong tapusin lahat lahat damon?" tanong ko habang pinipigilang mapaluha
"Oo.. Katulad ng pag iwan mo at pag alis mo ng parang may iniwan ka lang na isang bagay" sabi nya kaya natawa ako ng peke at sa puntong yun nangilid na ang luha ko
"Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi mo ngayon.. Hindi ako makapaniwala na nasasabi mo yan ngayon.. "
"I wish we had never met.. And i wish i had never love you so much" sa mga katagang sinabi nya ay kasunod non ang pag tulo ng luha ko
"Please tama na.. " tanging usal ko kaya napangisi sya at agad na nag seryoso ang tingin
"When you left me alone a few years ago, for the first few weeks i felt so empty.. My heart felt empty.. My life felt empty chloe! But i gave it time and started to rebuild my life, and you know what happened? I woke up one morning and it hurt a little bit less. And the next day, even less. Then one day it stopped hurting altogether.. So stop bothering me chloe.. Pagod na ako" sabi nya kaya ngumiti ako at pinahid ang luha sa mga mata ko tyaka ako tumingin sa mga mata nyang napaka lamig ng tingin
"Bakit ako ba hindi? Baka nakakalimutan mong tao din ako at hindi bato.. Matagal na akong pagod pero kahit kelan hindi ko inisip na sukuan ka kahit na napaka layo ko sayo.. Akala mo ba napaka dali sa'kin lahat ng lintek na nangyari sa buhay ko? Damon wala kang alam.." sabi ko at tumulo na naman ang mga traydor kong luha "Pasensya kana ah.. Hindi kasi ako kasing tapang at tatag mo na kayang sumuko ng ganun ganun lang.. Damon mahal kita.. Mahal na mahal.. Kaya pasensya kana kung hindi kita kayang sukuan kasi hindi ako lumaking matapang katulad mo.. " sabi ko at agad na pinahid ang luha tyaka ako umalis, umakyat ako at bago pa ako makarating sa pinaka mataas ay nakita kong nakatayo don si eun woo kaya hindi ko na napigilan ang emosyon ko.. Nag madali akong umakyat tyaka ako yumakap kay eun woo na agad naman akong hinagod sa likod
"Shshsh.. Everything's gonna be alright" sabi nya kaya tumango ako habang pinupunasan ang luha ko "Ayos lang na ilabas mo kahit minsan yung nag papabigat sa loob mo.. " sabi pa nya kaya napayakap ako ng mahigpit
"Hanggang kelan pa ba'tong hirap na dinadala ko.. Kasi konti na lang bibigay nako.. " hikbing sabi ko habang patuloy sya sa pag hagod ng likod ko
"Kaya mo yan.. Matatapos din lahat lahat ng yan.. " sabi nya kaya humiwalay na ako sa pag kakayakap sakanya
"Gagawin ko hanggat kaya ko.. " sabi ko kaya nginitian nya ako
Ilang minuto pa ay inayos na namin ang gamit namin para makauwi.. Ilang beses kong nakikita si damon pero napag desisyunan kong ipahinga muna yung sarili ko kakapilit sakanya dahil masyado pang masakit yung mga sinabi nya kanina.. Pero bago pa kami makaalis ay tumunog ang phone ni eun woo
"Tumatawag si mama.. " usal nya kaya agad na sinagot ang tawag "yeoboseyo?" sagot nya.. "Pauwi pa lang kami.. Ano?!.. Sige sige papunta na kami jan" sabi ni eun woo at agad na pinatay ang tawag at humarap sa'kin
"May problema ba?" tanong ko
"Inaapoy daw ng lagnat si baby liza kailangan natin dalin sa ospital yun" sabi nya kaya nagulat ako at inaya na sila mads
"Mads tara na.. Kailangan namin umalis agad may pupuntahan pa kami" aya ko sakanya kaya lumapit na silang tatlo
"Oh! May problema ba?" tanong ni angel kaya tumango ako
"Inaapoy ng lagnat yung anak ni eun woo" sabi ko at agad na nanlaki ang mata ni eun woo
"A--anong anak ko? Anak mo yun" sabi nya kaya pinandilatan ko sya ng mata
"May anak na kayong dalawa?!" gulat na tanong ni keila at mukang napalakas yun dahil pinag tinginan kami ng mga ka batch mates namin
"Shshsh.. Wag kang maingay tara na" sabi ko at nag peace sign pa sya
"Uuwi na kayo chloe?" tanong ng iba kaya tumango ako
"Oo kailangan na namin umuwi" sabi ko at tumango naman sila
Naagaw ng pansin ko si damon na napaka seryoso ng tingin sa'min pero hindi ko na lang sya pinansin.. Nagawi naman ang tingin ko kila zeke na nakatingin kila mads pero nabalimg ang tingin ko nang ayain na kami ni eun woo.. Pag labas namin ng gate ay sumakay na agad kami sa sasakyan ni eun woo at pinatakbo nya agad yun..
Kagabi ay hindi ko inaasahan ang pag dating ni eun woo dahil ang alam ko ay hindi sya dadating.. Ang sabi nya ay balak daw talaga nyang pumunta na hindi sinasabi sa'kin kaya naman laking pasasalamat ko nang dumating sya dahil nung mga oras na yun ay hindi ko alam ang gagawin ko
"Teka.. Teka.. May anak na kayong dalawa?" tanong ni mads kaya napasapul ako sa noo
"Mahirap ipaliwanag pero hindi namin anak ni eun woo yun.. Pinabantayan lang sa'kin ang bata" sabi ko kaya tatango tango sila
"Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin? Cute ba yung baby?" tanong ni angel
"Sobrang cute.." usal ni eun woo
"Gusto ko syang makita!" sabi ni naman ni keila
"Umuwi muna kayo sainyo.. Mag kita kita na lang tayo sa ospital" sabi ko at sumang ayon naman sila
Naihatid na namin sila mads kaya agad kaming tumungo sa bahay nila eun woo at kinuha si baby liza.. Pinabuhat nya sa'kin, nung una ay ayoko dahil baka mamali ako ng buhat pero tinuruan nya ako kaya ako na ang nag buhat.. Agad na tinahak nya ang ospital kaya pag dating namin doon ay dineretsyo na agad namin sa emergency room
"Ano pong nangyari kay baby?" tanong ng doctor kaya su eun woo na ang nag salita
"Nilagnat sya kanina lang at may ubo na rin" sagot ni eunwoo
Sabi ng doctor ay i-coconfine daw si baby at uubusin lang ang dextrose at pwede ng umuwi kaya naman inilagay na agad sa room si baby, naiwan ako sa room nya habang si eun woo ay inaasikaso ang mga kailangan ni baby liza
"Hays.. Baby liza, bakit ba nag kasakit ka.. " sabi ko habang hinahawi ang buhok nya, tumingin sya sa'kin at biglang ngumiti kaya naman parang ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ay nawala.. "You're so adorable.." usal ko at bumungisngis sya kaya naman automatic akong napangiti
"Da... Da.." agad na nanlaki ang mata ko nang sabihin ni baby yun kaya hindi ko mawari ang gagawin ko pero natigil ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng doctor na sobrang pamilyar sa'kin
"Sabi ko na hindi ako nag kamali.. " usal nya habang papalapit sa'min
"Diane?" tanong ko kaya ngumiti sya hanggang sa makalapit sa'min
"Long time no see chloe.. Ang tagal mong nawala ah" sabi nya kaya napaiwas ako ng tingin "Iche-check ko lang si baby" sabi nya at inusisa si baby liza na panay naman ang bungisngis "Baby mo?" tanong nya kaya nagulat ako
"Hindi.. Pinabantayan lang sa'kin yan" sabi nya kaya tumango tango sya, nang natapos sya ay humarap agad sa'kin
"I guess nag kita na kayo ni bruce right?" seryosong tanong nya kaya tumango ako
"Yea.. Sa reunion" sagot ko at rinig ko ang pag hinga nya ng malalim
"Ayokong makialam sa kung anong meron sainyo.. Pero kung maayos nyo ayusin nyo.. Pero kung hindi na tigilan nyo na, Kaya pala nitong mga nakaraang araw mas lalong naging mainitin ang ulo ni bruce" sabi nya kaya napaiwas ako ng tingin "Nakita ko kung paano dinamdam ng kapatid ko nung iniwan mo sya.. Pero alam kong may dahilan yun.. Mahal mo pa ba si damon?" agad na tanong nya kaya naibalik ko ang paningin ko sakanya
"Kahit kelan hindi nawala yun.. Habang nasa malayo ako walang segundong hindi sya tumatakbo sa isip ko.. Kaso akala ko sa pag balik ko magiging maayos na lahat" malungkot na sabi ko pero agad nyang hinawakan ang kamay ko at nginitian ako
"Hindi ko alam kung bakit sobrang gusto kita para kay damon.. Kaya sana hindi mo sukuan ang kapatid ko kahit na alam kong hindi kayo okay" sabi nya kaya huminga ako ng malalim at ngumiti pabalik
"Sana hindi pa ako huli.. Kaso mukang girlfriend na sya e, yung veronica.." sabi ko kaya nabigla sya
"Girlfriend nya si ven? Sa pag kakaalam ko bestfriend lang sya kasi nung bata pa si damon mag kaibigan na talaga sila ni veronica" sabi nya kaya parang naisip ko na kung bakit nya sinabing girlfriend nya yun pero nabalik ako sa wisyo nang may inabot syang isang pink na maliit na envelope "Sana makapunta ka.. Isama mo na rin yung mga kaibigan mo" sabi nya kaya binuksan ko ang envelope at tinignan ang invitation na binigay nya
'Sa susunod na araw na'to.. '
"Titignan ko kung makakapunta ako" sabi ko at sumimangot sya sa'kin
"Sana makapunta ka.. Iintayin kita don at isama mo na rin si baby para may kalaro yung anak ko" sabi nya kaya kumunot ang noo ko
"May anak kana?" tanong ko at tumango sya
"Lalaki ang baby ko 5years old na sya" sabi nya kaya naalala ko yung karga karga ni damon na bata
'Anak nya pala yun.. Akala ko may anak na din si damon tsk! '
Bumukas ang pinto kaya sabay kaming napatingin ni diane, pumasok sila madison, angel at keila at medyi nagulat pa sila nang makita nila si diane
"Buti dumating na kayo.. Ito oh! Invitation yan para sa birthday ko pilitin nyong makapunta si chloe ah!" sabi ni diane at binigyan din sila nang invitation
"Ayy thank you.. Nakakahiya naman" sabi pa ni mads pero umiling si diane
"Hahanapin ko kayo dun.. Kaya pumunta kayo ah" ngiting sabi ni diane kaya tumango sila at nginitian si diane "Sige na mauna na ako.. Ipatawag nyo na lang ako kapag naubos na ang dextrose ni baby" sabi pa nya at tuluyang umalis
Inilagay ko ang invitation sa bag ko tyaka ako tumingin kila angel na nilalaro na ang baby
"Pupunta ka? " tanong ni mads sa'kin
"No choice e.. Kayo ba?" tanong ko pa
"Hinihiling ko na sana hindi ko makita si lucas dun" sabi ni keila
"Hindi imposibleng nandun sila.. Kaibigan sila nang kapatid ni diane e" sabi ni angel at tumayo sya ng maayos "Wag lang talagang pupunta yung mga pesteng babae na yun! Nako gigilitan ko talaga sila ng leeg" singhal nya pero hinampas sya ni madison
"Wag ka ngang maingay.. May bata oh!" suway nya kaya tumahimik na lang sya at nilaro si baby
Nag dadalawang isip ako kung pupunta ako don dahil parang hindi ko pa kayang harapin si damon lalo na ang mga magulang nya dahil sigurado akong hindi nila nagustuhan ang ginawa ko
'Kelan ba ako matatahimik?'