Hinahapo at pinagpapawisan ako matapos ang aking pagsasanay kasama si Master Loki. “You did great, Haze,” sambit niya sa akin habang may ngiti sa kanyang labi. Ang isang kakaibang metal na hindi ko alam kung saan niya nakuha ay ginamit namin para sa pagsasanay kong ito. Noong una ay hirap na hirap akong damplisan man lang ang metal na iyon ngunit ngayon ay nagawa ko nang matunaw ito makalipas ang ilang araw na pag-eensayo. Base na rin sa ekspresyon ng mukha ni Master Loki ay natutuwa siya sa naging resulta. “This is a special metal from Nidavellir. They are the world of the dark elves and are famous for being master smith and craftsmen. Ang metal na ito ay hindi basta-basta matutunaw ng kahit anong apoy…maging apoy man sa Muspelheim, but you who melted this special metal…it indicates so

