Chapter 1 - The Lady Boss
"Gosh, here she comes..!!"
"Speaking of the..."
"Umayos kayo nandyan na si Madam..!!"
Kanya- kanyang bulungan ang mga empleyado ng makitang nila na papasok na sya sa opisina.
Isang babaeng naka suot ng all black. Long square pants na hanggang ankle, blazer at shoes lahat black! Pati color ng lipstick nya ay black. Parang napapalibutan ito ng negative vibes sa itsura nya ngayon.
Ganun pa man, kahit natetensed ay nag uunahang tumayo ang mga ito para bumati sa kanya.
" Good morning, Maam JM!" halos sunod-sunod na sabi ng bawat isang nalalampasan nya. They call her by her initials. Thats what she wanted them to call her.
Tango lang ang itinugon nya sa mga ito. Mabilis ang mga hakbang hanggang marating nya ang kanyang opisina na dulo ng 5th floor.
Nakatayong nag aantay na rin ang kanyang sekretaryang si Tere na kitang kita ang kaba sa mukha pero pilit pa ring ngumiti at bumati.
"G-good m-morning Maam, JM..", nanginginig ang boses sabay tungo ng ulo.
" To my office now ." malamig at walang lingon-lingong sagot nya sa pagbati ng kanyang sekretarya sabay pasok sa loob ng opisina.
Pag pasok nya ay dumiretso ito sa kanyang desk. lnilapag ang dala-dalang tote bag at pagkatapos ay hinaplos ang ibabaw ng kanyang l
table. Kumunot ang kanyang noo ng may sumamang kaunting alikabok sa daliri nya. Di sya makapaniwala sa nakita nya! Saktong pagkatok ng sekretarya at pumasok ito ay naabutan sya sa ganoong naka busangot na itsura.
"..M-maam.. d-did i d-do s-something wrong? sorry po kung may lapses po ako..sorry po.." sabi nya habang ipinagkikiskis ang mga palad.
Dahil sa narinig ay lalong kumunot ang noo ni Jane sa narinig mula sa sekretarya.
What the f**k is she saying?.. sabi nya sa isip nya na tanging facial expression lang ang reaction nya.
Jane can see her secretary trembling in fear.. but she did'nt utter any words.
Same cold and emotionless reaction lang ang nakikita sa mukha nya. Na naging dahilan kung bakit lalong mukhang nataranta ang kawawang sekretarya.
Bago pa makapagsalita si Jane ay isang katok mula sa pinto ang nag interrupt sa kanya. Sabay silang lumingon sa pag-bukas ng pintuan.
" Good mor..... " , naputol ang bati ni Anne ng makita kung ano ang sitwasyon na nadatnan nya. Palipat lipat siya ng tingin sa dalawang babae sa harapan niya.
Anong drama na naman ba ito? tanong niya sa sarili.
"Umm.. Miss Salcedo please leave us for a moment..." sabi ni Anne sa sekretarya at agad agad naman itong tumalima at lumabas ang kawawang babae.
"T-thank you Maam Anne. B-buti po at dumating kayo.. " halos pabulong na sabi pa nito ng madaanan sya palabas.
Sinundan na lang niya ito sa paglabas at dali-daling ini-lock ang pintuan.
Ibinaling naman nya ang tingin sa babaeng ngayon ay naka upo sa swivel chair na animo'y isang reyna na inaagawan ng trono. Kahit sino talaga ay kakabahan kung ganitong awra at itsura ang makikita mo sa harapan mo.
Isang Lady Boss na sa unang tingin mo pa lang ay masasabi mo nang nakakatakot sya dahil sa ayos nya.
Naka pusod ang buhok, may black-framed eyeglasses, walang make-up kundi black shade lipstick at ang outfit ay kung hindi color black ay dark colored blazers at slacks pants.
At parang wala pa sa bukabularyo nya ang salitang ngiti!.
Imagine a terror lady professor.. or a fierce policewoman/ jail guard na napapanood sa mga movies? Jane is a perfect example of it.. this what she really looked like always dito sa kumpanya!
She is only turning 26 years old! Pero sa kilos, ugali at pananamit niya, iisipin mo talagang malapit na syang maging kwarenta!
Maganda siya, nasa 5'4 ang height, di nga lang kaputian pero makinis naman ang kutis.. isa rin syang matalinong babae. Isa syang CPA at nakapasok siya sa top 5 noong nag-take siya ng board exam. Maabilidad din at palaban.
Pero, lahat ng mga features niyang ito ay natatakpan ng makakatakot na aura pag nasa work place na ito.
Hindi na napapansin ang good side nya, kundi ang negative na lang ang nakikita.
Ang tingin ng lahat ay isa syang halimaw. A witch. And at this very early in the morning, many will think na mayroon na naman siyang na biktima!
Ang akala nila... ang pinaniniwalaan ng karamihan ...
Pero ang totoo, total opposite ng nakikita nila ngayon ang tunay pagkatao nya..
Alam nya ang dahilan at ang pinagdaanan nito kung bakit sya naging ganyan.. at naiintindihan nya iyon..
"What?? " pasigaw na tanong ni Jane kay Anne nang napansin nitong para syang isang scanning machine na tinitignan sya mula ulo hanggang paa.
Napabuntong hininga na lang si Anne sa kaibigan niya... napa-iling na lang sya at tanging nasabi nya sa isip nya:
" haisst, JANE MARIE VIZCONDE, here you go again!!.. ".