Sinindihan niya ang kandila at ipinatong ang dala niyang bulaklak sa puntod ng yumaong anak saka siya umupo sa damuhan. "Miss na miss na kita anak, kung buhay ka lang sana ngayon, masaya tayong magkasama kahit tayo lang." Heto na naman siya, hindi na naman niya mapigilan ang pagmalisbis ng luha mula sa kaniyang mga mata kapag nandito siya sa harap ng puntod ng kaniyang anak. Napahinga siya ng malalim. Mabigat parin sa dibdib eh! Sampung taon na ang nakalipas pero alipin parin siya ng nakaraan. Akala niya okay na siya pero, kapag nandito siya sa puntod ng kaniyang anak, bumabalik lahat yung sakit. Nanghihinayang lang siya sa mga panahon na nasayang, siguro hanggang doon na lang talaga sila ni Ram. Pero kahit ganito ang nangyari sa kanila, pinilit niyang ibaon na lang sa limot ang lah

