******FLASH BACK*******
TAHIMIK na pinapanuod ni tristan ang babae sa luob nang cabaret kung saan ito pumapasok. tahimik lamang itong naka upo sa couch na parang may malalim na iniisip. isang linggo na siyang pabalik balik sa lugar na iyon upang masiguro kung ito nga ang anak ni blademier salcedo.. ang lalaking naka relasyon ni shin taewoon na boss niya pero dipa nakikilala dahil never niya pa itong nakita in person.. ang kaibigang si kyle ang tanging kausap nito na ayon sa babae ay may nakilala itong blademier salcedo at nag karoon sila nang isang supling.. at ang supling na ito ay nasa twenty years old na ngayon at sa matagal niyang pag hahanap ay dito niya lang pala matatagpuan sa lugar na ito. isang lugar na hindi niya gustong makita reto amg babae.
nasa 5'4 hieght ito makinis matangos ang ilong na bumagay sa maliit at bilugan nitong mukha. mahaba at blonde ang buhok at may kaakit akit na katawan tulad nang mga mata nitong parang nangungusap.. at habang tinititigan niya ito may kung anong meron sa kanya ang parang nag babago.
"anu tristan..tinatanggap mu na ba ang offer ko? tanong ni kyle sa kanya habang kausap niya sa cellphone ang kaibigan.
ang tutuo hindi pa siya umuo sa kaibigan pero ngayon nang makasiguro ay parang bigla siyang na curious.
"okay..tinatanggap ko..wala sa luob niyang tugon na hindi padin matanggal ang mga mata sa pagkakatitig sa di kalayuang babae mula sa kanyang kinaruruonan.
"good decision tristan.. mrs. shin has a huge offer to pay for her daughter..and make sure na mas maaga mo siyang makikita..
"tatawagan kita..putol niya sa linya dahil nakita niyang may lumapit na lalaki sa dalaga at bigla nalang itong dinala sa isang kwarto.
lumapit siya sa counter upang bayaran ang buong gabi nang dalaga.. hindi niya matanggap na inaangkin ito nang kung sinong lalaki. kailangan niya ito mailayo sa lugar na iyon sa lalong madaling panahon.
ilang sandali pa siyang nanatili sa kina uupuan habang umiinom nang alak nang may mapansing lalaking pumasok sa loob nang kabaret. parang pamilyar ito sa kanya di lang niya matandaan kung saan niya nakita. umupo agad ang lalaki malapit sa kina uupuan niya.
may kausap ito sa cellphone.
"sure po yun bukas boss.. maayos akong kausap, madadala ko siya sa hotel at duon ko siya iiwan..,,oo boss..magpapadala ako nang picture,, hindi kana luge kay nicky,,maganda at sexy..okay..bye boss.
nakangisi pa nitong pinatay ang linya.
saglit na parang mabinge si tristan pag karinig nang pangalan ng dalaga. naalala niya na kung saan niya nakita ang lalaking ito. sa isang casino na pag mamay ari ni gabriel dallas. at alam niyang may malaki itong utang sa nasabing tao.. at ginawa pang pambayad ang walang kamalay malay na babae.
gustong gusto niya itong balian nang buto sa mga sandaling iyon pero nag pigil siya. mas may maganda siyang plano. sisiguraduhin niyang si gabriel mismo ang papatay dito,
marahan siyang tumayo matapos takpan nang suot na sumbrero ang mukha saka lumabas nang lugar na iyon.. pa simple siyang lumapit sa motor nitong nakaparada at nilagyan nang tracking device. upang masundan niya kung saang hotel nito dadalhin si nicky bukas.
muli siyang bumalik sa luob nang kabaret. hihintayon niya hanggang sa makauwi si nicky bukas. duon narin siya natulog.
pasado ala sais kinabukasan nang lumabas si nicky. sumakay ito nang jeep at at dumiretso sa sementeryo na ipinagtaka niya. nag alay ito nang bulaklak sa isang puntod habang umiiyak na parang nakikipag usap sa naroon.
tahimik lamang siyang pinaninuod ang dalaga sa di kalayuan upang hindi siya mahalata ngunit gusto niya itong lapitan at aluin. bagay na hindi maintindihan sa sarili.
paglipas nang ilang sandali ay umalis na ito. palihim siyang lumapit at tiningnan ang pangalan sa lapida upang masiyahan siya.
"ikaw nga..bulong niya na malalaking hakbang na sinundan muli ang babae.
sumakay ito sa isang jeep at dumiretso sa isang squater area. maraming tao kaya hindi na siya makapasok. ginamit nalamang niya ang binocular upang tanawin ang dalaga. pumasok ito sa isang di kalakihang bahay.
sa ngayon alam niyang ligtas na ang babae sa lugar luob ng bahay kaya mamayang hapon niya ito babalikan.
umuwi muna siya nang bahay dahil nanlalagkit ang buong katawan niya sa mag damag. kilangan niyang maligo at matulog dahil napuyat siya sa pag babantay sa dalaga.
pasado alas siete nang bumalik siya sa squater area na kina ruruonan nang dalaga..sa isang linggong sinusundan niya ito sa kabaret alam niyang alas otso ang pasok nito kaya mejo napaaga siya.. pumuwesto ang binata sa di kalayuan nang bahay nito kaya tanaw niya nang inaabangan ito nang isang lalaking magdadala nito sa hotel tulad nang napag usapan kagabi nang boss nitong si gabriel dallas.
pag labas nang dalaga walang anumang sumama dito si nicky na para bang close ang dalawa dahil walang kaalam-alam ang dalaga sa plano nang lalaki dito.
sakay nang kotse ay sinundan niya ang dalawa. medyo nahirapan lang siyang sundan ito dahil ma traffic kaya nawala sa paningin niya ang sinasakyang motor nang dalawa at sa tulong ng tracking device na ikinabit niya sa motor nh lalaki ay natuntun niya ang hotel na pinag dalhan nito sa dalaga.
alam niyang mahirap ang gagawin niya dahil makapangyarihan si gabriel, marami itong tauhan subalit hindi iyon basihan para hayaan miyang mapasakamay nito si nicky. graduating siya nang criminology at may alam siya sa martial art kaya gagamitin niya iyon para maitakas ang babae.
kung dahilan iyon sa malaking perang makukuha niya sa ina nito iyon ay hindi na mahalaga.