"Welcome home!" Nakangiting sinalubong sila ni Doña Esmeralda, pagkapasok pa lang nila ng Mansion. Nakasunod naman ang asawa nito. Niyakap siya ng Doña at hinalikan sa pisngi. "Welcome home iha." Nakangiting niyakap siya ng Don at tinapik naman nito si Ram sa balikat. "Thank you po ma'am, sir." Nahihiyang sabi niya. "Hey! Papa na lang ang itawag mo sa akin iha, dahil mula ngayon dito ka na titira bilang may-bahay ni Ram." Nakatawang sabi naman ng Don sa kaniya. Bigla tuloy siyang nahiya. Inakbayan naman siya ng nobyo. Nang lingunin niya ang Doña, nakangiti ito sa kaniya. "Oo nga naman kasi iha, mama na lang din ang itawag mo sa akin!" Masayang sabi naman nito. Napangiti na lang siya bilang sagot. Naninibago pa kasi siya, hindi naman ito ang unang beses na pumunta siya dito sa

