CHAPTER 18: War

2298 Words
Sunshine's POV; Inabot sa'kin ni ivy ang kape kaya walang gana ko yun na kinuha at ininom "Ano na sis? Parang ikaw ang naaresto ah!" matawa tawang sabi nya kaya tinignan ko sya ng seryoso "Hindi ba parang sobra na kayo?" tanong ko at natawa silang tatlo 'Hindi na sila ang mga kaibigan ko noon.. Napaka laki na ng pinag bago nila' "Ano bumabalik ka na naman sa dati mong ugali? Alam mo sis pag masyado kang mabait talo ka" sabi pa ni ivy "Teka.. Akala ko ba gusto mo si damon? Bakit pinaubaya mo dun sa veronica na yun?" tanong naman ni athena "Matagal na yun.. " walang ganang sagot ko "Bakit hindi mo makalimutan yung lalaki nakabuntis sayo?" sarkastikong tanong ni ivy kaya tinignan ko sya ng masama "What? Nabuntis ka?" gulat na tanong ni akira kaya inis akong napaiwas ng tingin "May anak na si sunshine.. Pero wala sakanya ang anak nya.. " rinig kong sabi ni ivy "Pwede ba wag na natin pag usapan yun.. " sabi ko sabay inom ng kape Nandito ngayon sa mall dahil sinundo nila ako.. Wala akong balak na sumama sakanila pero sila mapilit kaya wala akong nagawa.. Lumalala na ang ugali nila kaya parang naninibago na ako.. "Anong balak natin sa trial court? Paano kung makalusot yung tatlong yun?" rinig kong tanong ni athena "Wala naman silang proweba.. At wala rin silang witness kaya mahihirapan sila.. " kampanteng sabi ni ivy kaya napabuga na lang ako ng hangin "Stress na stress na siguro ngayon si angel.. Tignan lang natin kung sino ang may huling halakhak" matawa tawang sabi naman ni akira at nag tawanan sila "Dapat pala itinuloy na natin yun.. Edi sana sila ang ama ng magiging anak natin.. " maarteng usal ni ivy habang umiinom pa "Balak ko naman talagang may mangyari sa'min ni lucas kaso masyadong nakatulog kaya hindi ko kaya mag isa.. " pasimple akong tumingin kay athena ng sabihin nya yun Hindi sya ang athena na naging kaibigan nung high school pa lang kami.. Napakahinhin nyan at parang dalagang Pilipina ganun din si akira.. Hindi yan palasalita at laging tahimik, palangiti sya noon at makikita mong masaya talaga sya. Si ivy ay sanay na ako sa ugali nya na maarte at mataray pero mas lumala sya ngayon.. Nag bago na ang mga kaibigan ko at hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin para maibalik sila sa dati.. Nag sampa sila ng kaso kila zeke, lucas at andrew kahit na mali ang isinumbong nila sa pulis.. Hindi ko na sila pinapakialaman dahil marami lang silang masasabi sa'kin.. "Tara sa rest room kailangan kong mag hugas ng kamay.. " aya ni akira kaya wala akong imik na sumunod sakanila "Napaka tahimik mo ata ngayon sunshine? May problema ba?" tanong ni athena pero ngumiti ako at umiling "Masama lang ang pakiramdam ko" sabi ko kaya humawak sya sa braso ko "Masyado ka kasing nag papakatutok sa trabaho mo.. Bakit hindi mo subukan sumama sa'min araw araw?" masayang sabi nya pero nginitian ko na lang Pag kapasok namin sa cr ay hindi ko inaasahan na makikita ko sila.. Nag huhugas ng kamay sila keila at madison kaya napabuga ako ng hangin dahil mukang away na naman to.. "Talagang ang tibay ng muka mo no? r**e? Ikaw ma re-r**e nag papatawa kaba?" sarkastikong sabi ni madison kay ivy kaya nilapitan nya ito 'Kelan ba matatahimik ang lahat?' "Bakit ba kasi hindi nyo na lang tanggapin na mas nauna kami kesa sainyo? Pasalamat pa nga kayo at hindi kami nabuntis.. " maarteng sabi ni ivy 'Paanong mabubuntis e wala naman talagang nangyari sakanila hayyy nako!' "Grabe ipag papasalamat pa namin yun?! Ganyan naba kayo ka desperada?" ramdam ko na ang galit sa boses ni madison pero hindi na lang ako umiimik "Sino sa tingin nyo ang mas desperada sating lahat? Hindi ba kayo?" sarkastikong tanong ni athena at medyo nabigla pa ako nang pabalang na binagsak ni keila ang bag nya "Ibabalik ko sayo ang tanong.. Sino ang mas desperada sating lahat? Sino kaya yung ipinag duduldulan ang sarili para lang bumalik sakanya?" kita ang galit sa mga mata habang sinasabi yun "Huwag nyong habulin ang isang tao.. Ano kayo aso? Ayy hindi.. Higad nga pala kayo kaya ginapang nyo.. Tapos kakasuhan nyo ng r**e? Nakakahiya sa balat nyo" medyo napataas pa ako ng kilay nang sabihin nya yun pero ang mas kinagulat ko ay ang pag tulak ni athena kay keila sa pader at kasabay nun ang pag lock ni akira ng pinto "Ahhh!!" daing ni keila dahil mukang napalakas ang pag kakatulak ni athena "Siraulo ka ah! Anong gusto mo away?!" galit nang sabi ni madison "Girls tara na.. Wag nyo ng patulan" awat ko pero hindi nila ako pinakinggan "Itikom mo yang bibig ng kaibigan mo baka parehas kayong hindu makalabas ng buhay dito.. " ani athena "Siguro ay takot na takot na kayo ngayon.. Dahil wala ang bida bida nyong kaibigan na si chloe at ang kaladkarin nyong isang kaibigan na si angel.. " usal ni ivy kaya napapikit ako ng mata at umiling iling "Bakit? Kaya mo ba kaming kantiin kung wala sya? Natatakot ka kay chloe no?" nakangising tanong ni madison at rinig ko ang pag ngisi ni akira "Bakit kami matatakot sa babaeng yun? Sino ba sya?" sarkastikong tanong ni akira pero halos humiwalay ang kaluluwa ko nang malakas na bumukas ang cubicle at lumabas si chloe na napaka seryoso ng muka "Anong problema nyo?" seryosong tanong nya at nailipat nya ang tingin kay keila kaya lumapit sya don at tinignan ang braso ni keila.. Doon ko lang napansin na may pasa na pala sya "Buti ay nandito ka.. Baka kung ano ng nagawa ko sa kaibigan mo at hindi mo maprotektahan.. " maarteng sabi ni ivy Tumingin sa pinto si chloe at nang makita nyang nakalock yun ay bigla syang ngumisi.. Dahan dahan nyang tinanggal ang jacket nya at malakas na binato yun sa lababo kaya kahit ako ay nagulat "Ayoko sa lahat yung iniinis ako.." sabi nya at humarap sa gawi namin 'Bakit ba nadadamay pa ako sa g**o nila? Hayst!' "Bakit.. Kaya mo ba kaming kantiin?" sarkastikong usal ni athena kaya napailing ako 'Nakoo naman.. ' "Gusto mo subukan ko?" maangas na tanong ni chloe at lumapit kay athena "Rinig na rinig ko ang pag tunog ng pader dahil sa pag tulak mo kay keila.. Baka gusto mo din na tumunog tong lababo.. Gamit yang bungo mo.. " habang sinasabi nya yun ay deretsyo syang nakatingin sa mata ni athena "Edi nakulong ka.. " natatawang sabi ni akira kaya naibaling ni chloe ang tingin nya "Tignan natin sa huli.. Kung sino ang kawawa at mag mamakaawa sa sa'kin" nakangising usal ni chloe "Wala kayong magagawa sa trial court.. Dahil wala naman kayong kahit anong proweba or kahit witness" maarteng sabi ni ivy pero kinagulat ko nang pasimple syang sumulyap sa'kin at ngumisi tyaka nya inilipat ang tingin kay ivy "Kapag ginusto ko.. Makukuha ko.. Mark my words.." sabi nya at pinulot ang bag ni keila sa lapag at inabot yun kay keila tyaka nya kinuha ang jacket nya at agad na isinuot "Nag warning na ako sa ivy.. Pangalawa na'to.. Wag mong intayin na pangatluhan ko pa dahil baka makalimutan kong tao ako" sabi nya at pinaunang mag lakad palabas sila madison "Mag kita kita tayo sa trial court.." sabi nya at malalakad pa sana nang huminto ulit sya at ngumisi "There's no competition because nobody can be me.. Pag butihan nyo ang pag tago ng ebidensya.. Dahil sa oras na makuha ko yun" sabi nya at sumulyap sa'kin "Mag kakalintik lintik ang buhay nyo" dagdag pa nya at tuluyan ng lumabas "Tsk! I hate that girl.." inis na sabi ni athena "Kung matalino sya.. Mautak ako.. " usal ni ivy at napangisi pa "Samahan nyo ako sa pearl hotel.. May kailangan tayong linisin" dagdag pa nya "Pearl hotel? Doon ginanap yung party non diba?" tanong ni akira at tumango si ivy "Yup! Kailangan natin makarating agad don.. " sabi ni ivy "Bakit naman?" tanong naman ni athena "Kailangan natin kausapin ang nag ha-handle ng cctv footage don dahil sure ako nandoon pa ang footage kahit na napaka tagal na nun.. Akong bahala sa pera.. " nakangising sabi ni ivy kaya napaiwas ako ng tingin sakanila 'Ano ba tong pinapasok nilang gulo.. ' Agad kaming bumyahe papunta sa pearl hotel.. Doon ginanap ang party 11months ago.. Actually hindi sya talaga party, pinag planuhan nila ivy ang party na yun at tanging sila zeke, andrew at lucas ang inimbita nila dahil nung mga panahon na yun ay nag iba na ang ugali ni damon.. Nun pa lang alam kong wala na talagang pag asa na makipag balikan pa sya sa'kin, alam ko at ramdam kong si chloe ang mahal nya pero nakakapag taka dahil si veronica ang girlfriend nya ngayon at mukang malabo na sila ni chloe.. Sinet up nila ivy sila zeke nung gabing yun dahil sa rooftop ginanap ang party at saktong maraming tao nung araw na yun kaya hindi na nagduda sila at sa pag kakaalam ko nung araw na yun kakabreak lang din nila zeke kila madison.. Walang nangyari sa kahit na sino sakanila, bukod sa tulog na tulog sil lucas nun ay nalasing na din kami.. Nasa ibang kwarto ako nung gabing yun at kasama ko ang mag ama ko.. Ilang buwan ko na silang hindi nakikita dahil sa hindi maipaliwanag na sitwasyon at nag aalala na ako sa anak ko.. Hindi ko na din kasama ang mga parents ko dahil simula nung nag buntis ako ay itinakwil na nila ako kaya nag tatrabaho ako para sa pamilya ko pero sa kasamaang palad.. Nailayo sa'kin ang anak ko at hindi ko alam kung nasaan na sya ngayon "Ano pong kailangan nyo?" tanong nung babae "Pwede ba namin makita ang cctv footage 11months ago?" seryosong tanong ni ivy at kumunot naman ang noo nung babae "Pwede po.. Pero para saan?" tanong pa nya at nakita kong nag labas ng sobre si ivy at medyo maumbok at nang masilip ko ay pera ang laman nun tyaka nya inabot sa babae na halata namang nagulat "Kapag may pumunta dito na kahit na sinong nag hahanap ng cctv footage sa rooftop wag na wag mong ipapakita.. At sabihin mong matagal na yun nabura.. Nag kakaintindihan ba tayo?" nakangising tanong ni ivy "Don't worry.. Bukas babalik ako dito.. Dadagdagan ko pa yang pera na ibinigay ng friend ko kung ititikom mo yang bibig mo about sa cctv footage na yan.. " dagdag pa ni athena kaya napa buntong hininga ako Ngumiti yung babae at dahan dahang inilagay sa bulsa nya ang sobre.. Nakita ko ang pag kalaki laking ngiti nila ivy, athena at akira kaya naman napaiwas na ako ng tingin 'Hindi to tama.. May magdudusa sa hindi naman nila ginawa.. ' "Ako na lang ang titingin sa footage, intayin nyo na lang ako sa car okay?" nakangiting tanong ni ivy "Baka naman mag kasakit kana nyan shine sa pagiging tahimik mo.. Gusto mo bang iuwi kana namin?" tanong ni akira pero umiling lang ako "I'm okay.. Tara na sa kotse" sabi ko at nauna ng pumasok sa loob tyaka sila sumunod Pag pasok ko ay agad akong sumandal at tumingin sa bintana para naman irelax ang sarili ko.. Pero sa hindi ko inaasahan ay nakita ko sya at deretsyong deretsyo ang tingin nya sa'kin kaya naman nakaramdam ako ng kaba.. 'Mukang mapapasama pa ako.. ' Madison's POV; Nakaupo kami ngayon sa bench dito sa prisinto at inaantay sila zeke.. Ilang minuto lang ay bumukas ang gate at agad silang lumapit sa'min "Bakit pumunta kapa dito? Baka mapasama ka nyan.. " pag aalala ni andrew at agad na niyakap si angel "Nag aalala na ako sayo.. Okay lang ba kayo?" pag aalalang tanong ni angel at tumango naman si andrew "Okay lang kami.. Matatapos din lahat ng to kaya wag kana mag alala ha.. " sabi pa ni andrew pero hindi ko na sila inintindi at bumaling kay zeke "Kumain naba kayo?" tanong ko at tumango naman sya "Kakagaling lang din ng parents namin dito kasama yung magiging abogado namin.." sabi nya at kita ko sa mga mata nya ang lungkot kaya hinawakan ko ang kamay nya "Wag kang mag alala malulutas din lahat ng to.. Tatlong araw ang trial court kaya may oras pa para humanap ng ebidensya.." sabi ko at ngumiti sya sabay tango "Naniniwala kana ba sa'kin na wala talagang nangyari sa'min?" tanong nya kaya napakunot ang noo ko dahil may kokonting duda pa rin ako na nararamdaman pero ngumiti ako "Naniniwala na ako.. At gusto ko din na malaman yun mismo sa lalabas na ebidensya.." sabi ko pa pero nabaling ang atensyon ko kay lucas "Bakit may pasa ka? Anong nangyari sayo?" pag aalalang tanong ni lucas "Nag kita kami nila athena kahapon sa cr ng mall.. Tinulak nya ako sa pader at medyo napalakas yun" sabi ni keila kaya napatingin ako kay lucas na sobrang kunot na kunot na ang noo "Bakit ba ginagawa nila to.." usal pa ni lucas kaya napailing ako "Si chloe nga pala? Bakit hindi nyo kasama?" tanong ni andrew "May pupuntahan daw sya e.. Kasama nya si eun woo at si clyde" sabi ni angel at tatango tango sila "Wala ba kayong natatandaan na pwedeng maging witness? Para mas mapadali ang kaso nyo.. " tanong ko pero umiling sila "Hindi ko na matandaan yung mga nandoon sa party dahil sobrang nalasing ako.." sabi ni zeke kaya napabuga ako ng hangin at hinawi ang buhok ko "Sana magaling ang abogado na nakuha nila.. Dahil kapag pumalya sya sa kulungan ang bagsak namin" sabi naman ni andrew "6 to 7 years ang itatagal namin sa kulungan kapag nag kataon.." dagdag pa ni lucas kaya sabay sabay kaming napa buntong hininga 'Nagiging maayos na ang lahat pero pilit na ginugulo nila ivy... '
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD