Halos maghubad ako ng aking damit dahil nang makarating kami sa labas ng Milkagard ay sobrang init. Si Freyja ay panay ang pagyapay sa sarili gamit ang kanyang kamay. Si Master Loki naman ay parang wala lang sa kanya iyon, at ako, gusto ko na talagang maghubad dahil sa init din na nararamdaman ko. “Hanggang Valland ay makakaramdam tayo ng matinding init pero pagdating natin sa Brentland, sobrang lamig na roon,” pagpapaliwanag ni Master Loki. Nakasakay kami sa isang horse carriage at papunta na kami ngayon sa sakayan ng tren para makapunta kami ng Valland. Pagkatapos nito ay sasakay naman kami ng barko papunta ng Brentland. “Hindi mo naman sinabi na kadikit na pala ng araw ang lugar na ito. Kay init! Pakiramdam ko natutunaw na ang balat ko!” singhal ni Freyja bago isalpak ang sarili sa s

