Sa pagkakaalala ko, ang sabi ni Master Loki ay nasa pangangalaga na ni Master Odin ang Eternal Flame na kinuha nito kay Sutr noon. Hindi ko akalain na rito ko rin ito makikita. “Okay! Pero hindi naman ito ang ipinunta natin. Tara na, Haze, mukhang may daan dito patungo ng basement.” Naririnig ko ang paglayo ng boses ni Freyja, indikasyon na naglalakad na siya papaalis. Hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Freyja at nakatitig pa rin sa Eternal Flame. Maliit lamang kung tutuusin ito. Ngunit ang nagpapalaki rito ay ang apoy na nakapaligid sa maliit na bilog sa gitna. Huminga ako nang malalim at naglakad papalapit doon. Itinaas ko ang aking isang kamay at tinatangkang hawakan ito. Para akong biglang nawala sa sarili nang makita ko ang Eternal Flame. Para akong tinatawag nito. “Haze!” mahina

