"Nakapili ka na?" Tanong sa kaniya ni Doña Esmeralda. Kanina pa kasi siya nagsusukat at nahihiya siya dahil sa presyo nito. Masyado kasing mahal kaya yung tatlo lang ang kinuha niya. "Bakit yan lang?" Tanong nito ng makita ang tatlong bestida na napili niya. Tinawag nito ang sales lady at lumapit sa kanila. "Ruth, tulungan mo siyang mamili at lahat ng magustuhan niya ibigay niyo." Maawtoridad na sabi nito sa lumapit na sales lady. "Yes ma'am." Nakangiting sagot naman nito. Aangal pa sana siya pero hinila na siya nito sa kamay at iginiya sa dressing room upang isukat ang mga damit na babagay at kakasya sa kaniya. "Ano ka ni Doña Esmeralda? Ngayon lang kasi kita nakita." Tanong ng sales lady sa kaniya. "Girlfriend ka po ba ni Sir Ram?" Dagdag na tanong pa nito. Hindi naman siy

