ENNA "Good morning Enna, Happy birthday self." Malungkot ko'ng bati sa aking sarili. Sabado ngayon at araw ng birthday ko. Hinintay ko kagabi mag alas dose ng hating gabi nagbaka sakaling batiin ako ni Tom ngunit nakatulog lang ako. Wala ako'ng natanggap na pagbati niya sa akin. Ngayon pag-gising ko, kaagad ko'ng tiningnan ang aking cellphone ngunit wala talaga. Kahit sa mga kapatid at mga kaibigan ko wala ako'ng natanggap. Okay lang na wala ako'ng natanggap na pagbati mula sa mga kaibigan ko sa trabaho dahil hindi ko naman sinabi. Ngunit nagtataka ako na kahit si Ate Cresilda,Kuya Roel lalo na si Angel hindi manlang ako binati. Dati naman nagigising nalang ako sa ingay ng cellphone ko dahil tumatawag na sila para batiin ako. Pero ngayon wala kahit isa sa kanila. Kahit nga si Kuya Noel a

