CHAPTER ONE
SIENNA
"Enna, Noel, Roel gising na kayo. Hindi kayo mga anak ng contractor para maghilata lang dito sa bahay. Sabado ngayon kaya kailangan niyo nang kumilos. Baka hindi kayo makaabot ng anihan sa kabilang bayan. Kaya gumising na kayo." Gising sa amin ni Nanay. Sabado ngayon kaya walang pasok. Pero kahit nga hindi sabado kapag may anihan ng palay pina pa-absent niya kami upang mag ani ng palay. Bago ko pala i-kwento ang buhay namin nais ko munang magpakilala.
Ako si Sienna Quinn Valliere pero Enna ang tawag nila sa akin, labing dalawang taong gulang. Magtatapos na ngayon taon bilang elementary. Hindi ko alam kung makapag aral ako ng highschool. Anim kaming magkapatid, ako ang bunso, tatlong taon palang ako nuon ng namatay ang tatay ko sa sakit. Walang pera ang mga magulang ko kaya hindi manlang nadala si Tatay sa ospital, malayo rin kasi kami sa ospital. May nagbigay naman ng tulong pero sa halip na dalhin si Tatay sa ospital pinamili nalang ni Nanay ng bigas at tinapay ni Tatay. Ang panganay naming kapatid nasa simbahan nagta-trabaho bilang katulong ni Father. Pero ang ugali parang dem*nyo. Kahit may pera siya hindi manlang kami tinulungan. Ang kwento nuon ni Nanay habang nagtrabaho si Nanay sa Manila siya ang kumukuha ng padala na pera ni Nanay pero hindi niya pinagamot si Tatay. Pagkatapos niya kunin ang pera na pinadala ni Nanay pinagsusugal niya ito. Dahil wala naman cellphone si Tatay, hindi ni Nanay alam ang pinag gagawa ni Kuya. Hanggang sa umuwi si Nanay dahil may nakapag sabi sa kanya na malubha na si Tatay. Nang malaman ni Nanay nag- away sila ni Kuya pero sinumbatan lamang ni Kuya si Nanay na karapatan ni Nanay na buhayin kami. Medyo may tampo din si Kuya kay Nanay dahil hanggang grade 3 lang ang tinapos ni Kuya Tony. Hindi ko alam ang buong kwento. Pero para sa akin walang puso si Kuya Tony dahil kahit piso hindi niya manlang kami binibigyan kahit makita niya kami ni Kuya Noel at Kuya Rowel na naglalakad sa daan papunta sa eskwelahan. Maganda ang buhay niya ngayon. Dahil n'ong namatay si Father binigyan siya ng mana ni Father. May asawa at anak na rin siya, pero parang hindi din nila kami kilala
Ang pangalawang kapatid ko naman nasa Manila nag ta-trabaho sa bakery madalang lang din siya magbigay kay Nanay. At kung magbigay man ay isang libo ang pinakamalaki. Ang pangatlo ko namang kapatid maaga nag-asawa dahil siguro sa hirap ng buhay. Pero ang asawa niya mahirap din. Kaya minsan pumupunta pa dito sa bahay upang humingi ng bigas. Kami nalang ang naiwan kay Nanay si Kuya Noel na 14, taong gulang. Si Kuya Roel na 13 taong gulang at ako. Iwan ko ba kay Nanay at Tatay ang hirap ng kanilang buhay anak pa ng anak. Pero nagpasalamat pa rin ako na pinanganak nila ako dito sa mundo. N'ong nagkaisip na ako at nalaman ko kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni Tatay sinabi ko sa sarili ko na mag na-nurse ako. Para kapag magkasakit ang pamilya ko hindi na namin kailangan pumunta ng ospital dahil ako ang gagamot sa kanila. Pero hindi ko alam kung matutupad ko dahil nga isang kahig isang tuka lamang kami. Si Nanay ko naman ay matanda na ngunit minsan parang armalite ang bunganga. Katulad ngayon alas tres pa lang ng madaling araw gini-gising na kami para mag-ani. Kung ano-ano pa ang sinasabi. Kaya parang nawalan din kami minsan ng respito sa kanya, lalo na si Kuya Noel at Kuya Roel.
Gawa lang sa kawayan ang aming bahay may dalawang maliit na kwarto. Magkasama kami ni Nanay samantala sina Kuya Roel at Kuya Noel ay magkasama din sa isang kwarto. Ganito ang buhay namin sa probinsyana. Kapag may anihan ng palay o mais kailangan alas dos o alas tres ng madaling araw pa lamang aalis na kami sa bahay upang pumunta sa kabilang baranggay upang makapag ani ng palay. Maraming sapa ang kailangan namin tawirin upang makarating kung saan may anihan. Mga isang oras ang lalakbayin namin bago kami makarating. Kailangan kasi tumayo ka sa gitna ng palayan upang mag-abang sa may-ari ng palay. Parte parte kasi kapag mag-ani. Kung saan ka nakatayo iyan ang makuha mo. Pero kailangan hintayin kung kailan sasabihin ng may-ari na magsimula na mag-ani. Minsan may mga masamang ugali din ang may-ari ng palayan. Mga walang kunsidirasyon sa amin. Maghintay pa kami minsan ng alas siete hanggang alas otso ng umaga bago sasabihin na kailangan na namin simulan ang pag-ani. Kaya pagkatapos namin mag-ani pagod, puyat ang maramdaman namin sa katawan.
Bilisan niyo na diyan baka hindi kayo makaabot ng anihan. Kailangan maaga kayo makarating nang may makuha kayong parte. nailagay ko na ang baon niyo sa dahon ng saging tag isang tuyo at tag isa kayong kamatis. Huwag kayong mag agawan huh?" Bilin ni Nanay sa amin. Kaya kahit inaantok pa kami nila Kuya wala kaming magagawa. Kinuha na ni Kuya Roel ang baon namin. Si Kuya Noel naman ang nag bitbit ng isang galon na tubig. Ako naman ang nagdala ng damit namin.. Maligo kasi kami sa sapa sa mamaya. Bago kami pupunta sa kabilang baryo para duon mag-ani ng palay.
"Aalis na po kami Nay." Magkasabay namin na paalam kay Nanay.
"Bilisan niyo ng may maabutan pa kayo. Huwag kayong kukupad kupad." Bilin ni Nanay sa amin. Ganito ang ugali ni Nanay, kung minsan iniisip ko nga na umalis nalang dito sa bahay. Kaya siguro galit ang panganay naming kapatid sa kanya dahil sa ugali niya. Bungangera at minsan sinasaktan niya pa kami kapag matalo sa sugal. Oo tama ang nabasa niyo, kahit mahirap kami minsan walang bigas. Pero inuuna pa ni Nanay ang majhong sa kabilang bayan. Kapag matalo siya galit na galit siya sa amin. Pero kapag manalo siya may pasalubong naman siya sa amin. Kaya nasanay na lang din kami.
"Kapag may pera na ako, aalis ako dito. Pupunta ako ng Manila at duon mag trabaho. Pagod na tayo sa trabaho hindi manlang tayo naka tikim kahit peso. Kaya siguro ayaw sa atin ni Kuya Tony at Ate Neneng dahil sa ugali ni Nanay. Pati tayo nadadamay." Wika ni Kuya Roel habang naglalakad na kami papuntang palayan.
"Ako din, may kaibigan ako sa Zamboanga, may-ari ng punungan ang kanyang Lolo. Sinabi niya sa akin kung sasama ako sa kanya sa susunod na buwan. Kaya sinabi ko na sasama ako. Huwag niyong sabihin kay Nanay huh! Kapag may trabaho na ako duon, bibigyan ko kayo ng pera. Lalo ka na Enna para makapag aral ka. Ikaw lang ang matalino sa atin kaya kailangan mong makapag aral." Wika naman ni Kuya Noel.
"Maraming salamat mga Kuya at hindi niyo ako pinabayaan. Pangako po, kapag nakapag aral at nakapag tapos ako ng pag-aaral ako din ang tutulong sa inyo. Pero sa ngayon, kailangan muna natin magmadali. Baka hindi tayo makaabot at tayo ang abutan ni Nanay ng pamalo kapag umuwi tayo na walang dala." Natatawa ko'ng sabi sa kanila. Kaya naglaro kami ng habol-habolan sa daan para mabilis kaming makarating sa sapa upang makaligo.