Nakarating na kaming muli sa Valland. Mabuti nga at saktong pagdating namin ay tsaka lamang din tumulo ang ulan. Pabago-bago ang panahon. Parang kanina lamang ay mainit at tirik ang araw tapos ngayong gabi ay biglang umulan. Sa inn na tinuluyan namin kahapon kami nagtungo. Mabuti na lamang din at may sapat pang kwarto para sa aming apat. Muli ay hindi ako hinayaang magsolo sa kwarto dahil nag-iingat pa rin kami. Maaaring may magtangka na naman sa buhay ko. Nagpahinga at bihis lamang kami sandali bago kami lumabas ng aming mga silid upang makakain ng hapunan. May kainan naman sa baba ng inn kaya’t hindi na naman kinailangang lumayo at lumabas. Habang naglalakad papunta sa kainan ay napatingin ako sa bintana. Ang lakas ng ulan at may kasama pang kulog at kidlat. Parang bigla na namang nag

