?SECRET DESIRE?
LEXIE ERA
?FOURTEEN
"BUTI naman at nandito ka nicky..itong ate faye mo daig ko pa ang anak na pinagsasabihan nito..bungad nang madrasta sa kanya.
nadatnan niyang nagtatalo ang dalawa sa hindi malinaw na dahilan.
"panong hindi ako magagalit..binenta niya si lavenia at pinilit pag trabahuin sa kabaret kaya hayon lumayas..at alam mo ba kung saan siya sumama kay jeff na isang kriminal,
tigagal siya na narinig mula sa ate niya. tinutuo nito ang sinabi sa kanya nuon.,
"bakit niyo nagawa to inay? galit niyang tanong dito na umiyak.
"sige pag tulungan niyo ako, tutal ang gagaling niyo. malalaki na kayo at kaya niyo na ang sarili niyo.wala kayong mga utang na luob sakin na mag aruga sa inyo simula ng maliliit pa kayo. sumbat nito sa kanilang mag kapatid. ni walang pag sisising makikita sa hitsura nito,
"ang punto ko dito inay bakit niyo nagawa ito kay lavenia??galit na tanong ng ate faye niya sa ina.
"bakit??..."pag diko ginawa may kakain ba tayo??ikaw nicky simula ng sumama ka kay tristan naalala mo pa bang mag abot ng pera sakin araw -araw..? mas mabuti pa nuong nasa kabaret ka dahil lagi akong may pera..bulyaw nito sa kanya.
"inay puro pera nalang ba ang mahalaga sa inyo?? wala na ba kaming importansya sayong mga nak mo? punong puno ng hinanakit na tanong ni faye sa ina na panay pahid ng luha sa mga mata.
"alam niyo puro kayo drama..halika sumama ka sakin..anitong kinaladkad si faye palabas nang bahay.
"inay saan niyo po dadalhin si ate faye? habol niyang tanong dahil wala ring magawa ang ate niya sa lakas nang kanilang ina.
"bitiwan niyo ako inay..palahaw ng kanyang ate ng tuluyan itong mailabas ng bahay..nakaagaw narin sila ng pansin sa mga tsesmosang kapit bahay at ngayon ay sinusundan sila ng tanaw.
samot saring kumento ang naririnig niya na hindi maganda laban sa kanilang pamilya na alam naman niyang hindi makakatulong.
"inay bitiwan mo si ate saan mo ba siya dadalhin.??.pigil niya sa dalawang kamay nito.
"kung hindi si lavenia ang mag bibigay ng pera sakin pwes ang ate faye mo nalang..bulyaw nito na sinampal ang nag pupumiglas na ate niya.. halos mapunit na ang suot nitong blusa dahil hawak ito ng magdrasta sa damit.
nuon dumating ang nubyo nitong si emerson na humahangos.
"tita bitiwan mo si faye..galit nitong itinulak ang kanyang madrasta bago niyakap ang umiiyak niyang kapatid.
"anu ba sa akala mo ang ginagawa mo? sa tingin mo mananalo ka sakin? galit na muling lumapit ang ina nito sa binata.
"heto ang pera hayaan mo nalang si faye..anito matapos bumunot nang lilibuhin sa wallet saka inabot sa nakangisi nang babae matapos abutin ang hawak na pera ni emerson.
"kung ganyan ba kayo lagi sakin wala sana tayong magiging problema..diyan na nga kayo.. anito saka tumalikod.
"diyos ko ate faye...yakap niya sa kapatid na umiiyak din.at awang awa siya dito.
"sumusubra na talaga siya..hindi ko na siya kaya..galit na sinundan ito nang tingin ng ate niya saka pumasok sa luob ng bahay saka nag impaki..
nakatingin lamang sila ni emerson sa ginawa nito..siya may di makapag isip sa dapat nilang isusunod na hakbang.
"ate anong gagawin mo? tanong nalang niya sa kapatid.
"diko na siya matatagalan pa nicky.. wala nasa katinuan si inay..anu, lahat tayo ibebenta niya para lang sa pera??"ngayon nauunawaan ko si lavenia kung bakit siya nag layas kaya aalis narin ako dito. anito matapos mag lagay nang damit sa isang bag.
"pero saan ka pupunta..? naguguluhan niyang tanong.
"i can help you..singit ni emerson na kinuha ang bag na hawak ng ate niya.."you can stay with me..dagdag pa nito.
"thank you emerson..naluluhang sabi ng ate niya matapos balingan ang nubyo.
"kung ganun halina kayo bago pa tayo maabutan ng inay niyo.
"pwedi ba akong sumama gusto ko lang malaman kung saan ko pweding puntahan si ate faye..nakikiusap niyang sabi sa lalaki.
"sure lets go..tugon ng lalaki na inakbayan ang girlfriend palabas ng bahay.
matagumpay silang naka alis at sa isang bahay sila dinala ni emerson.. maayos ang bahay malinis at malawak iyon..kompleto din sa gamit.
"kaninong bahay to? tanong nang kanyang ate na siya ring dapat niyang itatanong sa nobyo nito.
"this is my private place, pinamana sakin to ni dad para sa magiging future wife ko.. have a sit..baling nito sa kanilang dalwa.
halatang maalwan ang buhay nito kaya alam niyang nasa maayos ang ate nicky niya at hindi ito pababayaan ng nubyo..sa bagay na iyon panatag ang luob niya.
"ayaw ko pang mag asawa emerson gusto ko lang linawin sayo..matapat na sabi ng ate niya.
ngumiti ang lalaki.
"i know... ako rin naman sa ngayon lalo at medyo magulo ang sitwasyon.. pero i wanna make sure that your safe..di naman ako papayag na mag pakalat-kalat ka kung saan..mahal kita faye..sabi nito na nakatingin sa ate niya.
"thank you..tugon nang ate niya.
napangiti siya sa dalawa..
"ahm ate medyo alanganing uras na babalik na ako sa bahay. baka hinihintay na ako ni tristan, pagdadahilan niya para makapag usap ang dalawa ng maayos.. kahit ang tutuo hindi alam ni tristan kung nasaan siya." gustuhin ko mang makita si lavenia ngayon hindi pwedi..tawagan mo ako kung kilan natin siya kukunin mula sa poder ni jeff..muli ay sabi niya.
"ihahatid kita nicky..gabi na baka dilikado? ani emerson.
"wag na kaya ko ang sarili ko kailangan ka ni ate dito.
niyakap siya nang kapatid bago sila nag hiwalay.. nag taxi siya papuntang buz station.. saktong pasakay na siya ng tumunog ang cellphone niya..si tristan iyun tumatawag.
"hello..alanganin niyang tugon, hindi kaya nalaman nito kung nasaan siya.
"where are you? bungad nito.. mukang siryuso.
"ahm..nasa bahay ako.pag sisinung aling niya.
"nicky..nasaan ka yung tutuo? galit na ang boses ni tristan?
"nasa bahay nga..bakit ba?
"wala ka sa bahay i know marami akong naririnig na ugong ng mga sasakyan, at sigaw ng tao sa paligid mo at maliban duon nararamdaman kung nag sisinung aling ka.. muli ay sigaw nito.
napakagat labi siya sa di alam ang sasabihin.. hindi pa niya nasasagot si tristan kung nasaan siya nang may bumangga sa kanya. sa lakas nang pagkaka bangga sa kanya tumilapon ang celphone niya at nag kalasog-lasog iyon.
naiinis niyang binalingan ang allaking bumangga sa kanya.
"bulag kaba? bulyaw niya dito bago pinulot ang nasirang cellphone.. pero natigilan siya ng makitang titig na titig ang lalaki sa kanya..
"ikaw nga..ngisi nito..
at bago pa niya maisip na nasa piligro siya hawak na siya nang lalaki..
walang pasubaling kinagat niya ang kamay nitong may hawak sa kanya dahilan para mabitiwan siya ng lalaki.
"takbo nicky..!!!utos niya sa sarili saka kumaripas nang takbo..hindi na siya nag abala pang ayusin ang cellphone para matawagan si tristan,, mas kilangan niyang iligtas ang sarili...
kita niya kaagad ang pag habol nang lalaki sa kanya kaya nahintakutan na siya.. nangatog ang mga tuhod na halos mag pabagal sa takbo niya.
nakipag siksikan siya sa mga taong naruon para makapag tago. hindi niya kilala ang lalaking iyon pero may kutob siyang tauhan iyon ni gabriel.
nang mawala sa paningin niya ang taong humahabol sa kanya mabilis siyang tumawid nang kalsada upang mag para nang taxi, babalik siya sa bahay nang ate faye niya..
pero sa kasamaang palad nabundol siya ng isang pampasaherong sasakyan.
**
TAHIMIK SI TRISTAN na binabasa ang files nang bagong hawak na case habang pinag aaralan ang susunod na hakbang.. na trace niya na kung nasaan si mr. santiago at madali nalang niya itong malalapitan kaso masyadong mailap sa tao ang matanda. halatang nag tatago ito dahil sa pinaka liblib nang cebu ito naruon kasama ng mga maralitang nakatira sa nasabing lugar. tinakasan nito ang magulong buhay sa syodad maging ang mga anak na di mag kakasundo..
simple lang ang gagawin niya hihimukin niya nalang niya itong bumalik sa pamilya.
ang kaso mukhang wala itong plano.
biglang tumunog ang cellphone at si kyle ang nasa screen.
"was up"..
kadarating ko lang nasa naia terminal ako..pwedi ba tayong magkita??
"b -bakit? nauutal miyang tanong dahil hindi niya akalaing uuwi ang kaibigan ng agaran.
"mrs shin urgently need to find her daughter..so i decided to help you..baka sakali mas mabilis nating mahanap ang anak nito.
napabuntong himinga siya.
"kaya kung resulbahin ang kasong to kyle you have to trust me..
"yeah i did..yun ngalang minamanadali ako ni mrs shin. ikaw kaya magsalita nang hangul araw-araw kung dika manawa..
narinig niyang tumawa si kyle sa kabilang linya.
"please kyle give me some time.. and i promise ako mismo ang magdadala sayo sa anak niya. problemadong saad niya dahil hindi niya alam lung makakaya niyang mahiwalay si nicky sa kanya.
"okay..one week is enough..anito sa kanya bago pinatay ang linya.
saglit siyang natitigilan habang nakatingin sa cellphone.
hindi pa siya handa para maghiwalay sila ni nicky..paano niya ba ito itatago kay kyle.
ilang saglit lang nang maisipan niyang tawagan ang kasintahan upang kumustahin. pero bumungad sa pandinig niya ang maingay na paligid ni nicky. napatayo na siya nang ilang sandali nilang pag uusap nito ay tila nakangingilong ingay ng pagbagsak ng phone nito ang narinig niya bago ito nawala sa linya.
wala sa bahay ang nobya alam niyang nagsisinung aling ito.
mabilis niyang tinawagan ang linya nang telepono sa bahay upang kausapin at malinawan kay manang ester.
"sir.. tristan..matagal bago sinagot ng ginang ang telepono at may takot siyang nabanaag sa boses nito.
"magsabi ka sakin ng tutuo manang ester nasaan si nicky..? may warning ang boses niyang tanong.
"sir sabi ni m'am nicky saglit lang siya pero heto at gabi nay wala pa. tugon nito na lalong nahintakutan.
mabilis niyang niligpit ang gamit at nag check out sa hotel na tinutuluyan..duro diritso sa cebu international airport. nag book nang flights pabalik sa manila.
"nicky hindi ko kaya kung mawawala ka sakin.. bulong niya sa labis na pag aalala habang pilit kinU contact ang cellphone nito. damang dama niyang may masamang nangyari dito.. at sinisiguro niyang hindi niya mapapatawad si gabriel,siya mismo ang papatay sa lalaki kapag tuluyang mawala si nicky sa kanya.