Chapter 13 : Bipolar

830 Words

Chapter 13 : Bipolar Celine's POV KINABUKASAN "Waaah! Bespren! Anyareee?" bungad sa akin ni Shaira pagkapasok na pagkapasok ko sa room. Hindi ko siya pinansin at umupo na lang ako. "Bakit ganyan mata mo? Puyat plus iyak?" tanong niya. "Obvious ba?" sabi ko na lang. "What happened ba?" "Wala." "Wala na naman? Ano nga?" "Wala nga. Promise." "Okay!" sabi niya sabay buntong-hininga. Hala nagtampo na. "Uy, galit ka?" tanong ko. "Hindi!" sigaw niya. "Galit ka eh." "Hindi nga!" Haaay ang bilis magtampo. "Hmmm, magde-date nga pala kami ni Marc mamaya. Gusto mo bang-" Pinutol niya iyong sinasabi ko. "Who cares?" mataray na sabi niya. Lagot, tampo talaga. "Ganyanan?" sabi ko sabay pout. Nag-smirk lang siya. Sige magtiisan tayo! "Hi babe..." Bigla na lang nandito sa room si Marc.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD