Nasa kalagitnaan kami ng kagubatan at natagpuan namin ang lagusan papunta sa Vanaheim. Si Jormungandr ay nagpaliit na ng kanyang size at gumapang papunta sa balikat ni Freyja. Noong una pa nga’y ayaw ni Freyja. Idinadahilan niya na takot daw siya sa ahas kahit mukhang hindi naman iyon ang totoong dahilan. “Mag-iingat kayong dalawa. Jormungandr, siguraduhin mo na makakapagbigay ka ng balita sa amin kapag may pagkakataon. Mas malaya kang makakakilos dahil mahihirapan naman silang makita ka. Dito lamang kami ni Haze at maghihintay sa pagbabalik niyong dalawa,” pagpapaalam ni Master Loki sa dalawa. Ngumuso si Freyja at tumango. “Huwag kayong mag-alala, kapag may nakuha kaagad akong mga impormasyon ay ihahatid ko kaagad sa inyo,” sabi ni Jormungandr sa isang maliit na tinig. Sa ngayon ay n

