C-1
CLARA JAIRA
“S–Sino kayo? Ano ang kailangan niyo sa akin?” nanginginig sa takot na tanong ko sa mga lalaking humarang sa daraanan ko.
May hawak silang patalim at hindi kaaya-aya ang mga mukha nila. Hindi ko sila kilala at nagulat na lang ako dahil bigla na lang silang humarang sa daraanan ko. Nandito ako ngayon sa labas ng bar at balak ko na sanang umuwi. Naghihintay lang ako ng masasakyan ko. Walang tao sa paligid dahil malalim na ang gabi. Kasama ko ang mga kaibigan ko at nasa loob pa rin sila ngayon.
“Itanong mo sa ama mo? Malaki ang atraso niya sa akin kaya ikaw ang magiging kabayaran!”
“Hulihin niyo siya!” utos ng lalaki na may peklat sa mukha.
“Huwag kayong lalapit! D’yan lang kayo!” sigaw ko sa kanila.
“Maganda ka at pagsasawaan ka muna namin. Para malaman ng daddy mo ang sakit ng ginawa niya sa amin! Ikaw, ikaw ang magbabayad ng lahat,” nakangisi na parang dem*nyo ang lalaki kaya mas lalong tumayo ang mga balahibo ko sa katawan.
“D’yan lang kayo! ‘Wag kayong lalapit!” sigaw ko sa kanila ngunit patuloy pa rin sila sa paglapit sa akin.
“Anak ko ang kinuha sa akin ng ama mo kaya anak rin ang magiging kapalit,” sabi niya sa akin.
“Kung ano man ang ginawa sa ‘yo ng daddy ko ay wala akong alam d’yan. Hindi ko alam kung ano ba ang ginawa niya sa anak mo kaya ‘wag mo akong idamay!”
“‘Wag idamay! Sana ‘yan rin ang inisip ng ama mo bago pa niya pin*tay ang anak ko!”
“Hindi, hindi masama ang daddy ko! Baka nagkakamali ka lang,” sabi ko pa sa kanya.
“Mukhang hindi mo alam kung sino at ano ang daddy mo! Pero mas mabuti na wala kang alam dahil ikaw ang kabayaran sa lahat!” sigaw niya at bigla na lang akong hinuli ng dalawang lalaki at hawak nila ako.
Mabilis nila akong ipinasok katabing establishment nitong bar. Kinaladkad nila ako at nagpupumiglas naman ako. Pero patuloy pa rin sila sa ginagawa nilang paghila sa akin. Hanggang sa nakapasok na kami dito sa loob ng abandonadong lugar na ito.
Hindi ako makaalis dito, hindi ko alam kung paano ba ako lalaban sa kanila. Kinakain ng takot ang buong sistema ko. Takot dahil hindi ko alam kung makakaalis pa ba ako ng buhay sa lugar na ito. Sana ay hindi na lang, hindi na lang sana ako tumakas sa mga bodyguard ni daddy. Hindi ko na lang sana ginawa ang nais ko.
Hindi ko rin naman alam kung ano ba ang tinutukoy ng mga lalaking ito. Kung ano ba ang ibig nilang sabihin sa ako ang kabayaran at kasalanan ng daddy ko. My dad is the sweetest man on earth kaya paano nila nasasabi na may pinatay siya. Sure ako na nagkakamali lang sila. Nagkakamali lang sila dahil ang daddy ko ang hero ko.
“Ang ganda mo, ang ang bango mo pa, sure ako na hindi lang ito ang mabango sa ‘yo,” sabi ng lalaki at inamoy-amoy pa niya ako kaya mas lalo akong kinilabutan sa ginagawa niya.
“Lumayo kayo sa akin! Lumayo kayo! Parang awa mo na po, ‘wag mong gawin ito!”
“Ang swerte mo naman, boss?”
“Swerte tayo dahil hindi lang naman ako ang titikim sa kanya kung hindi tayong lahat!” natatawa na sabi ng lalaki na para na namang demonyo.
“Parang awa niyo na po. Hayaan niyo na po akong umalis. Maawa po kayo sa akin.”
“Pasensya ka na, iha. Pero hindi ka na makakaalis dito.”
“I-set up niyo na ang camera para makita ng ama niya ang gagawin natin sa pinakamamahal niyang anak. Dapat galingan niyo dahil nakakahiya naman kung pangit ang performance niyo,” sabi pa niya sa mga kasama niya.
“Yes, boss!”
“Gagalingan talaga namin. Ngayon lang ako makakatikim ng ganito ka ganda eh. Susulitin ko na! Minsan lang ito!”
Para silang mga hayok na hayok sa laman. Na para bang ngayon lang nakakita ng babae. They tied me up kaya wala na akong kalaban-laban pa sa kanila. Hanggang sa bigla na lang sinuntok ng isang lalaki ang sikmura ko kaya nawalan ako ng lakas sa sobrang sakit. Umiiyak ako sa sobrang sakit at hindi naman ako makasigaw dahil binusalan na nila ako. May takip na ang bibig ko. Ang tanging magagawa ko na lang sa ngayon ay ang umiyak ng umiyak.
“Daddy, where are you? Save me, save me, please.. Takot na takot na po ako,” saad ko sa sarili ko att nakapikit na ako dahil ayaw ko ng makita ang mga mukha nila.
Nanghihina na rin kasi ako sa ginawa nilang pagsuntok sa akin. Wala na akong kalaban-laban pa sa kanila. Nakakatakot sila at mukhang hindi sila naaawa sa akin kahit pa magmakaawa ulit ako sa kanila. Nawawalan na ako ng pag-asa. Pag-asa na may sasagip pa sa akin ngayon.
Hanggang sa bigla na lang akong nakarinig ng putok ng baril gustuhin ko man na imulat ang mga mata ko ay hindi ko naman kaya.
“Mga put*ngina niyo!”
“Ang dami nila, boss!”
“P*tayin niyo silang lahat!” sigaw naman ng lalaki at nagpatuloy ang palitan ng putok ng baril.
Nakatali pa rin ako sa kung saan ako kanina. Alam ko na anytime ay mababaril ako. Pero ano ba ang magagawa ko? Hindi ko naman kayang umalis sa kung saan ako.
“Letse talaga ang ama mo! Hindi man lang niya ako hinayaan na tikman ka,” narinig ko na bulong ng lalaki sa akin at mas lalo akong natakot sa kanya.
“Pero hindi ko hahayaan na mabuhay ka pa. P*patayin kit–”
Nagulat ako dahil may bigla na lang kung anong tumama sa akin. Kaya naman pinilit ko na imulat ang mga mata ko at kahit pa malabo ay nakita ko ang lalaking nakahandusay na ngayon sa tabi ko. Malabo pero alam ko na siya dahil sa kulay ng damit niya. Naramdaman ko rin na may tao sa tabi ko at inalis niya ang busal sa bibig ko. Inaalis na rin niya ako sa pagkakatali.
“Clara, you’re safe now,” sabi niya sa akin.
“Who are you?” tanong ko sa kanya.
“I’m your–”
“Clara!”