Jane's POV
" My gosh, Juanie!! ano na naman ba ito, kay aga-aga, hahaha!!.. halos mabasag na ang eardrum ko habang papalapit sya sa akin.
Lumuwag ang din ang pakiramdam ko ng makapag-pakawala na ako ng buntong hininga dahil sa scene kanina. Mahabang buntong hinga..
"Hoy madam, sabi ko anong ginawa mo?" halos ilapit na sa mukha ko ang kanyang mukha at may nakakalokang ngiti sa labi. She is wearing sexy office outfit contrast ng sa akin.
"Wala! Wala nga akong ginawa! Wala rin akong sinabi! Nagulat na lang ako kung bakit ganun ang mga sinabi nya! I just want some updates sa mga books na pinapakuha ko kahapon and gusto ko lang din malaman ang scheds ko ngayong araw na usually yun naman ang talagang dapat nyang sabihin sakin everyday, right?? Now tell me, may masama ba dun? Nakakatakot na ba yun, ha? " litanya ko kay Aning, ang childhood and best friend ko na secretary ng big boss ng companya.
Juanie ang tawag sa akin ng mga pamilya ko.. palayaw sa akin ni Tatay. Tanging malalapit lang sa akin ang hinahayaan kong tumawag sakin ng ganun. At dahil sabi ni Anne na bestfriend niya ako since mga bata kami..okey lang sakin na Juanie din ako sa kanya... pero di rin ako papatalo kasi Aning naman ang itinatawag ko sa kanya pag kaming dalawa lang!
"E bakit ganun ka makatingin sa kanya kanina, para kang tigreng lalapa ng tao, aber?" sunod na tanong nya. Nakuu.. mukhang mahabang paliwanagan na naman ito!!
" Girl, bad day lang talaga ang araw na ito. Mula sa traffic, sa parking pati sa elevator! Alam kong napansin na ako ng mga nasa loob pero still they closed the door pa rin so I need to wait again for couple of minutes para makasakay lang. Tapos ito pa, look at this! " .. sabay haplos ko sa lamesa ko. Tinaas ko ang dalawang daliri ko na may alikabok na dumikit dito. At nang makita nya na nya iyon ay walang pag aalinlangan kong ipinahid iyon sa sleeves ng blazer nya.
" Ayy!! bwisit kang babae ka! "
hiyaw nya at agad ding gumanti sakin ng pagpahid ng alikabok sa damit ko.
"Hahaha! " tawa ko habang umiilag sa mga pagpunas nya sakin.
"Ayoko na! hahaha Ang daya mo, lugi ako naka upo ako ikaw nakatayo! " sabi ko habang tinatakpan ko ang mukha ko. Siguradong ang mukha ko na naman ang susunod niyang pupuntiryahin.
"Ayan, ang lakas ng loob mong mag umpisa tapos ngayon aayaw-ayaw ka na, hahaha! " pang aasar niya sa akin. " Di ko pa nga napapahiran yang mukha mo nang magkakulay man lang!" dugtong niya.
"Ayan na naman.. napansin na naman ang mukha ko! haysst!" Inis kong bulong sa sarili ko. Daytime Vampire ang tawag nya sakin kasi mukha na daw aking bampira dahil wala akong make up pag pumapasok ng work. Lipstick meron, pero black nga lang hehe. Parang laging halloween. Ito na ang nakasanayan kong shade eh.
Mabuti na lang at tumigil na din ito. Kumuha ng basahan sa drawer at pinunasan ang lamesa ko. Napakasipag talaga! Haha!
"O ayan Madam, malinis na! So ayan pala ang ikinalukot ng mukha mo kanina na naabutan ni Miss Tere? akala tuloy nung tao bingo na naman sya sayo.." tanong niya. Ang tinutukoy nya ay ang praning kong sekretarya. Alam na alam na talaga ng babaeng 'to kung kailan nagbabago ang mood ko.
"Palagi na lang kasi to, girl. Alam ko may naglilinis naman sa buong building pero bakit parang di umaabot dito? Pwede rin naman sanang paki gawa na lang ni Tere diba habang wala pa ako pero bakit di nila magawa?? " nanggigigil kong sabi.
"You know why, girl? kasi takot silang pumasok dito sa "cave" mo baka kainin mo sila, hahaha! Tignan mo kahit sa elevator iniiwasan ka nilang makasabay! " Ang luka-lukang to at tinawanan na naman ako.
Inirapan ko lang tong kausap ko .. totoo naman, Aloof silang lahat sa akin. Dahil sa attitude ko pag kaharap ang ibang tao. Ito talaga ako. I seldom speak sa iba. Hangga't maaari ayokong nakikipag usap. Syempre exception si big boss , ang President ng company. Kadalasan ay facial expression at hand gesture lang ang ginagamit kong pang communicate. Haha at nakakatawa dahil naiintindihan nila iyon! Woman of few words daw ako, ang hindi nila alam, na ang totoong ako ay isang bungis-ngisin at kalog tao!
" Ikaw naman kasi.. " dugtong niya.
" Di ka ba napapagod talaga sa ginagawa mo, girl.. ? Nakakatakot naman kasi talaga yang " working aura " mo. Baguhin mo na para naman maging masaya rin ang paligid ng work place mo.. Tignan mo laging takot ang mga tao mo. Puro na nga numbers ang inaatupag nyo maghapon tapos terror pa ang Department Head.. naku, torture talaga yun bes! " taas kilay pa talaga nyang sermon sa akin.
"Aning naman, alam mo ang sagot ko dyan diba? As long as wala akong sinasaktang tao o sinasabihan ng masasakit na salita I think wala akong dapat baguhin. Hindi ako ang dapat mag adjust. Ganito talaga ako magtrabaho eh. Pagsinabing work, dapat work! and work seriously! And kaya tayo nandito sa building na ito para mag work.!" pagtataray kong sagot sa kanya.
She rolled her chinita eyes then umirap sa akin, " Ganon? Oh eh bakit ngayon chi-chika mo ako dito eh oras ng trabaho, sige nga? Work ,work, work pala ha.." pang aasar nya sakin.
" Sira ka talaga!!" Kinumos ko ang isang papel at ibinato sa kanya! "Ikaw nga itong pumasok- pasok dito sa opisina ko tapos ako pa palalabasin mong nang chumi-chika sayo, Walang hiya ka! hahaha! " pati ang throw pillow na nasa upuan ko ay ihinagis ko sa kanya.
" Hahaha, joke lang naman! di ka na mabiro! Oo nga pala..." pagputol nya sa sinasabi nya. Habang inayos na ang suot at ang buhok nya. ".. pinapa sabi nga pala ni Sir, sa office ka na daw niya mag lunch mamaya, sabay na daw kayo kumain.." smirking sabay kindat sa akin.
Napataas naman ang kilay ko sa gesture nya.
" E bakit parang may kahulugan na naman yang ngiti mo, babae ka!!" tumayo na ako sa upuan ko at akmang hahabulin sya kasi papunta na sa pintuan ang direksyon nito.
" Hahaha..! wala, wala!" sagot nyang patakbo na rin pero umikot lang sa mga upuan ng receiving area ng opisina ko. Nakikipag patentero na sa akin wag ko lang maabutan.
" Haha, Juanie I mean, laman ka na naman ng umpukan mamaya nyan". sabi nya. " 'Si Miss Vizconde nasa office na naman ng Big Boss' na naman ang topic mamaya. Is'nt that exciting?? maarte nyang sabi at may pakumpas pa ang mga kamay.
"I dont give a damn to whatever they think about me! Bahala sila, pero wag ko lang talaga maaabutan at maririnig mismo na pinag uusapan ako tungkol dyan at makikita nila ang witch na kunatatakutan nila!" sabi ko. This time seryoso ako. Nakakahiya kay Sir Baste. Ang big boss namin. Napakabait nyang tao.
" Ok, ill go na, awat na haha. " pumunta na ng pinto si Aning at hinawakan na ang doorknob. This means: shift to working mode na naman kami.
"Ako na magsasabi kay Tere ng mga pinapagawa mo at baka himatayin na yun pag pinapasok mo ulit dito." sabay kindat nya.
" Chill lang kasi, bawasan mo"pekeng" kamalditahan mo ha? haha". pahabol pa niya.
Hindi ko na magantihan ng kahit kurot man lang itong babarng ito ngayon dahil anytime pwede na nyang buksan ang pinto. Ayaw kong makita kami ng ibang empleyado habang nasa harutan mode.
" Ok, sige na , tsupi na.. !! Layas na.. !! Shu!shu! ".. Ngisi ko sa kanya.. makabawi man lang. haha
"Bye, Maam" kumakaway pang sabi nya.
" 'Later, bessy.." sagot ko ring nakangiti sa kanya.
Paglabas nya ng pinto ay bumalik na rin ako sa table ko.
Feel kong na-energized at na-kondisyon na rin akong magtrabaho kahit papano. Pinagpapasalamat ko talaga at kasama ko dito sa kumpanya ni Sir Baste si Aning.
Eto kami behind the closed door. Makukulit, magugulo, mga bungis-ngisin, at mga isip bata, na sya namang kabaliktaran ng nakikita sa amin, lalo na sa akin, pag kaharap ang ibang tao...
.
.
.
...magulo sila Juanie at Aning kasing gulo ng author hehe..bear with me po ha, first timer lang eh. mwaahh!
-mamijuana❤