"Kanina pa kita tinatawagan pero nakapatay ang cellphone mo." Sabi sa kaniya ni Ram ng maabutan siya nito sa kanilang silid. Naiinis na nilingon niya ito pero hindi man lang niya ito nagawang sagutin. Masama parin ang kaniyang loob. "Babe, may problema ba?" Tanong pa nito sa kaniya. "Wala!" Inis na sagot niya. "Wala? Tapos galit ka naman, may ginawa ba ako na hindi mo nagustuhan?" "Wow ha! Ako talaga ang tatanungin mo sa bagay na iyan?" "What?" "Ang sabi mo susunduin mo ako sa school dahil may pupuntahan tayo, sa sampung beses na tawag at chat ko sayo ni isa wala kang sinagot!" Galit na sabi niya sa nobyo, ng maalala ang itsura ng dalawa sa picture, masayang masaya ang mga ito at lahat ng makakakita iisipin na magkasintahan ang mga ito. "I'm sorry babe." "Tapos malalaman ko n

