Naging mapayapa ang aming pagpunta ng syudad ng Asgard dahil walang masyadong bantay. Kung mayroon man ay nakakapagtago naman kami. Abala ang mga tao. Panay ang pagtawag ng mga tindera sa mga suki nila upang lumapit sa kanilang tindahan. Kami naman ay natural lamang na naglalakad upang hindi halatang may mga itinatago. “Wala pa ring pagbabago, ‘no? Ang ingay pa rin dito. Parang ang tumahimik lamang ay ang palasyo,” si Freyja na nasa gilid ko. “Oo, noong nagpunta ako rito upang kumuha ng impormasyon, mukhang may mga kinakaharap na problema ang palasyo kaya’t hindi na itinuloy muna ang patimpalak para sa pagpili ng susunod na hari. Nagulat ako na sumali pala si Haze roon noon?” mahinang sambit ni Jormungandr sa may likod ko. Tumango na lamang ako. Ayoko na ring balikan ang mga kaganapan

