Katatapos nilang magbihis ng makarinig sila ng katok mula sa labas ng kanilang silid. "Ram iho, Isabelle bumaba na daw kayo at ng kayo'y makakain na." Boses iyon ni nanay meding. Nagkatinginan naman sila ni Ram at napangiti dahil sa ginawa nilang kalokohan. "Opo nay, susunod na po." Sagot ni Ram sa matanda. "Ikaw kasi!" Nakatawang kinurot niya ito sa tagiliran. "Nag-enjoy ka naman." Pilyong sabi nito. "Oo na!" Pinandilatan niya ito at nagkatawanan sila. Saka sila magkahawak-kamay na lumabas sa kanilang silid at nagtungo sa kusina. Napatingin sa kanila ang mga magulang pagkakita sa kanila, pinasadahan pa ng tingin ni Scarlet ang magkahawak nilang kamay ng nobyo. "Halina kayo at ng tayo'y makakain na." Yaya ng Don sa kanila. Ipinaghila naman siya ni Ram ng upuan at tumabi ito

