CHAPTER17 JOHN'S POV "John, tumahimik ka." Napatingin ako kay Mark. Talagang tumabi siya sa akin. Alam nila kung bakit ko ginawa ito. "Baka nami-miss lang niya si Princess Cherry." Nilakasan pa talaga niya. Sarap din sapakin 'tong isang 'to. Alam naman niya. Kaasar sila, oh! Magtatanong pa talaga. "I miss Cherry too. Naalala ko tuloy. We first met Princess Cherry. Inubos niya ‘yong cupcakes na ginawa ng girlfriend mo. Gusto ko pa naman. Naunahan lang ako ni Cherry." sabay tawa ni Emz. Ang ingay nila oh. "Sobrang inis ako noon. Pero nung nakita ko ‘yong mukha ni Cherry, bigla akong naawa. Hindi na lang ako makapagsalita. Kakaiba si Cherry. Naawa ako sa kan'ya . Kaya Hindi na ako nagalit sa kan'ya. Mukhang gutom na gutom pa naman. Sino ba naman ako para tanggihan siya, kung gusto na

