"Nasaan ako?" Naghihinang tanong niya. Puro puti ang kaniyang nakikita. Akmang babangon siya ng pigilan siya ng kung sino. Napatingin siya sa katabi at tumambad ang nakangiting si Ram. "Ram.." Mahinang usal niya. Biglang nangilid ng luha ang kaniyang mga mata pagkakita dito. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong sa kaniya ng binata. "Ayos na ako." Sagot niya at nag-iwas siya ng tingin dito. Naiiyak siya habang nakatitig sa mukha ng binata. Hindi lang nito alam kung gaano na siya kasabik sa mga yakap at halik nito. Isqng araw pa lang pero sobra na siyang nangungulila dito. "Babe.." Hinawakan siya nito sa kamay at marahang hinaplos iyon. "I'm sorry." Sabi ni Ram, at sa narinig tuluyan ng nalaglag ang luha mula sa kaniyang mga mata. Napahikbi siya. "I'm sorry babe, hindi ko s

