CHAPTER 16 CHERRY'S POV Umaga na, at nagmadali akong maghanda. Kailangan kong bumalik. Lumabas ako para magpaalam sa kanila. Ayokong umalis, pero kailangan para sa kapakanan ng kapatid ko. Nagulat ako sa pagbukas ko ng pinto, si John pala ang biglang yumakap sa akin, hindi ako makagalaw. “‘Wag ka na lang umalis dito. I can't lose you." Natahimik ako sa sinabi ni John. Pumikit ako at humarap sa kan’ya. "I have to do it; hindi ba na paliwanag ko na sa’yo?" "Pero paano naman tayo?" "Marami ka pang makikilala." "Pero gusto kita." "I'm really sorry; alam mo ang pinagdaanan ko. Ayokong madamay ka sa problema ko. Aalis ako. Salamat sa lahat. Salamat sa pagtanggap sa akin. Sabi mo kakaiba ako, pero tinanggap mo pa rin ako. Kahit hindi mo ako kilala, Kahit ang dami kong ginagawang kalok

