MATAGAL NA nag maneho ang lalaki bago nito itinigil ang sasakyan sa isang napakagandang bahay na sa tv niya pa lang nakita,namimilog ang mga mata ni nicky sa pag ka mangha habang nakatingin magandang bahay na masa harapan niya. nakatira lamang sila nang ama sa maliit na bahay at nasanay siya sa ganung lugar kaya siguro ganun nalang ang naging reacsyon niya. maging sa inuupahan nila ngayong bahay kasama ang pangalawang pamilya.
nagulat pa siya ng kusang bumukas ang gate gamit lamang ang isang maliit na bagay na hawak nang lalaki..kung anuman yun ay di niya alam.
nakanganga siya habang sinasalubong nang tingin ang lalaki matapos bumaba sa sinasakyang kotse at pag buksan siya ng pinto.nakadama bigla siya ng hiya sa sarili.. parang hindi niya deserves pag silbihan ng ganun.
"halikana..nakangiting sabi nang lalaki. ngiting nag bigay sa kanya nang kakaibang kaba sa dibdib tulad kanina nang una itong makita.
"salamat pero bakit dito mo ako dinala? naka kunot nuo niyang tanong pagkababa ng kotse.
"dahil safe ka dito. saka pasinsya kana hindi ako nakapag pakilala nang pormal kanina dahil sa nangyari.. ako nga pala si tristan.. nag lahad ito nang palad.
"ako si nicky..salamat nga pala.. tipid niyang tugon na inabot ang nakakapaso nitong kamay.
"pumasok na tayo..anitong iginiya siya sa luob.
kahit di alam kung hanggang kilan siya mag tatago sa lugar na iyon ay sumunod nalamang dito.
kung paano siya namangha sa labas nang bahay nito ganon nalang din ang pag kamangha niya sa luob matapos mapag masdan ang mamahaling gamit nang lalaki matapos ilibot ang paningin sa buong paligid.
naagaw pa ang attention niya sa picture ni tristan na naka suot nang uniporme nang isang police.
"mag isa kalang ba dito? nagawa niyang itanong habang di maiwasang titigan ang mga litrato nitong nanduon.
"oo..hiwalay na kasi ang mga magulang ko at nasa ibang bansa sila pareho kaya feel at home.. pwedi mong gawin lahat ng gusto mo.. siya nga pala kumain muna tayo.
nag pa tiuna ito sa kumidor.
"isa ka palang police kaya pala ang galing mo kanina..palatak niya.
"dati, pero umalis na ako sa serbisyo. masyadong magulo at maraming inggit.. nakakapagud. sagot nito na inalalayan siyang umupo sa isang silya.
pagkatapos ay lumapit ito sa isang mataas na refrigerator saka kumuha nang isang buong manok at ininit sa microwave.
"kung ganun anu nalang pinag kakaabalahan mo ngayon? tanong niya muli sa lalaki na para bang gusto niyang kilalanin.
"isa akong private ditective.. anito habang naglalagay nang plato sa mesa.
"anong ibig sabihin nun? takang tanong niya dahil sa tutuo lang ay hindi niya alam kung anong uring trabaho iyon.
"sa ngayon may kaso akong hawak its a personal matter..hindi siya pweding idetalye.. mas lalo siyang maguluhan sa tugon nito.
"kasong hawak?diba parang gawain din nang police yun? inosenti niyang tanong.
"yup,ang kaibahan lang wala akong boss, mag isa kung nilalakad, hawak ko ang oras ko at pwedi kung gawin kung kilan ko gusto. himig paliwanang nito.
"ahhh...tugon niya na kahit papano na getz ang ibig nitong sabihin.
nginitian siya nito sa pagkakatitig sa kanya.
"so kumain na tayo.. anito nang marinig ang pag lagitik nang microwave oven. na inilabas ang ininit na lechon manok. ipinag lagay din siya nito nang pag kain sa plato na sa kauna unahang pag kakataon may taong mag silbi sa kanya. na para pang isa siyang special na tao tila isa siyang prinsesa.
isang bagong pakiramdam iyon sa kanya dahil simula nang pumanaw ang ama ay naging alila siya sa bahay.. taga laba,linis,luto,plantsa kahit pa buong mag damag siyang nag tatrabaho sa kabaret.
at dahil sa bagay na iyon ay napa iyak siya na ikinatigil nito.
"may problema ba?kunot nuo nito habang nakatingin sa kanya.
hindi siya naka tugon na lalong nag pumiglas ang luha niya dahilan para mataranta itong nilapitan siya.
"may masakit ba sayo? hindi nito napigilang hawakan siya sa kamay at naramdaman niya rin ang pag lapat nang palad nito sa likod niya.
"okay lang ako..salamat..anu kase ngayon lang ako makakain nang manok..tugon niyang parang batang nag punas ng luha sa mata.
sa sinabi niya tulala itong napatitig sa kanyang mga mata. titig na di niya maintindihan kung bakit sa dinami dami nang lalaking dumaan sa bihay niya nakakaramdam siya ng wierd na pakiramdam na first time nangyayari sa kanya. sa buong buhay niya.
"yun lang ba..dont wory simula ngayon madalas ka nang makakakain nito, pag kuway seryuso itong bumalik sa dating kina uupuan.
nagsimula na silang kumain na panaka naka siya nitong sinusulyapan na sa tuwing mag tatama ang mga mata nila nginingitian lang siya nito.
napakahiwaga para sa kanya ng lalaking ito, na nag sugal ng buhay para sa kanya at palaisipan kung bakit ito dumating para lang iligtas siya.
pero bakit pa ngaba siya mag tatanong..lalaki ito at isa lang ang habol nito sa kanya kung bkit nagawa siya nitong tulungan walang iba kundi ang katawan niya.
pagkatapos nilang kumain dinala siya nito sa isang kwarto... napakagandang kwarto kasing luwang iyon nang halos buong bahay nila..siguro hudyat iyon para simulan niya narin ang trabaho kaya nag simula na siyang mag hubad habang nakatalikod at inaayos nito ang kama.
"magpahinga kana at sa kabilang kwarto ako......hindi nito naituloy ang sasabihin ng malingunan siyang walang kahit na anumang sapin sa katawan. para pa ngang nanigas ito sa kinatatayuan nang marahan siyang humakbang at ikinawit sa leeg ang kamay niya at siniil ito nang halik sa labi?
naramdaman niya kaagad ang mainit at malambot nitong labi na nag pahina ng tuhod niya..pakiramdam na ngayon niya lang naramdaman. napasinghap pa nga ito dahil sa pag kagulat kaya napa awang ang labi nito dahilan para maipasok niya ang dila sa kaluob luobang ng bibig nito..
hindi niya ipinag mamalaki ang trabaho niya pero dito siya magaling ang mang akit nang lalaki. dito siya kumikita para mabuhay ang kanyang pamilya.dahil kung wala siyang kikitain dila lamang ang walang latay sa kanya dahil sa malupit niyang madrasta.
siguro nga wala na siyang natitirang kahihiyan sa sarili dahil hindi na kailangang mag salita nang costumer niya kung anong dapat niyang gawin. iyon ang bagay na hinahanap sa kanya nang mga lalaking nakakasama niya sa kama.
pero mukang hindi nagustuhan ng lalaki ang ginawa niya matapos siyang hawakan sa mag kabilang balikat at ilayo nang bahagya mula dito at mabilis na binalot nang kumot ang hubad na katawan niya..
hindi rin nakaligtas sa kanya ang pag salubong nang mga kilay nito.. na para bang galit na galit sa ginawa niya.
"ano bang pumasok diyan sa isip mo at ginawa mo to!!!!!! na gimbal siya sa malakas nitong sigaw.
matagal na hindi siya matinag sa pagkakatitig sa lalaki. tutuo ngaba ang naririnig niya. sa unang pagkkataon tinangihan siya ng lalaki.. napaluha nanaman siya sa kaligayahan dahil alam niyang hindi katawan ang habol ng lalaki ito sa kanya.. para pa ngang nag karuon ng kapanatagan ang kaluoban niya dahil nasa kamay siya nang mabuting tao.
"im sorry nabigla lang ako. diko sinasadyang sigawan ka.. hinging paumanhin nito na niyakap siya sa pag aakalang iyon ang dahilan kung bakit siya umiyak.
dagli naman siyang nahinto sa pag iyak saka siya iniupo sa gilid ng kama.
"hindi mo ako naiintindihan tristan.. kailangan ko ng pera para sa pamilya ko.. aniyang malongkot. bigla nalang niya naisip ang madrasta.
"matulog kana..tawagin mo ako sa kabilang kwarto pag may kailangan ka..bukas tayo mag usap ako ang bahala sayo.anito saka lumabas na.
matagal nang nakalabas ang lalaki pero nanatili siyang nakatingin sa pinid na pinto na nilabasan nang lalaki.
may munting kaligayahan siyang naramdaman sa mga sandaling iyun.. at sa wakas panatag siyang nakatulog sa gabing iyun imbis na mag trabaho.