SIENNA Tahimik kaming dalawa ni Tom habang nasa byahe na kami. Kanyang sasakyan ang ginamit namin. Hindi nga sana ako uupo sa front seat, ngunit hinatid kami ni Ate Haide sa kanyang sasakyan kaya napilitan ako'ng umupo sa kanyang tabi. Tinuon ko ang aking paningin sa labas ng bintana. Narinig ko na panay tikhim niya at naramdaman ko na parang panay ang tingin niya sa akin ngunit binaliwala ko lamang. "Quinn, I know it's personal. But if you don't mind. Ilan kayong magkapatid? Nasaan ang mga magulang mo? Bakit ibang pamilya ang kasama mo sa graduation picture mo? Sorry, but i stalk your f*******: account. At duon ko nalaman na hindi mo boyfriend ang kasama mo sa mall. Again I'm sorry!" Basag ni Tom sa aming katahimikan. "Mahabang istorya Dok. Lima kaming magkapatid. Iyun lang ang masas

