"Sinabihan na kita noon pero hindi ka nakinig! At nagpabuntis ka pa talaga sa anak ko ha?" Gigil na sigaw ni Doña Esmeralda isang hapon na palabas siya sa gate ng unibersidad. "Ma'am." Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya dahil sa nakikita niya, nagliliyab ang mga mata nito sa sobrang galit. Animo'y gusto siya nitong saktan. "Ano, masaya ka na ba na nagkakagulo kami ngayon sa bahay dahil sa kagagawan mo! Magkano ang kailangan mo ang titriplehin ko ngayon din! Layuan mo lang ang anak ko!" Sigaw pa nito, ang mga ibang estudyante ay napapalingon sa kinaroroonan nila dahil nakakaagaw na sila ng atensyon. "Mahal na mahal ko po ang anak niyo maam, nagmamahalan po kami ni Ram." Garalgal na sagot niya. "Mahal mo ang anak ko o mahal mo ang kayamanan na mamanahin niya?" "Hind

