Namimili sila noon sa mall ng hindi sinasadyang mahagip ng kaniyang tingin ang mga taong ni sa panaginip ay ayaw na niyang makita pa. "Analyn, bilisan mo!" Sabi niya kay Analyn, dahil gusto na niya agad makalayo sa lugar na ito. "Isabelle!" Tawag sa kaniya ng matanda. Nakita rin pala siya nito at agad siyang sinundan. Napapikit pa siya bago lumingon. "Bakit po?" Magalang na tanong niya. "Buntis ka?" Agad na tanong nito sa kaniya at pinasadahan pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "May problema po ba kapag buntis po si ate Isabelle?" Singit ni Analyn sa matanda. Naramdaman niya ang pagkainis ng dalaga dito. "So, nag-asawa ka na pala agad pagkatapos niyong maghiwalay ni Ram?" Nang-uuyam na sabi nito sa kaniya. "Mabuti naman kung ganun, dahil masaya na din ang anak ko sa pil

