CHAPTER 1
SAGLIT natigilan si nicky sa pag aayos nang sarilii matapos marinig ang malalakas na sigawan mula sa labas nang kanyang kwarto.. alas otso na nuon at papasok na siya sa kabaret upang kumayod nanaman para kumita nang pera..
boses nang kanyang madrasta at nang ate faye ang naririnig miyang nag aaway mula sa labas at ang pinag aawayan nang dalawa ay tungkol sa pera. kanina lamang nang umaga siya nag abot nang diyes mil sa madrasta na kinita niya buong mag damag sa pag bebenta nang sariling laman subalit parang naubos na iyon sa sugal.. at ngayon ay walang maibili nang pag kain ang mga ito.
"manghinge ka kay nicky nang pera wag sakin..bulyaw nito sa anak na nuoy kadarating lang galing sa skwelahan.
nasa koleheyo na ang ate faye niya at graduating na ito kaya umaasa siyang pag naka graduate na ito'y pwedi na siyang umalis sa pinapasukang kabaret dahil sukang suka na siya sa trabaho niya..
"alam ko namang ibinibigay ni nicky sayo lahat nang kinikita niya..anu naipatalo niyo nanaman ba sa sugal? galit din ang boses nang kanyang ate faye.
kung tutuusin pwedi niyang layasan ang impyernong buhay niya sa piling nang hindi niya tunay na pamilya subalit tinakot siya nito na kapag nangyari iyon ay si lavenia ang ibubugaw nito.
bunsong kapatid ni faye si lavenia at sixteen years old palang na ngayon ay 2nd year high school na..
hindi niya naman maatim na gawin iyon ng sariling ina sa anak. kaya pikit mata niyang nilulunok ang nakakapandiri niyang trabaho.
sinubukan niya na narin dati pumasok bilang sales lady sa mga mall kaso kakarampot ang sweldo..
kung sana hindi namatay ang kanyang ama..marahil nakatapos siya nang pag aaral.. pangarap niyang maging isang flight attendand dahil gusto niyang makarating sa seoul kung saan naron ang kanyang ina na siyang nag abanduna sa kanya..
ayon sa ama dati itong tourist guide kung saan nakilala nito ang kanyang ina. nagkabutihan ang dalawa hanggang sa nag kaibigan at tuluyan na siyang nabuo.
subalit kinailangan nitong bumalik nang korea, ganun man nangako itong babalik ngunit lumipas ang maraming taon na hindi nangyari iyun, ganun man maayos siyang naitaguyod mag isa nang kanyang ama.
first year high school na siya nang muling mag asawa ang kanyang ama. may dalawang anak sa una ang babae at iyon ma nga si lavenia at faye.
nuong una maayos naman siyang pakitunguhan ng madrasta subalit mag bago iyon nang ma stroke ang kanyang ama at mahinto ito sa pag hahanap buhay.
hanggang sa tuluyang pumanaw ang kanyang ama..duon mag simula ang kalbaryo nang buhay niya. pinahinto siya nang pag aaral nito at pinag trabaho kung saan saan. nalulong din ito sa sugal kaya nabaon ito sa utang na siyang ginawang kolateral.
ibenenta din siya nito sa isang malupet na chiness.. mabuti nalang at nakatakas siya. ngunit sa huli ay sa kabaret lang din ang bagsak niya kaya heto siya isang bayarang babae.
ganun man umaasa siyang balang araw may taong sasagip sa kanya mula sa madilim niyang mundo iyon ay ang kanyang ina.
"makonsinsya naman kayo inay, pinag hirapang kitain ni nicky ang perang iyon tapos ipapatalo niyo lang sa sugal.. muli nanaman niyang marinig na sumisigaw ang kanyang ate faye.. kasunod nuon ay ang pag lagapak nang mukha nito matapos sampalin nang ina.
"wala kang karapatang pangaralan ako dahil anak lang kita..gagawin ko lahat nang gusto ko.. bulyaw nang ina nito.
"alam niyo inay ikinahihiya ko kayo,pag nakatapos ako nang pag aaral ilalayo ko dito ang mga kapatid ko.. at kayo, bahala na kayo sa buhay niyo. narinig niyang umiiyak na sigaw nang ate faye niya.
"sige gawin mo..hindi kapa man nakakatapos mataas na ang tingin mo sa sarili mo..
"talaga inay..at yang si nicky iwan ko nalang kung kilalanin kapa pag dating nang araw sa ginawa mo sa kanya.. padabog nitong tinungo amg sariling kwarto.
bumuntong hininga nalamang siya sa mga narinig..sanay na siya sa ugali nang madrasta..dahil lahat silang magkakapatid ay parang impyerno ang buhay sa luob nang bahay na iyon.
"nicky may pera kaba diyan? salubong ng madrasta pag labas niya nang kwarto.
"wala na po.
nagalit ito at piniga ang braso niya.
"magbibigay ka o lalagyan muna kita nang pasa bago ka pumasok. galit at nanlilisik ang matang sabi nito.
wala siyang magawa kundi ibigay ang matitirang limang daan sa walet niya na para sana sa nalalapit na kaarawan ni lavenia.
ngumisi ito saka siya binitiwan.
"magbibigay karin pala hihintayin mo pang masaktan..sige umalis kana at bukas siguraduhin mong marami kang perang dala. kung hindi ilalampaso ko yang mala koreana mong mukha sa espalto..layas na.. pagtataboy nito sa kanya.
tumalikod siyang gustong maluha.
"hi nicky..bungad naman ni jeff pag labas na pag labas niya nang gate..isang taong manliligaw niya ang lalaki. nangako itong ilalayo siya sa masamang mundong ginagalawan kapag sinagot niya ito ang kaso hindi niya ito mahal. at marami siyang isinasa alang-alang. nag aaral pa ang kanyang ate faye at hindi niya maatim na danasin sin ni lavenia ang pait at pighati sa mga kamay nang lalaking nang aalipusta sa kanya..
"ayos lang ako
"ihahatid na kita nicky saka sumama ka sakin may regalo ako sayo.
"regalo?
"oo
"diko naman birthday.
"basta.
sakay nang motor ay dinala siya nito sa isang hotel. . nag tatanong ang mga matang tingnan niya ito subalit napa unat nalang nang tutukan siya nang baril sa tagiliran.
niluko siya ni jeff.
"sumunod ka sakin kung ayaw mong mamatay dito.. masyado kang ma arte hindi naman talaga kita gusto nicky kundi kailangan ko lang nang pera kaya magpakabait ka sakin.
kinilabutan siya bigla sa narinig.. basta nalang siyang nanigas sa kina tatayuan at walang nanulas sa bibig niya. hanggang sa dalhin siya nito sa isang silid.
ignapos siya sa gilid nang kama saka may tinawagan sa telepono. pagkatapos ay nakangisi siyang sinulyapan bago iniwan.
duon lamang siya nakaramdam nang takot at awa sa sarili.. sa madaling sabi ebinenta siya ni jeff.. wala naba talagang katapusan ang ganitong buhay niya.
ilang sandali pay bumukas na ang pinto nang kwarto. isang lalaki ang iniluwa duon at hindi niya alam kung bakit parang ipinako siya sa pagkakatitig sa gwapo nitong mukha, hindi naman sa pagmamalaki pero marami siyang naging customer na mga gwapo subalit ngayon lang siya kinabahan nang ganon na tila siya namatanda sa pagkakatitig dito..
marahan itong lumapit sa kanya..at kinalas ang mga tali niya sa kamay.
"sino ka? anong ginagawa mo dito? naiiyak niyang tanong sa lalaki? ito ba ang lalaking bumili sa kanya.
"wag kang maingay iaalis kita dito.. anitong hinawakan siya sa kamay matapos kalasin ang tali niya.
papalabas na sila nang may apat na lalaking humarang sa kanya.
"Tristan gonzales baka nakalimutan mong milyon ang ibinayad ko sa babaeng iyan.. nakangising sabi nang isang lalaking mukang sanggano sa haba nang balbas.
"dodoblehin ko pakawalan mo lang kami.. matapang na sabi nang lalaking may mahigpit na hawak sa kanya.
humalakhak ito na parang demonyo.
"panu kung ayaw ko? nagbabanta ang boses nitong sabi.
"pwes dadaan ka muna sa ibabaw nang bangkay ko..ikinuble na siya nito sa likuran.
nuon sumugod ang tatlong bady guard nang lalaking sanggano. pero ganun nalang ang mangha niya nang walang anumang bumagsak ang mga iyon sa sahig matapos gamitan nang martial art nang nag ngangalang tristan.
para siyang nasa isang pilikulang inalis sa lugar na iyon.
"okay kalang? nag aalalang tanong nito. kasama na siya ngayon nang lalaki sa luob nang kotse.
hindi niya maintindihan ang nangyayari. shock padin siya..paanong niligtas siya nang lalaking ito. hindi kaya siya nanaginip lamang?
marahan niyang inangat ang kamay at hinaplos ang mukha nang lalaki..
"hindi ka panaginip..aniya nang maramdaman ang init na nag mumula sa pisnge nang lalaki dahilan para dagling bawiin ang kamay..
nakita niyang lumunok ito bago nag iwas nang tingin sa kanya.
"umalis na tayo..anito.
"saan tayo pupunta.?
"sa lugar kung saan hindi ka mahahanap ni gabriel..
naguguluhan siyang gustong maraming itanong..pero walang namutawi sa mga labi niya. para bang dama niyang ligtas siya sa tabi nito sa mga sandaling iyon mula sa nag ngangalang gabriel..