"Lasing ka na naman." Sita niya kay Ram, napatingin siya sa orasan at ala una na noon ng madaling araw. Mula noong mawala ang kanilang anak ay marami ng nagbago sa kanilang pagsasama. Hindi na rin sila magkasundo ni Ram, lagi na lang sila nag-aaway kahit sa maliit na bagay. Parang sa kaniya lahat nabunton ang sisi sa pagkawala ng kanilang anak. Sino namang magulang ang gugustuhin na mawalan ng anak diba? Akala kasi ng lahat balewala lang sa kaniya yung pagkawala ng kanilang anak, hindi lang nila alam kung mag-isa siya ay halos mabaliw siya sa kaiiyak at kaiisip kung bakit nangyari ang lahat ng iyon. Sobra parin siyang nasasaktan at nangungulila sa anak. Hindi naman pwedeng tumigil ang pag-ikot ng mundo sa kaniya, dahil marami pa siyang mga pangarap. Paano matutuwa ang kanilang ana

