"Wow! ang sarap naman ng inihaw na tilapia!" Sabi ni Ram habang sarap na sarap ito sa pagkain. Nakakamay lang ito at first time nyang makita iyon. Kumuha pa ito ng nilagang talong at kamatis saka isinawsaw sa bagoong na may kalamansi. "Masarap diba kuya?" Ani Adrian. "Yeah.." Nakangiting sagot nito. Kung sarap na sarap ang nobyo sa pagkain siya naman ay halos bumaliktad ang sikmura sa amoy ng kanilang kinakain. Ayaw niya ng tilapia at ang amoy ng bagoong. Naduduwal siya! "Okay ka lang ba nak?" Tanong ng kaniyang ina ng mapansin ang kaniyang pagkabalisa. "O-opo." Sagot niya. Hindi niya pwedeng sirain ang masayang araw nila. Ayaw niyang mahalata ng mga magulang na may tinatago siya. Pero noong hindi na niya kaya, agad siyang tumakbo sa palikuran at doon siya nagsuka ng nagsuka.

