Andrew's POV;
"Nasaan kana?" mahinang tanong nya sa kabilang linya
"Malapit na ako love.. Kasama ko na din sila mom and dad.." sabi ko at tumingin sa side mirror at nakita kong kasunod ko lang ang sasakyan nila daddy
"Kinakabahan ako love.. Paano kung magalit sila ng sobra?" may pag aalalang tono sa boses nya kaya bumuntong hininga ako
"Kung ano man ang maging resulta nito.. Hinding hindi na kita iiwan" sabi ko at rinig ko ang pag buga nya ng hangin
"I'll wait for you.. Take care" sabi nya at kasunod non ang pag baba nya ng linya
'Kaya ko'to.. Kaya naman to.. '
Wala pang alam sila dad about sa anak namin ni angel at ngayon ang balak namin ipaalam sakanila.. Hindi ko alam kung anong magiging resulta pero kahit anong mangyari ay hindi ko iiwan ang mag ina ko kahit pa tumutol silang lahat.. Ngayon na alam kong magiging tatay na ako mas nakaramdam ako ng lakas loob.. Ilang minuto pa ay nakarating na din kami agad, pag baba namin ay sinalubong agad kami nila angel
"Hi po tita.. " usal ko at bumeso sakanya tyaka ako nakipag kamay sa daddy ni angel
"Sakto ang dating nyo.. Nakapag luto na ako" nakangiting sabi ni tita habang nakaharap kila mommy
"Pasensya na sa abala.. Ito kasing si andrew biglaan ang pag aya nya sa'min papunta dito.. " sabi pa ni mommy pero umiling si tito
"Ayos lang yun.. Pumasok muna tayo at doon na tayo mag kwentuhan" sabi ni tito kaya nauna na silang apat na pumasok at agad akong lumapit kay angel
"It's okay.. Calm down, hindi makakabuti sa baby ko yan.. " sabi ko at tinaasan naman nya ako ng kilay
"Baby mo lang? Anak ko din to hello.." sarkastikong sabi nya kaya napangisi ako
"Wala naman akong sinabing hindi mo anak.. Hayy nako halika na nga" sabi ko at inalalayan pa sya papasok sa loob
Pag pasok namin ay natigil kami dahil parang close na close ang parents namin at doon ko naramdaman ang kakaibang saya dahil parang sumasang-ayon na sa'kin ang lahat..
"Let's eat!" masayang sabi ni mom at bumaling sa'min "Umupo na kayong dalawa.. " dagdag pa nya kaya ngumiti ako at inalalayan si angel paupo kaya tumabi na rin ako sakanya
"Kelan pa kayo nag kabalikan?" agad na bungad ni tita kaya parang nahirapan pa akong lumunok
"N--nung nakaraang araw lang po" sagot ko at ngumiti sila
"Akala ko ay tatanda ng dalaga ang anak ko simula nung nag break kayo.. " natatawa pang usal ni tito kaya napasulyap ako kay daddy
'Hindi pa ito ang tamang oras para malaman nila ang totoo.. '
"Hindi naman po ako makakapayag nun.. " natatawang sabi ko
"Bakit hindi pa kayo mag pakasal?" agad na tanong ni mommy at narinig kong nabilaukan si angel kaya agad akong kumuha ng tubig para ipainom sakanya
"Are you okay?" tanong ko at ako na ang nag punas ng tubig sa gilid ng labi nya
"Oo.. Okay lang ako" sagot nya at ngumiti kila mommy
"I guess.. Wala pa sa plano nila yun" sabi ni dad at nag karoon ng napaka awkward na paligid
Natapos ang lunch namin pero hindi pa rin namin nasasabi ni angel dahil parang nag aalin langan pa sya.. Nag desisyon sila mom na pumuntang garden para doon sila makapag kwentuhan nila tita kaya kami ni angel ay naiwan dito sa kusina
"Anong plano mo?" tanong nya habang umiinom ng gatas
"Ready kana bang sabihin sakanila?" tanong ko at inubos pa muna nya ang gatas bago sumagot
"Kinakabahan ako e.." sabi nya at tumingin sa'kin kaya hinawakan ko ang kamay nya at marahan na hinila para yakapin sya
"Nandito lang ako.. Mag tiwala ka sa'kin" sabi ko at hinawakan ang muka nya tyaka ko yun iniharap sa'kin "Naalala mo nung nag propose ako sayo nung nasa ilocos tayo?" tanong ko at tumango sya
"Hindi ko ine-expect yun.. Napaka perfect ng moment na yun" sabi nya na para bang iniisip nya ang nangyari noon
"Nangako ako na papakasalan kita after ng graduation natin.. Pero hindi na gawa" sabi ko at nag aalala syang tumingin sa'kin kaya ngumiti ako "I'm sorry.. Dahil hindi ko yun natupad"
"Wala na yun sa'kin.. Ang mahalaga naaayos na natin kung ano yung nagulo noon.. " sabi nya kaya napangiti ako at sa puntong yun totoong totoong ngiti na, inikot ko sya tyaka ako yumakap sa likod nya
"Sabi ko pa non kasal at baby na lang ang kulang.. Pero ngayon.." sabi ko at humalik muna sa balikat nya tyaka ko pinatong ang baba ko dun "Kasal na lang ang kulang.. Nauna si baby e" pag bibiro ko pa at narinig ko ang pag bungisngis nya
"Tsk! Manyak ka kasi" sabi nya at humiwalay sa pag kakayakap sa'kin
"Ako? Manyak?" sarkastikong tanong ko at tumango sya
"Hindi mabubuo to kundi dahil sa kamanyakan mo" natatawang sabi nya kaya napangisi ako
'Grabe.. Lumalala sya'
"Nag pamanyak ka naman? Tsk! Kung ayaw mo talaga pipigilan mo ako.." sarkastikong sabi ko "Baka gusto mong ipaalala ko sayo kung paano ka nag makaawa na ituloy ko yon.. " dagdag ko pa at inismiran sya kaya nanlaki ang mata nya at agad na hinampas ng mahina ang dibdib ko
"Ano ba.. Tumahimik ka nga! Marinig ka nila sa labas tsk!" inis na sabi nya kaya hinawakan ko ang bewang nya para mas mapalapit sa'kin
"Gusto mong maging kambal ang anak natin?" nakangiting tanong ko kaya tinaasan nya ako ng kilay
"Kalokohan mo tigil tigilan mo andrew ah.. " pag susungit nya kaya mas hinapit ko ang bewang nya para mas mapalapit sa'kin
"Ihahabol lang natin mamaya.. Malay mo maging kambal diba?" nangising tanong ko pero hinampas nya ako sa balikat ko
"Tigilan mo ako sa kamanyakan mo andrew ah.. Lumayo ka nga baka makita pa nila tayo" sabi nya habang nag pupumilit na lumayo sa pag kakahapit ko
"Isa lang naman.. Bawal ba?" natatawang tanong ko pa kaya inirapan nya ako
"Nakaisa kana ah.. Ayshh! Lumayo ka nga naiinis ako sayo" sabi nya kaya bumitaw na ako sa pag kakahapit sakanya
"Edi papangalawahan ko.. " sabi ko at hindi makakalusot sa'kin ang pasimpleng ngiti nya
"Tigilan mo nga.. Mahuli pa tayo e" sabi nya kaya natawa ako
"Hindi tayo mahuhuli.. Trust me" ngising sabi ko at kinindatan pa sya kaya nakangiti syang umirap
"Tigilan mo nga!" singhal pa nya kaya lumapit ako sakanya pero umaatras sya hanggang sa wala na syang maatrasan kaya natawa ako
"Mabilis lang naman tayo mamaya e.. Promise hindi ka mapapagod" sabi ko at tinignan nya ako sa mata kaya ngumisi ako "Hihingalin ka nga lang.. " dagdag ko kaya inis nya akong tinulak
"I--ikaw t--tigilan mo nga.. Hayst!" inis na sabi nya at akmang hahampasin ulit ako nang hawakan ko ang kamay nya
"Gusto ko pa naman yung lumalaban.. " nakangising sabi ko at napalunok sya "Pero dahil ayokong napapagod ka at ayokong mapasama si baby.. Ako na ang mag ha-handle.." nakangising sabi ko at inagaw nya ang kamay nya sa'kin
"S--sabihin na natin kila mommy.. Nag sasayang tayo ng oras" sabi nya at tatalikod na sana nang mag salita ako
"Bakit gusto mo nabang simulan?" sarkastikong tanong ko at hindi naman nya alam kung saan sya titingin kaya napangisi ako
'Bakit ba napaka cute mo.. '
"T--tigilan mo nga.. Tara na" aya nya at hahatakin na sana ako
"Isa lang naman.. Mabilis lang" sabi ko at nakita kong namula ang pisngi nya kaya pinilit kong wag matawa
"Tsk! Ang kulit mo.. M--mamaya na" sabi nya at natigilan ako
"Mamaya?" tanong ko at naka dalawang tango pa sya tyaka nya ako hinila palabas
'Owmen! Napaka swerte ko naman hahaha!!'
Nang makalabas kami ay nakita naming nag tatawanan sila habang nag ku-kwentuhan kaya nung nakita nila kami ay agad kaming tinawag at pinaupo
"Bakit ang tagal nyo naman yata sa loob?" tanong ni tita kaya napangiti ako ng pilit
"P--pinag timpla ko lang po ng gatas si angel" sabi ko at tatango tango sya
Nag tinginan pa kami ni angel tyaka nya ako sinenyasan na pangunahan ko na ang sasabihin kaya huminga pa muna ako ng malalim bago mag salita
"Ahmm.. Mom, Dad.. Tito, tita.. M--may gusto po sana kaming sabihin ni angel" uutal utal na sabi ko kaya natuon ang atensyon nila sa'min
"Ano yun?" tanong ni tito kaya napahawak ako sa kamay ni angel
"Sa maniwala po kayo sa hindi.. Mahal na mahal ko po talaga si angel at sya lang ang gusto kong makasama hanggang sa pag tanda ko.. " sabi ko habang nakatingin kila tito at tita na ngayo'y nakatingin sa'min
"Ganun din po ako.. Noon sinubukan ko pong humanap ng iba pero itinigil ko din po dahil hindi ko makita ang sarili kong nagiging masaya sa iba.." sabi naman ni angel kaya napangiti ako at tumingin sakanya, tumango tango pa sya at ngumiti din
"Alam ko pong mahirap ipaubaya agad agad sa'kin si angel dahil kaisa isa nyo po syang anak.. Pero hayaan nyo po akong patunayan sainyo na kaya ko syang panindigan.. " sabi ko at nag katinginan silang apat
"Wag mong sabihing.." parang gulat na usal ni tita
"Omygoshh.. " usal pa ni mommy kaya tumango ako ng ilang beses
"Buntis po ako.. " walang alinlangan na sabi ni angel at naramdaman ko ang pag higpit ng kapit nya sa kamay ko
"Alam na namin.. " sabi ni tito kaya natigilan ako at nukang ganun din si angel
"P--panong?" usal ko at nakita kong ngumiti si tito
"Nitong mga nakaraang araw napapansin na namin si angel.. Napag daanan na ng mommy nya yan kaya alam nya ang mga ikinikilos ng anak namin" sabi ni tito kaya napasulyap ako kay tita na nag pupunas ng luha
"Inaantay lang talaga namin na umamin sya.. At hindi ko inaasahan na totoo nga" maluha luhang sabi pa ni tita pero naagaw ng pansin ko si mommy at daddy na para bang hindi makapaniwala
"Mom.. Dad.. " usal ko at doon naiyak si mommy kaya nag aalala akong lumapit sakanya "Mom.." usal ko pa
"Bakit mo ako ginugulat ng ganito anak.." hikbing sabi ni mommy kaya napahawak ako sa kamay nya
"I'm sorry.. " sabi ko pero unti unting nasilayan ko ang ngiti nya
"Hindi mo kailangan mag sorry.." sabi ni mommy at hinawakan nya ang pisngi ko "Hindi ko lang lubos maisip na ang bilis mong lumaki.. Dati ikaw lang ang inaalagaan namin pero ngayon.. Mukang ikaw naman ang mag aalaga sa sarili mong anak" sabi ni mom kaya napangiti ako at pinunasan ang luha nya
"Hindi naman proket mag kakaanak na ako mom ay kakalimutan ko na kayo.. Syempre hindi mangyayari yun" sabi ko at napasulyap ako kay daddy na ngayon ay nakatingin na sa'kin ng seryoso
"You're going to be a father and i'm going to be a grandfather.." sabi ni dad at tumayo sya kaya mas naging pantay ang tingin namin "soon.. " dagdag pa nya kaya tumango tango ako at ngumiti
"Yes dad.. " usal ko at ako na ang yumakap sakanya kaya yumakap na din sya pabalik kaya napangiti ako
"It's time to celebrate!" masayang sabi ni tita kaya napatingin ako sakanila
"We're going to be a grandma!" masayang sabi ni mommy at parehas sila ni tita na niyakap si angel kaya hindi ko masabi kung gaano ako kasaya
'Hindi ko ine-expect ang lahat ng to'
"I trust you.." sabi ni tito at tinapik ang balikat ko kaya tumango ako
"I'll do everything for her.." sabi ko at niyakap ko na din sya
Tinawagan na namin ang mga kaibigan namin ni angel para sa celebration na magaganap.. Sila mommy at tita ay nag tulong tulong sa pag luluto ng ibang pagkain habang sila daddy at tito naman ang nag handa ng mahabang lamesa sa garden para doon kakain mamayang dinner.. Hindi namin mawari kung anong saya ang nararamdaman namin ngayon ni angel dahil kulang pa ang salitang masaya para don.. Noon pinapangarap ko lang to.. Pero ngayon ay unti unti ko ng natutupad ang mga pangarap ko.. Ilang oras pa ang lumipas at nag datingan na din ang mga kaibigan namin at parang ngayon na lang ulit kami nakumpletong walo pero ang hindi ko lang inaasahan ay isasama ni damon si veronica kaya naman may ilangan na nagaganap sa pagitan nila ni chloe, sila zeke, lucas, keila at madison naman ay napapansin kong nag susulyapan sa isa't isa kaya mas nadagdagan ang saya ko dahil alam kong magiging maayos na ang lahat at mukang sumasang-ayon na ang panahon sa'min, bukod nga lang kila chloe at damon.. Sa sitwasyon nila ay mukang mahihirapan na ibalik kung anong meron sakanilang dalawa dahil ngayon ay girlfriend na ni damon si veronica at kahit ako ay nanghihinayang sa pinag samahan nila..
"Buti ay nakarating ka agad chloe.. Mukang galing kapa sa trabaho ah" sabi ni tita kay chloe dahil naka soot pa sya ng long-sleeved na white at nakasuot pa ang necktie dun habang ang coat nya ay nakasabit sa upuan nya.. Hindi ko maikakailang napaka angas ng dating nya kahit na babae pa sya dahil mas lumaki ang katawan nya at mas bumagay sakanya ang buhok nya
"Nasa meeting po kasi ako kanina kaya hindi ko agad nasagot ang tawag ni angel.. At buti na lang po ay hindi traffic" sabi ni chloe habang pinag papatuloy ang pagkain nya
"Buti na nga lang.. Pero sino yung nag hatid sayo kanina? Boyfriend mo?" tanong pa ni tita kaya napasulyap ako kay damon na seryosong ngumu-nguya
"Sya po si eun woo.. Kaibigan ko po" sagot pa ni chloe at nakita kong sarkastikong ngumisi si damon
'Tsk! Bugok talaga tong si damon'
"Kelan nyo papo alam na buntis si angel?" agad na tanong ni mads dahil alam nyang nagiging awkward
"Nung nag punta kayo sa bahay at pinamili nyo ng pagkain si angel.. At nakita ko rin yung gatas na pang buntis kaya nalaman ko agad.. " sabi ni tita
"Nakakaloka nga po yan e.. Napaka takaw tapos nag reklamo po sa'min na tumataba na daw po sya" parang nag susumbong na sabi ni madison
"Tsk! Ikaw kaya mag buntis.. " singhal ni angel at natigilan si mads kaya napasulyap ako kay zeke na inililibot ang mata kaya napangisi ako
"Hindi naman sila nag mamadali love.. Hayaan mo na" sarkastikong sabi ko at nakita kong sinamaan ako ng tingin ni zeke kaya napangisi ako
"Kayo ba lucas.. Kailan nyo balak mag asawa? Nasa tamang edad naman na kayo.. " sabi ni mommy kaya kapasulyap ako kay lucas na lumunok muna bago mag salita
"May inaantay papo akong bumalik" sabi ni lucas at napasulyap naman ako kay keila na namumula na ang pisngi kaya nakita kong napangisi si mommy
"Babalik din yan hijo.. Maghintay ka lang" sabi ni mom at ngumiti lang si lucas
"Kayo ba chloe at damon? Wala paba kayong balak mag pakasal?" tanong ni dad at nakita kong nasamid si chloe kaya inabutan ko sya ng tubig at agad nyang ininom yun
"Dad.. " usal ko kaya nag tataka syang tumingin sa'kin "Wala na sila.. " usal ko at napa tango sya
"I'm sorry.. " sabi ni dad
"It's okay tito.. Okay naman na po kami.. Right chloe?" sabi ni damon pero ramdam ko pa rin ang pag kasarkastiko nya
"Y--yea.. " tanging usal ni chloe
"That's.. Good" awkward na sabi ni daddy
"I forgot tito.. Kami na nga po pala ni veronica" nakangiting sabi ni damon kaya tumingin ako kay veronica na may pilit na ngiti
Nung mga bata pa lang kami ay kilala na namin si veronica at mas naging close sila ni damon kesa sa'min.. Kasama sya sa mga grupo ng smithnix kaya kilala na sya ng buonh family naming mag kakaibigan.. Ang mga parents namin nila damon, zeke at lucas ay mag kakasundo lalo na kapag tungkol na sa grupo namin..
"Ahm.. Cheers for angel at andrew" awkward na sabi ni zeke kaya sabay sabay naming itinaas ang wine glass pero yung laman nung kay angel ay gatas dahil hindi sya pwedeng uminom
"Cheer!" sigaw namin at uminom
"Congratulations andrew and angel.. " sabi ni lucas at bumaling kay angel "You're going to ba an amazing mother" dagdag pa ni lucas kaya napangiti si angel
"Thank you lucas.. " usal ni angel
"Congratulations to the both of you.." sabi naman ni keila at tumingin kay angel "A dream had come true, there's a new life growing inside you" ngiting sabi nya kaya kahit ako ay napangiti na
"Congrats sainyo dalawa.. Nakakaloka kayo naunahan mo pa ako angel" pag bibiro ni madison
"Thanks you hahaha! Ang bagal mo kasi e" pag bibiro naman ni angel kaya natawa kami
"Parang nung dati lang nag liligawan kayo sa campus.. Ngayon may baby na" pag bibiro ni zeke natawa kami "Congrats dre.. Congrats angel.." dagdag pa nya kaya ngumiti ako sakanya at nabaling ang tingin ko kay damon
"Congrats.. May your pregnancy be easy.. " sabi ni damon kaya napangiti na din ako
"Thanks damon.." nakangiting sabi ni angel, agad kaming napangiti kay chloe dahil sya na lang ang hindi nag sasalita
"You're truly blessed and i wish you the best throughout your pregnancy.. " sabi ni chloe at agad na tumingin sa'kin "Ingatan mo yang kaibigan ko.. Wag mong sasaktan yan" sabi nya kaya napangisi kami parehas
"Thanks.." sabi ko
Nag patuloy pa kami sa pagkain at naging masaya yun, yung mga hirap at sakit na napag daanan ko sa ilang buwan ay napawi lahat yun ngayon.. Pero sa kalagitnaan ng pag sasaya namin ay may nag doorbell
"Ma'am, Sir.. May pulis po sa labas" sabi nung guard kaya nag taka ako
Pero bago pa lumabas si tito ay nakita kong papalapit na ang mga pulis sa gawi namin kaya halos lahat kami ay napatayo nang makalapit sila
"Ano pong kailangan nyo?" tanong ni tita kaya lumapit sakanya ang pulis at may inabot na envelope tyaka nya kinuha ang laman nun at binasa
"Warrant of arrest?" nag tatakang tanong ni tita pero ang mas kinagulat ko ay may lumapit sa'min nila zeke at lucas na pulis tyaka kami nilagyan ng hand cuffs o posas
"Inaaresto po namin sila lucas, andrew at zeke sa kasong r**e" sabi ng pulis kaya mas nagulat ako
"r**e? Sinong ni-r**e namin?" gulat kong tanong
"Kahit kelan hindi ko ginawa yun!" sigaw ni zeke
"Sino ang nag sampa ng kaso?" seryosong tanong ni lucas
"Sila Ms. Athena, Akira, at Ivy... Sumama na kayo sa prisinto" sabi ng polis at akmang dadalin na kami nang mag salita si chloe
"May proweba ba sila na itong tatlong to ang ng r**e?" seryosong tanong ni chloe
"Meron ho silang picture na ipinakita.. Pumunta na lang ho kayo sa prisinto para malaman nyo ang lahat" sabi ng polis kaya bago ako hilahin ay lumapit ako kay angel at humalik sa noo nya
"Everything's gonna be alright.." sabi ko at nakita kong napaiyak na sya
'Sh*t'
"Omygoshh!! Hahanap na ako ng abogado nyo anak! Wag ka mag alala" sabi ni mom kaya tumango ako
"Kayo munang bahala kay angel.. " sabi ko at tumango sila
"Zeke.. Intayin mo ako don.. Pupuntahan kita" napatingin ako kay madison habang sinasabi nya yun kay zeke
"Iintayin kita don.. " seryosong sabi naman ni zeke
"Pupunta din ako don.. Maayos lahat ng to" sabi naman ni keila kay lucas at humalik pa muna sya sa noo ni keila bago sya hinila ng pulis at ganon na rin ako
"Tatawagan ko na ang parents nyo! Susunod ako don dre!" rinig kong sabi ni damon habang hawak hawak na nya ang cellphone nya, napainto kami nang humarang si chloe at agad na lumapit sa'kin at bumulong
"Wag kayong mag alala.. Tutulong ako.. Hahanap ako ng proweba at sa court hearing mag kakaalam.. " sabi nya kaya tumango ako
"Salamat.." sabi ko at tuluyan na kaming isinakay sa sasakyan ng mga polis
'Bakit ba nangyayari ang lahat ng to!'