THIRD PERSON AFTER ONE MONTH "Apo Lakay, Apo Lakay! Gising na ang babae." Sigaw ni Glory na siyang nagbabantay sa natutulog na babae na nakita nila n'ong nakaraang buwan. Isang buwan na hindi nagising ang babae. Inalagaan nila at palaging binantayan dahil nalaman nila na nagdalang tao din ang babae. Mabuti nalang malakas ang kapit ng bata sa loob ng tiyan ng babae kaya hindi ito nakaunan. Lahat sila nagtulong tulong sa paghahanap ng gamot para gumaling ang babae. Nang marinig ni Apo Lakay at iba pa nilang kasamahan ang sigaw ni Glory mabilis silang lumapit sa kubo kung saan nakahiga ang babae. Dahan-dahan naman minulat ng babae ang kanyang mata. Nasilawan pa siya ng unang bumukas ang kanyang mata, kaya pumikit siya ulit. Pagkatapos dahan-dahan niyang minulat ulit ang kanyang mata. Na

