Chapter 14 : Who's Mr. Right? Celine's POV "Ay putik!" Napasigaw ako nang bigla na lang humalik sa pisngi ko. "Oh babe, ikaw pala," nasabi ko na lang. "Tsk. Sino bang hinahanap mo? Si Charles?" He smirked. "Selos ka naman?" sabat ni Tony, member din ng basketball team namin. "Tsk! Ako magseselos? Sa gwapo kong 'to?" tugon niya sabay tulak kay Tony. Ang cute nya magselos HAHAHA. "Sabi mo eh," natatawang sabi ni Tony habang umiiling-iling. "Babe, hindi mo ako pinapansin. Siya nga iyong hinahanap mo 'no?" Biglang lumungkot ang mukha niya. "Hindi naman sa gano'n... Kausap ko kase siya kanina, parang may problema siya eh." "Iyon lang?" "'Yon lang po," natatawa kong sagot. Tiningnan niya ako nang masama. "Iyon nga lang talaga. Promise!" Ngumiti ako sa kanya. "Okay. Tara, kain na

