Para pa rin akong wala sa sarili habang nakatingin kay Master Loki habang hawak ko ang isang kamay kong tila namamanhid dahil sa apoy na nagmula mula rito. Si Master Loki ay gulantang pa rin sa nakikita niyang apoy na tumutupok sa mga puno rito sa gubat. Ilang kurap pa’y nakabalik na rin siya sa katauhan niya. “Haze! Make an ice now!” utos niya sa aking hindi ko kaagad nagawa dahil sa pagkakawala sa sarili. “Now!” Bumalik ako sa katawang lupa ko dahil sa sinabi niya. Nilapitan ni Master Loki ang apoy at tiningnan kung anong ginagawa rin habang ako ay sinusubukang magpalabas ng yelo gamit ang kaliwang kamay ko dahil may sakit na nararamdaman ang aking kanan. Akala ko pa noong una ay hindi ko mapapalabas dahil natataranta ako pero nagawa ko naman. Tila ba nilamon ng yelong lumabas sa kam

