Naghihintay na kami ngayon sa barkong sasakyan namin. Maaga kaming umalis ng inn na tinutuluyan namin kanina ngunit papasikat na ang araw ay hindi pa kami nakakasakay. “Nako! Mukhang mali ang kalkulasyon mo, Loki. Mukhang pahirapan din ang sasakyan natin dito tapos dalawang beses pa tayong sasakay ng barko. Nasi-seasick na kaagad ako.” Umarte pa si Freyja na masusuka. Tinawanan ko lamang naman siya dahil napapansin ko na naman ang pagsisimula niya sa pang-aasar kay Master Loki. Hindi niya talaga pwedeng ipagpaliban ang pang-aasar niya rito kahit isang araw. Siguro’y ganoon niya iparamdam ang nararamdaman niya para kay Master Loki. “Ilang araw na pong matumal ang mga barko, Ma’am. Dahil po ata sa hindi kagandahang panahon sa bandang Thule.” Napalingon kami sa isang lalaki nang magsalita

